Poetry #4

10 2 1
                                    

"AKALA MO LANG PALA"

Iniisip mo na may kasama akong iba
Pero akala mo lang pala
Iniisip mo na sasaktan kita
I

niisip mo na lalayuan kita
Iniisip mo na hihiwalayan na kita  at wala ng pag-asa
Pero lahat ng yun ay akala mo  lang pala.

Akala mo lang pala lahat
Lahat ng Mali na mabibigat
Mali na wala ng tamang ginawa
kailangan pa ba ng akala mong madalas na?

Mahal mo pa ba ako o hindi na?
Hindi mo na ako mahal kasi andiyan na siya?
Mas pinili mo pa siya?
Wala na ba talaga?
Mga salita iyong binigkas
Mas diniinan mo pa sa ating wakas
Hindi mo ba talaga gaano kaalam?
Na lahat ng yun ay akala mo lang pala?

Hindi ka pa ba nakuntento?
Andito lang naman ako oh
Pero iniisip mong negatibo
Naging mali na ba ako?
Sa lahat ng mga akala mo
Magiging tama na ba ako?

Kung sakaling mawawala na yang walang kwentang akala mo
At paniniwalaan Mo na ako.

-Angel Maye(Aug.15,2017/11:26)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Poetry of Angel Maye 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon