CHAPTER 8

3.2K 69 7
                                    

"𝘐 𝘤𝘢𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘵 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘦𝘸 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘦𝘳 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘷𝘪𝘯𝘦𝘺𝘢𝘳𝘥."

Those words echoed in Mihara's head as she stared blankly at the windblown branches of trees outside the window of her room. Ibang-iba ang lugar na ito sa kung saan siya nakatira noon—noong bago pa siya magising bilang asawa ng isang guwapong CEO na si Mikhail Montefort.

Kahit kailan ay hindi inasahan ni Mihara na mapupunta siya sa ganito kakomplikadong sitwasyon. Even in her wildest dreams, she never thought or even wished to be Mikhail's wife, worse to be Amara. Alam ni Mihara na liberated na babae si Amara dahil ayon sa kanyang sources ay sa America daw ito ipinanganak pero hindi niya inakala na mas grabe pa pala ito sa inaasahan niya.

Amara was the worst person she had ever known in her whole twenty-eight years of existence. Paano nakakaya ng konsensya nito na lokohin at iabandona ang pamilya nito? Lalo na ang limang taong gulang nitong anak na babae? Billie was so young to experience the trauma from her irresponsible mother.

Mihara couldn't ditch in her mind the painful expression on Mikhail's handsome face when he told her about what he saw at the vineyard. She can see in the way he looked in her eyes and how he spoke those sinful words that he really despised his wife. Nasapo niya ang naninikip na dibdib. Alam niyang hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito dahil hindi naman siya si Amara pero hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng awa para sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ba nagawang pagtaksilan ni Amara ang asawa dahil sa pagkakaalam niya ay mabuting lalaki si Mikhail Montefort. O, hindi kaya may itinatago din itong sikreto?

Napabuntonghininga siya at iginala ang paningin sa tanawin mula sa bintana. Malawak na garden ang nasa ibaba ng kwatrto niya at tanaw niya rin mula doon ang vineyard—kung saan sinabi ni Mikhail na nahuli niya ang asawang may kasamang ibang lalaki.

"Whatever Mikhail's secrets, it's for me to find out..."

Pagkatapos ng halos isang oras na paghahanap ng komportableng maisusuot na damit sa malaking closet ni Amara ay saka siya nagdesisyon na lumabas ng kwarto at i-explore ang mansion. Dahil ang doctor naman na mismo ang nagsabi kay Mikhail na mayroon siyang temporary loss of memory dahil sa head concussion, hindi na siya mababahala na baka may makapansin sa kakaibang ikinikilos niya na malayo sa pagiging Amara.

Mihara could walk around the house and ignore people she doesn't know because they'll think it's because of her amnesia. She now has an excuse to phish information from them. Thus, she'll be able to do her plans.

"But the first thing that I need to do is to let the network know that I am alive..." she reminded herself as she opened the door of her room. "Wow..." she gasped upon seeing the carpeted floor of the hallway. "Ang hirap sigurong linisin ng carpet dito dahil napapaligiran ng putik ang lugar."

"Kailan ka pa nagkaroon ka ng pakialaman na maputikan ang carpet?"

Halos mapatalon pa si Mihara sa pagkagulat sa nagsalitang iyon mula sa gilid niya. At nang lingunin niya ito ay isang babaeng nasa early twenties ang nakataas ang isang kilay ang sumalubong sa kanya.
"At kailan pa natutong magsuot ng ganyan kabaduy na damit?" It was apparent in her expression and tone of voice that she was disgusted by her.

Tiningnan naman ni Mihara ang suot na over-sized gray shirt at denim shorts. "Nakita ko ito sa cabinet," she answered matter-of-factly. "Then, maybe I liked this style even before the accident?"

The young woman gave her a scrutinizing look. "Do you really have an amnesia?"

Alangan siyang tumango at pinagmasdan ang magandang mukha ng babae. May pagkakahawig ito kay Mikhail, marahil ay kapatid ito ng lalaki. "Iyon ang sab ng doctor kung bakit ako walang maalala na kahit na ano. He said I have a head concussion—"

"Bakit hindi ka pa namatay?"

Napamaang si Mihara sa tanong nito. Ibinuka niya ang bibig pero walang salitang lumabas. She was too shocked by how rude she asked that question. "Ah—"

"So, you don't know me?" putol nito na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan niya. "Your plastic surgeon really did great with fixing your face and skin. You even looked slimmer."

She wet her lips. "That's what I thought...?"

The woman sauntered towards her with an arched brow. She blew her bubble gum in front of her face and popped it. "So, you can't remember everything that we did together?"

Mihara swallowed hard. She looked at her from head to toe and took a mental note of her fashion. She's wearing a tight, sexy black dress that reveals all her perfect curves. The low neckline is giving more than a man could ask for.

Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Is Amara having an affair with this woman? Gustong maduwal ni Mihara sa mga naiisip na theory. Bago siya sumagot ay humakbang siya palayo sa babae. Halos magdikit na kasi ang mga mukha nila at nasasagap na niya ang amoy bubble gum nitong hininga.

"I'm sorry... W-Wala akong maalala na kahit ano..." sagot niya at iniwasan ang mata ng babae. "But, if you don't mind... Can you fill me in with the details? Makakatulong 'yon na maibalik ang mga alaala ko—"

"What the fuck?" iritableng putol ng babae. "Sigurado akong maalala mo rin ang lahat ng iyon," sabi nito at tumalikod na. Pero bago siya nito iwan sa hallway ay lumingon pa ito at muling nagsalita. "And, if that time came, the dirty play will start again."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ng babae. Parang iikot na ang sikmura niya sa mga naiisip na relasyon ni Amara sa babaeng kaaalis lang. "Nakakaloka, lahat na lang ba pinapatulan ng babaeng iyon?"

Dahil sa naging pag-uusap nila sa hallway ng babaeng hindi nagpakilala ay lalo lamang tumindi ang pagnanais ni Mihara na ilabas ang lahat ng baho ng Montefort Family. Based on her sources and her short time of being with Mikhail Montefort, he seemed to be a nice guy. It was evident in the way he spoke that he cares so much to her daughter. Pero bakit ba tila kabaligtaran ng lalaki ang mga taong nakapaligid dito. Una si Amara, pangalawa naman ay iyong babaeng nakausap niya sa hallway.

Mihara pressed her lips together and stared at the long dark hallways. She has to explore this house, familiarize herself everywhere, and get all the information she needed before they discover that she's an impostor. Kapag dumating na ang araw na iyon dapat ay handa na siyang depensahan ang sarili niya at magpanggap na biktima lang din siya ng pagkakataon dahil nagka-amnesia siya at ang mga ito naman ang nag-claim na siya si Amara. Mihara has to practice her scapegoat. Hindi siya magpapahuli ng buhay sa mga Montefort hangga't hindi niya nailalabas sa Speedy News Online ang scoop na naging mitsa ng buhay niya.

Mihara stopped on top of the staircase, her gaze sweeping over the expansive living room of the hacienda. The floor beneath her feet was adorned with plush carpeting, the settees exuded elegance, and every piece of furniture throughout the house followed suit. At that moment, Mihara couldn't help but feel as though she had been transported to a palace rather than a traditional hacienda. The opulence and grandeur surprised her; she hadn't anticipated that the Montefort family was this wealthy. Their affluence was not merely superficial, for they lived with a regal splendor that transcended mere appearances.

"Miss Amara, may kailangan po ba kayo? Hindi na po dapat kayo lumabas ng kwarto—"
Gulat na napalingon si Amara sa likuran niya na siyang ikinatigil ng isang babae sa pagsasalita. They were housemaids, based on their uniforms. Kapwa din mukhang takot at kinakabahan ang ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

Bahagyang napakunot-noo si Mihara habang iniisip kung ano nga bang maitutulong ng dalawang ito sa kanya. Mukhang bata pa ang mga ito, kung gano'n ay baguhan pa lamang na naninilbihan sa Hacienda Montefort.

"Ang sabi po ni Sir Mikhail ay huwag namin kayong hayaan lumabas mag-isa ng kwarto..." nag-aalangang sabi ng isang babae na may itim at unat na buhok. Hindi ito makatingin ng deretso sa mga mata niya na para bang natatakot. "K-Kung may kailangan po kayo, kami na lang ang kukuha—"

"Ganoon ba?" Inilibot niya ang paningin sa malawak na hacienda. Modern Victorian Architecture ang disenyo ng bahay na iyon. Matataas ang kisame at may malaking chandelier na malapit sa grand staircase. "Can you give me a tour around the house?"

"Po?" magkasabay na tanong ng dalawang maids.

"Pero bago iyon, pwede bang sabihin niyo sa 'kin ang mga pangalan niyo?" tanong niya at ngumiti. "I'm sure Mikhail has informed you that I'm having an amnesia."

"Ah, opo, nasabi po sa 'min ni Sir Mikhail," sabi ng babae unat ang buhok na parang naguguluhan sa mga sinabi niya. "Ah, a-ako po si Aura..."

"Ako naman po si Thelma, Miss Amara..." sabi naman ng mas bata na may kulot na buhok. "Kung hindi niyo na po maalala, ako iyong palaging nagsusuklay ng buhok niyo bago matulog—"

"Thelma..." Siniko ito ng babaeng Aura ang pangalan. "Hindi ba't sinabi ko na iyong ayaw ni Miss Amara ng madaldal—"

"Okay lang, Aura. Makakatulong 'yon para maalala ko ang lahat," putol naman ni Mihara at ngumiti. "Thelma, ilang taon ka na?"

"E-Eighteen po."

Napasinghap siya. "Ang bata mo pa! Hindi ba't dapat nag-aaral ka pa sa halip na nagtatrabaho dito?"

Natahimik ang dalawang housemaids sa reaksyon niya at nagpalitan ng tingin. Kung tingnan siya ng mga ito ay parang nakakita ng multo. Bago pa man magtaka ang mga ito sa kanya ay nag-isip na kaagad siya ng palusot.

"Wala pa rin akong maalala an kahit ano..." sabi niya at hinilot ang sentido. "I feel like... I was born yesterday."

"P-Pasensya na po kayo sa reaksyon na 'min, Miss Amara..." kaagad na sabi ni Thelma, kinakabahan pa rin ito. "Maniwala po kayo, w-wala kaming ibang iniisip. Alam namin na may amnesia kayo. Hindi lang namin inasahan na... na kakausapin niyo kami tungkol sa ibang bagay."

"It's fine..." Mihara said, releasing a sigh of relief. "Now that I saw your reactions, I guess I was really a monster before the accident, am I?"

The two young ladies chose to not answer her. But Mihara already knew that the answer was yes. Amara is a monster.

"By the way, alam niyo ba kung nasaan ang kwarto ni Billie?" tanong niya at nang tumango ang mga ito ay nagpatuloy siya. "I want you to bring me to her room... I want to check if she's okay or has been fully recovered."

Hindi na naman nakasagot ang dalawang maid. Nagtinginan ang mga ito na parang nagtuturuan pa kung sino ang magsasalita. "Ah... Miss Amara, hindi po pwede," alangang sabi ni Thelma.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

Napalunok si Thelma. Halata sa ekspresyon nito na kinakabahan sa sasabihin. "A-Ayaw po kasi kayong makita ni Billie. Mahigpit din pong bilin sa 'min ng Miss Cedy na huwag po kayong palalapitin sa kanya."

"Miss Cedy? Sino 'yon?"

"Private Therapist po ni Billie," bahagyang kunot ang noo na sagot ni Aura. "Siya po iyong kausap niyo kanina."

***

IMPOSTORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon