Chapter Three : I truly HATE this ! >_<

17 1 0
                                    

**Ms. Siomai's Note : Hi readers ! Although from now eh wala pang reads ang chapter two eh magUUD na ako :) Mabait naman kasi ako pag tulog :P HAHAHA :D So here it goes !

CHAPTER THREE : I truly HATE this ! >_<

Lhynzie's P.O.V

Hayy nakakapagod! Atlast andito na ako kela Auntie. So ngayon, naglalakad na ako papunta dun sa school dala yung mga requirements ko para makapagparegister. Eto na to, wala ng atrasan to.

"Good Morning Ma'am! MagpapaRegister po ba kayo?" Sabi ni Manong Guard.

"Ayy Opo sana." sagot ko.

"Napakaganda nyo naman pong bata. Dito po ang daan papasok sa Admission's Office." turo ni Manong Guard.

"Salamat po. ^_^" may kasama pang ngiti yan! Maganda daw ako eh :) Lakad lang ako ng Lakad. Tapos ng makita ko na yung Admission's Office eh nagulat ako kasi ang dami ng tao, mga kasing edad ko din ! Kaya pumila naman ako.

"Ang dami ko namang classmate dito nung elementary kahit na nung sa Public ako nag-aaral!" proud na sabi ng nasa unahan ko. Actually ang ingay nga nya eh. Nakakarindi -_-

"Hi!" sabi nung babae sa harap ko di ko alam kung ako ba o yung nasa likod ko ang kausap neto. Di ko nga pinansin.

"Ang ganda pa naman din nya, kala ko mabait masungit naman pala! Hmp." Bulong nung babae na nasa harap ko, di ko nga naitindihan eh? Yung Maganda lang narinig ko.

"Ms. Mendoza?" sa wakas at tinawag din ako ! Makapasok na nga sa loob.

"Good Morning Ma'am, I am Lhynzie Lianne Mendoza po." Bati ko dun sa teacher.

"Good Morning din Iha, Ako si Mrs. Reyes ang magiging Adviser ng 1st year highschool para sa taong to. So, Dala mo ba mga requirements mo?" tanong niya.

"Yes Ma'am" Sabay bigay ko ng envelope na may mga requirements ko. Kinakabahan ako habang tinitignan nya yung requirements ko hanggang sa nagsalita siya.

"Ang tataas ng grades mo ha? Are you the valedictorian of your batch?" tanong ni Mrs. Reyes.

"Yes ma'am. I am from a private elementary school." sagot ko.

"Oh, I see. You are now enrolled in this school. Inaasahan ko na sana galingan mo ang pag-aaral sa aming paaralan at magustuhan mo ang pag-aaral dito." -Mrs. Reyes

"Maraming salamat po!" Nagpasalamat na lang ako, mukhang nakahalata atang ayaw ko sa school na to -_-

Pagkalabas ko ng Admission's Ofiice...

"Neng!" sigaw nung isang teacher.

"Bakit po?" tanong ko.

"Tumulong ka sa Brigada Eskwela. Hindi yung nakatayo ka lang dyan!" utos nya.

Ha? Ano to? KakaEnroll pa lang utos agad?

"Iha, Bilis na kumilos ka na. Aba! Ayun, may paint brush at pintura dun, pinturahan mo yung wall na yan!" sabi nung teacher sa akin.

Nakakainis! Pero bago pa ako sigawan ulit nung matanda eh kumilos na ko.

"I truly HATE this school ! Nakakaasar talaga! Pauwi na sana ako eh! Nakakainis, bakit di nalang sila kumuha ng magpipintura dito eh ang...."

"Ateng maganda, tulungan na kita dyan. Tsaka wag ka na sumigaw ng sumigaw dyan baka marinig ka ni Mrs. Rebusit, lalo kang papahirapan nun." sabat nung babae na nasa harap ko kanina sa pila.

**Ms. Siomai's Note : Hanggang dito muna :) Sino kaya yung babae na tumulong kay Lhynzie na tinawag pa siyang ATENG MAGANDA, isa ba siyang kaibigan o enemy? Naasar ba kayo kay Mrs. Rebusit? HAHAHA :D Ako din eh! :)---Read, Heart, Comment, Follow and Add to Reading List :* <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BuKo &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon