"Wag ka mag-alala magkikita din tayo sa tamang oras at panahon"
------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
Hi! ako nga pala si Kc Abigael Santos
3rd year high school student sa Heaven Valley Academy, best friend ni Samantha Jade Ortega at ang magkukwento ng story nila :">
*Monday*
"Class, sasabihin ko na agad sa inyo ang project nyo this 1st quarter para mas mapaganda at mapaghandaan nyo. Gagawa kayo ng isan g movie, kayo na bahala kung anong categorie, kayo na din anng pumili ng magiging kagrupo nyo"
Pagkatapos ni Ma'am mag-announce, pinuntahan ko kaagad si Samantha
"Sam! huy! sam!" hindi nya ako pinapansin at nakatulala lang sya dun sa isang tabi... ano naman kaya ang iniisip nito?
Hay! maghahanap na nga lang ako ng pwedeng ipartner sa kanya para sa movie namin :/
"Ma'am, pwede pong mag-announce?"
"Sige, Ms.Santos"
pumunta na ako sa harap at nag-announce na
"Guys! I need your help"
"Bakit kc? para saan?" sagot nung isa naming kaklase
"Sino ba magandang ipartner dun sa best friend kong si Sam?"
naghiyawan na yung mga kaklase namin at ang isinisigaw nila ay si Rigel
"Bigyan nyo ako ng magandang rason kung bakit sya ang ipapartner ko kay Sam"
tumayo yung isang kaibigan ni Rigel
"Una, matagal ng may gusto si Rigel kay Sam. Pangalawa, sigurado na may chemistry sila sa Movie at Pangatlo, mabait naman 'tong kaibigan namin kaya wag kang mag-alala"
"Sige na nga. . . Rigel! pumunta ka na dun sa table namin"
pagkapunta ni Rigel dun sa table namin, sumunid na ako sa kanya at si Sam? ayun! nakatulala pa din T.T
"Sam!" sabay palo ko sa kanya
"Aray! grabe ka naman makahampas!" sabay tanggal nya nung earphone
"Kaya naman pala hindi mo ako naririnig!"
"Hahaha... sorry!"
"Ibig sabihin, wala kang narinig sa mga pinag-usapan kanina?" tanong sa kanya ni Rigel
"Wala, may pinag-usapan ba kayo kanina??? tungkol saan?"
"Ah... wala *smile*" - Rigel
"Sabi kasi ni Ma'am gumawa daw ng Movie kahit anong categorie"
"Ano naman ang categorie natin? at bakit tayong tatlo lang? may magagawa ba tayong movie nito?"
"Oo naman! ako pa *wink*"
"Ano categorie ba?
"Love story"
"Ano? bakit yun? ang panget nun! Horror nalang o kaya adventure para mas masaya"
"Hay nako Sam! hindi ka na puwedeng umangal dahil hindi ka naman nakikipagparticipate kanina *bleh!*"
"Sige na nga. . . sino ba yung bida?"
"Sino pa ba? edi kayo ni Rigel"
"Huh?! eh ikaw? Anong gagawin mo?"
"Ako ang writer, director, editor at camera girl"
"Ah ok. Teka, new comer ka ba dito?" tanong ni Sam kay Rigel
"Hindi, nung first year pa ako dito"
"Ah ganun ba? hindi kasi kita napapansin dito eh! tsaka sa pagkakaalam ko, ngayon lang kita naging clasmmate eh!"
"Oo nga, ngayon mo lang ako naging classmate pero dati pa kasi kita nakikita at naririnig dahil marami ka daw kasing kaibigan dito sa shool"
"Hahah. . . masyado talaga akong friendly"
nagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawa samantalang ako, nagsusulat na ng script at nung mga magiging scenes para sa movie namin.
Buti nga at napapayag ko si Sam na maging Love story yung movie namin kasi ayaw nya talaga ng Romance!
Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw nya nun. Samantalang buo naman ang family nya at wala pa syang nagiging boyfriend. Paano ba naman kasi magkakaboyfriend, tuwing may manliligaw sa kanya palagi nyang binabasted! Sayang tuloy yung beauty ng bff ko.
"Guys! bukas sa uwian ha? dun tayo sa bahay namin"
"Sige, hanggang anong oras tayo gagawa ng project?"
"3:15 naman uwian natin bukas eh! edi hanggang 6pm na kayo dun. Ihahatid ka nalang namin ni Rigel"
"Ok"
BINABASA MO ANG
Heaven by your Side
Teen FictionMay nakalaan sa atin na isang tao na magmamahal at mag-aalaga pero minsan, nagkikita tayo ng mali sa oras o panahon kaya nagkakataon na madalas tayong nasasaktan Pero kapag dumating na anng tamang oras, dun mo palang malalaman kung para talaga kayo...