Prologue

2 0 0
                                    

"Blessry."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko, kasabay nang tugtog sa bar kung nasaan ako. Naramdaman ko ang unti-unti nyang paglapit sa akin. Ayaw kong isiping sya yon pero sigurado ako sa amoy nya. Sporty scent of Calvin Klein.

"S-sino ka?" I tried to compose myself. Gusto kong isipin nyang di ko sya ganoong kilala. Ngunit lalong lumapit ang hininga nya sa mukha ko.

"Den-?" Pero bago ako makapasalitang muli ay hinapit nya ako papalapit sa kanya. Sa bilis ng tibok ng puso ko, ay hindi ko na magawang buksan pa ulit ang aking mga labi.

"You're here. Kanina pa kita hinahanap..." sabi nang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Bakit mo ba ako iniiwasan? Dahil ba sa mahal mo sya kaysa sa akin?"

Napaluha ako sa sinabi nya. Hindi nya pala alam. Hindi nya alam kung bakit ako ngayon nagkakaganito. Kung bakit durog na durog ako.

"Bless... ano ba?" ramdam ko ang magkahalong takot at galit sa boses nya.

"Layuan mo ako." Pinilit kong kumalas sa pagkakayapos nya sa akin. Pero nabigo ako.

Mas lalo nya pa akong inilapit sa kanya at hinalikan.

Halik nang takot, pangamba, panunumbat at pagmamahal. Ano Blessry? Magpapakatanga ka na naman ba? Maniniwala sa mga sinasabi nya?

Oo. Dahil hinayaan ko syang hilain ako. We went outside the bar, sa malapit nakita ko ang kotse nya. Pinindot nya ang remote control ng kotse nya at kusang bumukas ito. Inalalayan nya ko sa paglalakad hanggang makarating sa passenger's seat. Pinaupo nya ako roon at inilagay sa akin ang seatbelt.

He said nothing. Umikot sya sa kabila at sya naman ang sumakay roon at nagseatbelt din.

I knew him, very well. He's one of the sweetest people I ever met. Alam nyang di ko kaya ang sarili ko kapag nakakainom ako.

He's driving seriously. Pasimple ko syang tiningnan kahit umuuga na ang paningin ko. He clenched his jaw. Alam ba nyang nakatingin ako?

He's handsome. Damn handsome. His persuasive eyes, pointed nose, kissable lips were compliment to each other. He's not a typical guy na kapag alam na gwapo ang sarili, ay gagamitin na para makabingwit nang mga babae.

Bahagya nyang ginalaw ang kanyang ulo kaya iniwas ko ang tingin ko at pumikit nalang.


"We're here." he said on a sweet voice. Tumango ako at tinanggal ang seatbelt ko. Pinigil nya ako nang tinangka kong bumaba mag-isa.

"Wait for a sec." and he came out to open the door and held his hand for me. He locked his car and lift me up.

"Alam kong masakit na paa mo sa heels na suot mo, don't move. Isipin mo kakakasal lang natin kaya binuhat kita ng ganito." Kumirot ang puso ko sa sinabi nya. I admit, I imagined him standing by my side in the front of the altar.

"Ibaba muna kita, buksan ko lang unit ko.." sabi nya nang makarating kami sa mismong pinto ng condo nya.

Hindi ko alam kung bakit di na ako nakapagsalita pa. Dahil ba sa di ko pa rin alam ang gagawin? O dahil kasama ko sya?

"You can use my bathroom, Bless. Change up. Maya maya nandito nadin yung inorder kong pamalit mo. Di ko alam size ng undies mo, so sabi ko sila na bahala." Namula ako sa sinabi nya. Anong size cup ng bra ang inorder nya?

Gusto ko sana itanong ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I went straight to the bathroom and remove my clothes.

Nahimasmasan na ako, siguro dala na rin nang mga nangyari.

Kukunin ko na sana ang tuwalya sa likod ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Shit!" napatili ako sa sobrang gulat. Wala akong saplot!

"I-I'm sorry. I didn't mean to do that! Akala ko'y nakatapis ka na dahil di na nakalock ang pinto. Ibibigay ko lang itong damit mo!" sigaw nya mula sa labas pagkatapos nyang isarado agad ang pinto. "Please, next time lock the door."

Inabot nya sa akin ang isang paper bag. Dali dali kong kinuha iyon at inilock ko iyon agad.

"Bless, ano ba! Kala ko ba di kana lasing?" napasapo nalang ako ng aking ulo. He almost see everything!

After half an hour lumabas na ako. Nahihiya pa ako sa kanya kaya di ako makatingin ng maayos. Ni hindi ko maiangat ang ulo ko.

"You can sleep on my bed and me on the couch. I want to talk to you but I think you need to rest." sabi nya.

"Ahm... No! We can talk. About... what matters?" nang sa wakas ay masabi ko din.

"About..." he stop for a while. "Us."

Napakagat ako nang labi sa nakita kong expression sa mukha nya.

"Den-"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko nang bigla siyang lumapit sa akin. Hinawakan nya ako sa likod nang bewang at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso. At alam kong ganoon din sya.

Magsasalita na sana ako nang bigla nya akong hinalikan...







Author's note:

Hi guys! Hope magustuhan nyo po ito.

Not Too LateWhere stories live. Discover now