Friends turn to Lovers (One shot)

82 1 1
                                    

Hi. I'm Stacy Bernales. 15 years old at nag-aaral sa Buckingham University. Mayaman kami at sa katunayan, isa ang mga parents sa sharers ng school na ito. Mahilig ako sa music. Kumakanta din ako. I have friends namely Lyssa, Reizel, Gabriella at TJ. Dati lagi kong kasama si Lincey pero dahil nalaman namin ang masama niyang ugali lalo na ang pagpapaikot ng tao, lumayo na lang ako. Oo isa ako sa mga nauto niya. Plastik siya at lahat na ata ng may gusto sa kanya ine-entertain nya.

Si TJ ay isa dun. Two years na niyang gusto si Lincey. Naging close kami dahil una, glee club member siya at pangalawa dahil kay Lincey. Parang umiiwas lang siya pero alam naming gusto pa din niya si Lincey. Hais. Pag-ibig nga naman. Haha. At ako naman ay may crush din at si Julius yun pero hanggang tingin nga lang. Haha. Pero minsan nagkakasalubong kami sa tindahan tuwing dismissal. Back to reality, Lunch na.

"TJ, hoi ano na? May praktis ba ng glee club?" Pasigaw kong sabi. Haha. Kakatuwa siya eh.

"Wala ata po. Stacy, punta tayo ng cafeteria." Sagot naman niya. Parang badtrip na naman to ah. Hais.

"Wait lang, tatawagin ko lang sina Lyssa, Baby Gabriella at Mame Reizel." Tinawag ko yung tatlo sa loob ng classroom.

"Stacy, may gagawin pa kami eh." Sabi ni Lyssa.

"Ahh sige. Kami na lang ni TJ ang pupunta ng cafeteria. Ibibili ko na lang kayo ng pagkain." Sabi ko naman. Kawawa naman sila eh. Art club silang tatlo kaya yun pinapagawa na naman ng backdrop.

"TJ, tayo na lang daw. May gagawin pa daw silang backdrop." Sabi ko kay TJ. Naglakad na kami papuntang cafeteria at nakasalubong namin na kasama ni Jeron si Lincey. Mag bestfriend sila pero kung magsama ay parang may something na eh. Alam naman namin na may gusto si Jeron kay Lincey. Tumungo na lang si TJ.

"Hi Stacy." Bati niya sakin. Alam ko naman na pakitang tao lang ang lahat. At nagpapansin lang siya kay TJ. Grabe hindi namin maintindihan kung sino talaga ang gusto niya eh. Tsk. Kiri talaga.

"Hello." Plastik siya. Let me play her game. Tsk.

Umalis na kami at kanina ko pang napapansin na tahimik si TJ. Hais. Brokenhearted na naman to.

"Hoy, TJ. Buhay ka pa ba?" Sabi ko habang kinikiliti ko siya. Haha

"Malamang." Pagalit niyang sabi. Dito tumahimik na lang ako. Nang pag ito ang nagalit, guguho ang mundo.

"Ui sorry ha. Nakakainis si Jeron eh. Pinagseselos ako. Tsk. Ui di ako galit sayo ha." Tinitingnan niya ko pero umu-oo na lang ako.

"Kulit mo naman eh. Sabi nang huwag na yon. Sinasaktan ka lang eh. Hais. Tingan mo ko. Hanggang crush lang kaya ito happy happy lang. Haha. Madami pang mas deserving sa kanya. Tawa naman." Sabi ko trying to cheer him up. Ganto kasi ako sa mga kaibigan ko eh. Makulit at isip bata ako pero hindi ako manhid.

"Oo na po." Nag-smile na siya. Haha. Kamukha niya yung musang.sa mga lolo ko. May bago.na kong itatawag sa kanya.

"TJ, may bago na kong itatawag sayo? Haha.".Utas na ko sa kakatawa eh.

"Ano na naman?" Sagot niya.

"Musang. Kamukha mo yung Musang sa mga lolo ko eh." Hahaha.

"Luh. Ang pangit ahh." Tumakbo na lang ako ngunit hinabol niya ako at naabutan niya ko. Hais. Runner to eh. Hahhaha. Yaan mo na. Nag-bell na.

"Musang tapos na ang.lunch. Hais di na ko nakakain. Tsk." Sabi ko.

"Yaan mo na. Ikaw eh. Bleh." Binelatan pa ba naman ako. Hais.

"Musang balik na ko ng classroom ." Hindi kami magkaklase eh.

"Sige." Tapos yun.

>>Fastforward>>

Friends turn to Lovers (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon