When LOVE Begins. ❤ CHAPTER 2

31 0 0
                                    


~ Mendoza Residence ~

Mrs. Mendoza: ( Knock! Knock! ) Giselle anak, gising na! Di ba ngayon ang araw ng pag-iinquire mo sa papasukan mong school, baka mahuli ka. Gising na anak!

Biglang lumabas mula sa isang kwarto si Chel ( Ang panganay na anak. ) Bagong gising ito at gulo-gulo ang buhok.

Chel: Morning Mommy! Hindi po dyan natulog si Giselle. Andito po sya sa kwarto ko natulog.

Mrs. Mendoza: Ha? Kaya naman pala kanina pa ko kumakatok, walang nasagot. Aba’y sige anak, pakigising na ang kapatid mo at baka mahuli yan sa lakad nya. Bababa na ako. Sumunod na kayong dalawa.

Chel: Sige po Mommy!

~ Chel’s Bedroom ~

Chel: Giselle, Giselle! ( Sabay yugyog sa balikat ) Gumising ka na daw sabi ni Mommy! Baka mahuli ka sa lakad mo. Giselle!

Giselle: Hmmmmm. Five minutes pa Ate, inaantok pa talaga ako eh! Please.

Chel: Five minutes ka dyan! Hindi pwede, sige na bumangon ka na dyan! Bubuhusan kita ng tubig kapag hindi ka pa bumangon dyan. Isa, dalawa …………..

Giselle: Eto na nga po oh! Babangon na. Ate, paligo na lang sa bathroom mo, pwede?

Chel: O sige sige. Bilisan mo na kumilos dyan!

<-------------------- o -------------->

~ Mercado Residence ~

Maagang nagising si Yen. Bago sya lumabas ng kwarto, naligo na sya at nagbihis dahil baka mahuli sya sa pupuntahan nila. Ang araw na iyon kase ay ang araw nang pag-iinquire nya sa school na papasukan nya sa kolehiyo.

Pababa na si Yen. Sya’y papunta sa Dining room nila para kumain. Nadatnan nya ang Mommy At Daddy nya, na nakabihis na ang mga ito at papasok na sa trabaho.

Yen: GoodMorning po!

Mr. Mercado: GoodMorning din anak, halika at sumabay ka na samin kumain ng Mommy mo.

Yen: Opo Daddy! ( Nakaupo na sya at nagsimulang kumain )

Mrs. Mercado: Anak, Bakit ang aga mong gumising? Bihis na bihis ka, may lakad ba kayo ng mga kaibigan mo? Ang kapatid mo, tulog pa ba?

Yen: May lakad po kame ng mga kaibigan ko, Hindi nyo po natatanong Mom and Dad, ngayon po ang araw ng pag-iinquire ko sa papasukan kong school sa college. Opo, tulog pa po ang kapatid ko.

Mr. Mercado: Ayy. Oo nga pala. Kolehiyo ka na anak. Ang bilis ng panahon kolehiyo ka na. Anong kurso ba ang kukuhanin mo?

When LOVE Begins. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon