Ben POV:
Hindi naman talaga ako mayabang or what, wala lang naman sakin kung natapunan ako ng juice kagustuhan lang naman ng mga Manager namin na maging masungit kami dahil baka daw abusuhin kami ng mga Fans namin.
"Andito na po ako!"
"Oh, andito ka na pala. Kamusta ang shooting niyo?"
"Medyo Ok naman po. May konting aberya lang po."
"Bakit? Ano ba ang nangyari?"
"Natapunan ako ng juice habang nagtataping kami kanina, ang nakakaasar pa dun hindi man lang nag-sorry yung babae na bumangga sakin. off limits na nga po nyung lugar dun pa rin dumaan." Naiinis kong kwento kay mama.
"Baka naman fan mo yun? Tapos gumawa ng paraan para makita ka?"
"Pano po magiging fan? Mukha ngang hindi niya ko kilala saka bago lang ako mama at wala pa kong malalaking projects." paliwanag ko habang kumakain.
"Kung sabagay. Hmm... Maganda ba siya nak?"
"Ehem... hem... hem..." muntik na ako mabulunan dun sa tinanong sakin ni mama. Hmm.... maganda naman siya, actually cute siya pero inis pa rin ako sa kanya.
"Hmm... sapat lang po, pwede ng pagtiyagaan." sabay tingin ko kay mama while grinning.
"Loko ka talagang bata ka. Umakyat ka na at magpahinga. Alam kong pagod ka na."
"Sige po ma. Goodnight po!" nagkiss at hug ako kay mama.
Ako nga pala si Benedict Gaisler, 22 years old. Nagtapos ako ng course na Theater Arts pero gusto ko talaga Film Making kaso masyado mahal at hindi namin afford yun kung ipipilit ko baka maging ulam na lang namin ay tuyo at tinapa na lang araw - araw.
GoodMorning . Maaga kami ngayon sa shooting place dahil magpapa-Audition kami para sa magiging partner para sa isang one shot love story. Wala pa kasi akong ka-love team at ang gusto nila ay new face. Nakakasawa na daw kasi yung mga old faces.
"Direk, ano po kamusta po ang Audition?" nakita ko si Direk na halos nakasimangot na at mukhang mainit na ang ulo.
"Benedict, sumama ka nga sakin para mag judge ka rin. Nakakainis puro kaartehan ang mga nag-aaudition. Walang pasok sa panlasa ko."
No choice at sumama na lang ako. May magagawa pa ba?
Kylie POV
"Huy Girl, may Audition dun sa may court area, hanap nila leading lady baka ikaw na yung hinahanap nila mag-Audition ka na." Ito nanaman si Iris namimilit nanaman. Ang kulit pa naman nito pagdating sa ganitong bagay.
Ito nga pala ang makulit kong kaibigan si Iris Bustamante, 19years old FIne Arts rin siya kami naman lahat dito sa bakarda Fine Arts ang kinuha. Pro is Iris pagdating sa Color Blending siya taga-turo samin sa pag blend ng mga kulay.
"Go na girl di ba pangarap mo ang ganyan nung bata pa lang tayo sayang chance oh? Alam naman natin na you have the capability to act malay mo int he near future maging Box Office Queen ka or Best Actress."
Ito pa ang isang madaldal si Sheena Angeles, 21 years old Fine Arts ayan matanda na inabot sa college inantay kami eh. Magkakababata daw kasi kami kaya wala daw iwanan. SIya yung nagsilbing ate namin at malawak Imagination niyan, hindi pa ba halata? Siya taga-bigay idea samin pag may Projects or Thesis kami.
"Colly, sasali ba ako o hindi?" ang batang laging tahimik at puro libro ang hawak.
Si Colly Almers nga pala, 18years old as usual Fine Arts rin. Siya ang pinakatahimik sa grupo kalimitan sa kanya ako lagi ang kekwento because she's a good listener. Pinakabata yan sa group, NBSB kaya lagi siyang protektado ng dalawang baliw. Matalino siya at maganda halos perfect na nga siya.
"Ikaw bahala kung ano ang mas matimbang sa puso mo. Ika nga nila just go with the flow lang."
"Thanks Colly dapat talaga sayo ako naghingi ng payo ang galing mo talaga! Maaasahan ka talaga!" sabay akbay kay Colly.
"Grabe ka Kaylie parang naman sinabi mo na walang natutulong ang payo namin sayo. Sakit sa ego ah!" sabay na sabi ni Sheena at Iris.
"Hindi naman kayong dalawa talaga. hayaan nyo pag nakapasok ako sa Audition ililibre ko kayo mamaya ng miryenda pag uwi."
"Next na mag-Audition pumasok na po."
Pumasok na ako ateto ako ngayon nasa harapan ng director nila at ang buset na lalaki na nabangga ko nung nakaraan. Inact ko yung Romeo and Juliet dati kasi akong si Juliet way back in Highschool Days.
"Ok na Miss. Magaling magaling, maganda ang ginawa mo. Mag - wait ka muna sa labas about 10 to 15 minutes."
"Ok direk. Thank you po."
"Oh ano? Kamusta? Natanggao ka ba?" makatanong tong si Sheena at Iris wagas!
"Chillax lang guys. Mag wait daw ng ---"
"Excuse me, Sino si Miss Aquino?"kinakabahan ako ano kaya ang result.
"Ako po si Aquino. Bakit po sir?"
"Tanggap ka na Miss! Ikaw ang magiging LEading Lady!" na shock ako grabe! Di ko akalain na matatanggap ako. Omaygas! Dream come true!
"Ayy!!! Weee!!! Kaylieeeeeeeee!!!" sabay sabay na sigaw nila Iris, Sheena at Colly.
"Congrats Kayliee!!! Ang galing mo Grabe!" Sabi ng mga kaklase ko at sinalubong nila ako. Ako naman ngumiti lang sa kanila.
"Congrats natanggap ka. Ikaw pala ang magiging Leading Lady ko?" napatingin ako sa nagsalita at yung mayabang na kutong lupa pala. Yamot siya pala magiging kapartner ko, kainis naman. malas talaga. Ngiti na lang naisagot ko.
