Ang Babala (Part 2)

22 1 0
                                    

            Natapos na ang Buwan ng Enero, Pero hindi parin tinitigilan ng Takot si Ford sa tuwing magkasama sila ni Aaron, Nararamdaman nyang Malaki ang galit ni Aaron sa kanya, nararamdaman nyang sa tuwing magkasama sila'y Nararamdaman nyang sya'y nasa panganib, Nararamdaman nyang laging nakatingin sa kanya si Aaron, Para Laging nagbababala si Aaron kay Ford na wag syang Magkakamaling kalabanan sya, at Wag na wag nyang aagawin si Everlyn sa kanya, Kaya naman Sa tuwing magkasama sila ni Aaron ay hindi ito komportable, at lagi itong natatakot at Kinakabahan. Hanggang sa Sumapit ang Buwan ng Pebrero, Nagmeeting ang mga 3rd and 4rth year Sa kanilang school, at Kabilang na doon sila Ford, Everlyn, Aaron, Ashley, lance at Desiree. Pinagmemetingan nila ngayon ang Darating na JS prom na magaganap sa Kanilang School. Excited na ang Lahat Para sa JS prom, At sa unang pagkakataon ay dadalo si Ford sa JS prom, Nung last year kasi hindi sya nakapunta kasi kilala naman natin si Ford na Tahimik, At Walang kaibigan kaya naman ay hindi nya hilig sumali sa mga programa na tulad nito. Nang Natapos ang Meeting ay Mabilis na pumasok at Umupo si Everlyn sa kanyang upuan, Nakangiti ito, At Mukhang Excited sya, Inaasahang nyang lalapit sa kanya si Ford at yayayahin para maging date nya sa JS prom. Pero Nalungkot sya ng iba ang Unang lumapit sa kanya, at walang iba kundi si Aaron. 

"Everlyn? Pwedeng ikaw nalang date ko sa JS prom?"-Aaron

"Bakit ikaw?"-ang malungkot na tanong ni Everlyn.

"Anung bakit ako? anung ibig mong sabihin?"-Aaron

"ah.. wala Aaron, Sorry hindi pwede kasi may Date na ako."-Everlyn

"ah? Sino?"-Aaron

     Nakita ni Aaron na biglang tumingin si Everlyn kay Ford at dahil doon muli syang nagselos, at malapit na itong mapuno sa galit nya kay Ford.

"Si Ford. Bakit sya?"-Everlyn

"Wala, Kawawa naman sya kasi wala syang magiging date kundi ako lang."-Everlyn

"At ako meron?! Ang sabihin mo...."-Ang Nanggigigil na Pasigaw na sabi Ni Aaron kay Everlyn.

     Umalis nalang si Aaron, Pinigilan nya ang sarili nya kasi, Ayaw nyang magkagulo, Kasi kung gagawa ulit sya ng gulo Makikick-out na sya sa School nila, at dahil doon Magagalit ang buong pamilya nya sa kanya lalo na ang Daddy nyang umaasa sa kanya. Pumunta si Aaron sa Likod ng Classroom nila at doon naglabas ng sama ng Loob, sinuntok suntok nya ang Mga punong kahoy na nasa Likod ng Classroom nila kaya naman ay Nagkasugat sugat ang mga kamay nito Pagpasok nya sa Classroom nila, Nakita ito ni Ford, Nakita nya Tinignan sya ni Aaron ng Masama, Nakita nya ang Mata ni Aaron, Nakita nya ang Sobrang galit at selos. Uwian na PaUwi na sana si Ford sa kanilang tahanan ngunit, nabigla sya nang may Umakbay sa kanya, Si Aaron, Sabay bumulong ito sa kanya.

"Binabalaan kita Ford. Wag na wag mo na ulit Lalapitan si Everlyn, Wag kang makikipagdate sa kanya sa JS Prom, Kundi, Mapipilitan akong sabihin ang mga nalalaman ko tungkol sayo, at tungkol sa tatay mo.."-Aaron

     Nagulat si Ford, Sa Mga sinabi ni Aaron sa kanya, Pinagpawisan ito, at Natakot, hindi nya akalaing Malalaman ni Aaron ang lahat. Hindi nakapagsalita si Ford pero May Sinabi pa si Aaron sa kanya.

"Tandaan mo Ford, Kung ayaw mong masira ang Iyong Pangalan at Dignidad, Sundin mo nalang ang Aking Sinasabi. At wag na wag kang magkakamaling lumapit kundi alam mo na, Patay kang bata ka."-Sabi ni Aaron kay Ford sabay Umalis.

     Naiwan si Ford, Hindi nya mapigilang Umiyak kasi sa Pangalawang pagkakataon ay Masisira nanaman ang Relasyon nila ni Everlyn, at Mapipilitan nanaman nyang saktan si Everlyn sa Pangalawang pagkakataon. at masakit na masakit ito sa kanyang damdamin.     Kinabukasan, Hinihintay nanaman ni Everlyn si Ford, Unang araw kasi ng Practice para Sa Kanilang JS prom, Pero Flag Seremony na wla parin si Ford, Inisip nya nalang sobrang late sya pero, Umabot na sila sa 1st period, Hanggang sa uwian, Absent si Ford. Maghapon itong Absent, at Nagtataka si Everlyn kung bakit. Kinabukasan Absent parin sya, Hanggang sa sunod at sumunod at sa sumunod pang mga araw hindi  ito pumasok ng Klase, at nalulungkot si Everlyn dahil doon. isang araw nilapitan sya ni Aaron, Nakipag-usap sya rito.

"Parang wala ka nang kadate sa JS prom, Sa Ikalawa na iyon, Pano yan? Pwedeng ako nalang?"-Aaron

"Bakit ganun? Bakit Mawawala nalang sya bigla na parang bula bakit nawala nalang sya na nghindi nya sinasabi? Kumusta na kaya sya?"-Everlyn

"Hindi na yun mahalaga ang mahalaga nandito pa ako... Para damayan ka..."-Aaron

    nagtinginan ang dalawa, at mamaya maya'y nilalapit ni Aaron ang Labi nya sa Labi Ni Everlyn, Unti unti nyang nilalapit, pero Biglang lumingon si Everlyn sa iba at Umalis Palayo Kay Aaron. Nadesmaya si Aaron akala nya ay Mapapasakanya na ng tuluyan si Everlyn pero nagkamali pala sya. KInabukasan umaasang darating ngayon si Everlyn si Ford. Nag pray pray sya kay Lord pero, Umasa sya sa wala kaya naman ay napilitan syang Nakidate sa JS Prom kay Aaron. 

>>>>>Next Chapter<<<<<

Catch Me (I'm Falling)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon