When LOVE Begins. ❤ CHAPTER 1

99 3 0
                                    

---Meet the  GIRLS!

Giselle Mendoza. Hi, Ako nga pala si Giselle. Half Chinese ako, ang Daddy ko ay Chinese at ang Mommy ko ay Filipina. Tatlo kameng magkakapatid; Si Ate Chel, Ako at si Kim. Simple lang ang buhay namen, may business ang Daddy ko at may maliit na flowershop si Mommy. Kaya kahit papaano, hindi kame hirap sa buhay. Minsan ume-extra ako sa pag-aartista para makatulong ako sa parents ko pero noong una, ayaw akong payagan ni Daddy dahil baka mapabayaan ko daw ang pag-aaral ko pero syempre hindi o hahayaang mangyari iyon sapagkat mas priority ko talaga ang pag-aaral.

Graduate na ako ng highschool. Magko-kolehiyo na ako sa pasukan. Ang balak kong kuhaing kurso ay Journalism dahil noong nasa highschool ako, Isa ako sa mga active member ng aming school newspaper. Gusto kong mahasa ang talent ko sa pagsusulat kaya iyon ang pinili kong kurso. Sabi ng karamihan “Sa kolehiyo pa lang magsisimula ang lahat”. Isa itong malaking hamon sa akin, panibagong pakikisama na naman at bagong kapaligiran na naman. Pero syempre may dalawang taong makakasama ko sa pagharap sa bagong hamon na ito. Sila ay sina Yen Mercado at  Niel Perez, sila ay ang mga kababata ko. Simula noong nag-aral ako, sila na ang naging kaibigan ko. Hindi na kame naghiwalay hiwalay noon. Palagi na kameng magkakasama, naging matalik kameng magkakaibigan.

Kaya ngayong kolehiyo na kame, parehong school pa rin ang papasukan namen kaya lang kame lang ni Yen ang parehong kurso ang kukuhain dahil ibang kurso ang kukuhain ni Niel. Pero ok na iyon sam amin basta ang importante magkakasama kameng tatlo.

Yen Mercado. Hi, Ako si Yen. Dalawa lang kameng magkapatid, ako yung panganay. Parehong may trabaho ang Daddy at Mommy ko kaya palaging maids ang kasama namen sa bahay. Palagi silang busy, minsan nga madalang na lang kameng mamasyal dahil sobrang busy nila sa trabaho pero naiintindihan ko naman iyon kase alam ko, lahat ng ginagawa nila ay para din sa amin ng kapatid ko at lahat naman ng needs namen ay binibigay nila.

Pero minsan gusto kong sabihin sa mga parents ko na hindi ko naman kailangan ang ano mang material na bagay, basta ang importante ay lagi namen silang nakakasama at meron kameng panahon para makapagbond bilang pamilya. Masyado kase silang busy sa kani-kanilang trabaho. Sana mabigyan kame ng pagkakataon na makasama namen ng kapatid ko sila Daddy at Mommy. Sinisigurado kong magiging masaya kameng pamilya.

Shocks! Kolehiyo na ako sa pasukan. Kinakabahan ako na ewan, kase panibagong experience na naman, new environment at bagong pakikisama na naman. Pero keri lang iyan basta kasama ko ang dalawang pinakamamahal kong kaibigan na sina Giselle Mendoza at Niel Perez. Sila ang matalik kong mga kaibigan sa simula’t sapol. Pangako namen sa isa’t isa, ano man ang mangyari andito kame para sa bawat isa. Walang iwanan.

Elyza Madrigal. Hi, Ako nga pala si Elyza. Nag-iisang anak lang ako ng parents ko. ‘Unica Ija”. Mahilig akong kumanta, sa katunayan nyan namana ko ito sa Daddy ko. Malungkot ang nag-iisang anak kahit na sabihin nateng nasa akin ang buong atensyon ng parents ko, kaya noon pa man ay sabik na sabik ako sa pakiramdam ng may kapatid.

There’s a big trial that came in our life when I was 7 years old, my Dad died. Noong una hindi ko talaga ito maintindihan kung bakit si Daddy pa ang kailangang mamatay. Simula noong nawala si Daddy, hinding hindi na ko muling kumanta kahit na i-nenroll ako nila noon sa isang Singing workshop. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, ang sakit sakit. Feeling ko hindi nauubos ang mga luha ko. Sabi sa akin ni Mommy na kahit wala na ang presensya ni Daddy, never naman daw kameng iiwan ni Daddy, kase kasama na ni God si Daddy sa beautiful paradise sa Heaven. Palagi syang nakagabay sa amin ni Mommy.

Makalipas ang ilang buwan, nagdecide si Mommy na lumipat kame ng bahay sa Manila para makapanimula ng bagong buhay. Noong una ayaw kong pumayag dahil lahat ng good memories namen with Daddy ay nasa bahay na iyon, tapos lilisanin namen ng ganoon ganoon lang, pero sa huli napapayag na din ako ni Mommy. Maganda ang naging trabaho ni Mommy sa isang sikat na kompanya sa Manila at isa din syang miyembro ng isang organisasyon sa sumusuporta sa mga “Widowed”. Sa Manila ko na din pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Sa tuwing sasapit o magkakaroon ng event sila Mommy sa office, lagi nya akong sinasama at doon ko nakilala si Marianne Medina, ang aking bestfriend. Anak sya ng ka-officemate ni Mommy. Parehong pareho kame ng mga naging karanasan sa buhay kaya hindi malayong naging matalik kameng magkaibigan. Marami kameng pinagkaka-sunduan ni Marianne, kaya nga napagdesisyunan namen na parehong kurso ang kukuhanin namen sa kolehiyo at iyon ay ang kursong Journalism. Kaya excited na excited na kame ni Marianne sa pag-iinquire sa papasukan namen. Panibagong hamon ito para sameng magbestfriend.

When LOVE Begins. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon