Sa pag subaybay natin sa pagkakaibigan ni Aly at Den ay marami tayong natutuhan. Nasubaybayan natin kung paano nila nasolusyunan lahat ng problema, kung paano sila nagpaka tatag sa kabila ng lahat ng problema.
" Ang buhay ay isang laro na kailangan ipasa bawat araw. Sa buhay na yun may nakilala tayong tao na pinapahalagan tayo sa kabila ng ating kahinaan. Kaibigan ang kailangan ng isang tao, kaibigan na totoo, kaibigan na mapag mahal at kaibigan na mapag intindi. Sa pagkakaibigan ni Aly at Den nakita natin kung paano magpahalaga ng isang kaibigan. Maaaring may mga away, at hindi pagkakaintindihan ang mag kaibigan pero kailngan mag tiwala kayo na maaayos iyon. Si Den ay kayang isakripisyo ang lahat para sa kaibigan nya, nagtiis, nagpababoy, at nagpakasakit para lang wag mapahamak ang pinaka mamahal na kaibigan. Si Aly naman ay halos mas mababa pa sa lupa ang pride maaayos lang lahat, sobrang nasaktan ng makita ang sinapit ng kaibigan at nag silbing pader ni Den. Sa panahon ngayon kakaunti na lamang ang mga kaibigang ganyan, sabi nga nila you only find your true friend in once in a lifetime. Kaya kung sa tingin nyo nasa inyo na, wag nyo ng pakawalan. Sa pagkakaibigan hindi kailngan maging perpekto, ang kailangan lang ay respeto sa isat isa at tiwala na hinding hindi magigiba ng iba. Ang sabi nila magulang lang ang nagbibigay ng unconditional love, pero sa natunghayan natin kahit ibang tao ay pwede tayong mahalin ng walang katumbas. Ang kaibigan natin ay ang taong sandigan natin sa lahat ng bagay, ang nagsisilbing panyo natin pag tayoy umiiyak, nagsisilbing diary natin pag tayoy may saloobin, nagsisilibing pader pag tayoy gustong bumigay.
Sa pagtatapos ng kwento nila hangad kong may natutunan kayo. Salamat po sa lahat ng sumubaybay, sa lahat ng naghintay ng updates at sa lahat ng nag vote. Pangit po ng ending sorry hehe. I am thinking to do alydens love story, but I am half hearted pa. So if you want me to do a another story just leave a comment below. Thank you po <3