Unang hirit sa tag-init
--
Since Summer na libre na ulit ang mangarap at tumunganga maghapon tapos na ang haggardness sa School. Ang pag gising ng sobrang aga. Wala na ang mga professor na akala mong sinapian ng Ibong Adarna dahil sa mga nakakaantok na boses at walang kabuhay - buhay na klase.
In short ubos na ang hassle at may 2months na nakalaan para magliwaliw at magpakasaya bago ulit makipagsapalaran.
"Goodmorning Sunshine!" bati ko kay Sunshine aso namin, kasama ko siya sa kwarto matulog, takot kasi ako magisa.
"Tara tara wiwi ka dali!" Kinuha ko yung tali niya at nagwawave naman yung buntot niya.
Tuwing umaga lagi ko siya ginagala para magwiwi lagi kami dun sa park tumatambay, may mga damo kasi dun para dun jumebs si Sunshine baby ko.
"Oh? May bagong lipat ata ah?" Matagal ng bakante yung bahay sa tapat ng park kaya himala at may lumipat na. Maingay kasi pag malapit sa park, kaya wala gaanong lumilipat malapit sa park.
Matagal tagal rin kami sa park kaya habang inaantay ko jumebs si Sunshine chumichismis na rin ako kung sino yung lilipat dun sa bahay. May nakita akong isang binata at isang matanda ang bumaba dun sa sasakyan pero infairness nakakastarstruck yung boylet. After 15 minutes umalis na rin kami sa Sunshine.
Pagkauwing pagkauwi ko chinismis ko naman agad yun sa Nanay ko.
"Oh? Gwapo talaga yung boylet?" kung makareact lang yung nanay ko parang teenager.
"Opo! Grabe ka starstruck nga po eh!"
"Baka naman artista yun?"
"Hindi naman ma, kasi di ko naman siya nakikita sa T.V kahit sa mga commercial."
"Malay mo hindi lang sikat or model lang talaga siya."
"Hay nako ma, wag na natin isipin yun hahaha. Whatever work he has wapakels! Gwapo lang naman talaga siya pero malay mo ma. Impakto ugali. Tara kain na po tayo."
After namin kumain, nagbihis na rin ako para pumunta sa school magaayos ako ng requirements dahil may mga incomplete subject uso kasi mag-inarte mga professor ngayon.
"Hoy Girl! Bilisan mo hanggang 12noon lang si Sir Policarpio. Baka madami na pila dun, madami pa naman handle na department yun!" narinig ko naguusap yung nasa harapan ko at nagmamadali na rin dahil yun rin na prog ang pupuntahan ko! Pag minamalas ka nga naman oh! Pero dadaan muna ko sa canteen gutom na talaga ako.
To: CATERPILLARS (Group Message)
Hoy bilisan niyo! Maaga out ni Sir Policarps!
From: Sheena
Andito na kami sa pila kanina pa. Bilisan mo girl ang haba ng pila baka maabutan ka ng cutoff.
Dahil sa sinabing yan ni Sheena, binitbit ko na lang yunga mga kinakain ko kanina at saka tumakbo.
*Boggsssshhhh* (Galing ng effects lol)
"Grrrr. What the F*ck!" Kuna minamalas ka nga naman oh! Nagmamadali ka na may nakabangga ka pa! Kainis talaga.
"Ayaw kasi tumingin sa dinadaanan." nagmamadali naman ako kunin yung mga gamit ko at di na ako nag abala pangtignan kung sino man yung nabangga ko.
"Wag ka kasing harabng. Bwisit." narinig ko na lang nag-smirk yung lalake.
"Ang tagal mo girl ha! Tapos na kami. Pagdasal mo na lang na di ka na bumalik bukas." salubong ni Sheena.
"May bwisit pa kasi akong nabangga dun sa may hallway malapit sa event center."
"Paano ka nakadaan dun? May nagsho - shooting dun eh?" Iris.
"Huh? Ewan. Wala naman ako napansin. Oh siya sige na pila muna ako dito. Mamaya na lang ulit."
"Sige. Goodluck! Uuwi na rin kami!" sabay - sabay na sabi ng The Caterpillars.
Tinawag ang group namin ng Caterpillars, hindi dahil makati, kundi kami ang mga babaeng pinakatamangkad sa campus four kami sa group. Ako, Iris, Sheena at Colly.
Ako nga pala si Kylie Aquino, 20years old at nag-aaral sa Asia University. Kasalukuyang nag-aayos ng incomplete subject sa isang sumpang professor.
*Calling for the attention of Miss Kylie Aquino, kindly go to Dean's Office. Thankyou*
Grrr.. Anak ng tupa naman oh! Bakit nanaman kaya ako pinapatawag? Mamaya na ako pupunta dun, mas importante tp kaysa sa kung anuman ang sasabihin ni Dean.
Okay after 48years tapos na ako, on my way to Dean. Inosente ako pero di ko alam kung bakit ako pinapatawag.
*knock knock*
"Who's there?" patawa ah? Sagutin ko rin kaya to ng pajoke? -_-
"Kylie Aquino po."
"Okay. Come in Miss Aquino."
So eto nakapasok na ako at pagkakita ko, hindi ko alam kung bakit ang daming tao dito. Ano bang meorn? What is happening in this world! Omaygas!
"Siya po yung babaeng yun." boses ng isang lalaki.
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod. Napaharap ako at... Siya yung bagong lipat sa village! Teka teka bakit siya andito?
"Anong ako? May kasalanan ba ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Oo meron! At malaki ang kasalanan mo sakin!"
humarap siya sa likod at sinenyasan yung isang babae, At ng makabalik yung babae may dala siyang damit.
"Oh? Ano meron diyan?"
"So di mo pala natatandaan? Ako lang naman yung tinapunan mo ng Juince habang gumagawa kami ng TVC (TV Commercial)."
"Ahhh..." yan lang nasabi ko.
"Ahh lang masasabi mo?"
"Oh sige. Kuya akin na po yang damit niya. Lalaban ko na lang to para sayo tapos deliver ko sayo later or bukas pag natuyo tutal magka - village tayo dahil nakita kita kanina. So okay na?"
Mukhang hindi pa ata okay ah. Ayaw agad sumagot. Hay nako kainis!
"Sir? Okay na bang ang deal ni Miss Aquino?" tanong ni Dean.
"Sige po okay na, pero hindi pa tayo tapos Miss napahiya ako sa maraming tao." Sige banta pa. Ulol neto.
"Miss Aquino, ayoko na maulit ang ganitong incident okay?"
"Okay Mam, No Problem." Sabay ngiti at thumbs up kay Mam.
Grabe ang yabang niyaaa!!!! Hindi naman siya sikat, ni hindi ko nga siya nakikita sa mga T.V Commercial at never ko pa siya nakita sa mga Showbiz Talk or kung ano pa. Feeling sikat! Hindi naman sikat.
