5th subject na namin at naaglilipatan na kami ng upuan
Pagkabati namin sa teacheer namin, umupo na kami at nagstart na sya maglecture
tahimik lang kami parehas ni Rigel, siguro dahil nakakaantok lang ang ambiance dito sa room
"Ahm... Kc ok na ba yung check list?"
napatingin ako sa kanya ng walang reaction at kinuha ko yung notebook
"Ayan! medyo marami pero madali lang naman siguro sagutan yan"
kinuha nya yung notebook at tinignan
"Ganito nalang! ako ang magtatanong at ikaw ang sasagot kung ikaw ba yung tinutukoy dun. Ok?"
"Sige, game"
ibinalik nya sa akin yung notebook
at nag-umpisa na akong magtanong
pero dun sa Physical traits? syempre ako na ang humusga! ^_^
At ang kinalabasan ng checklist
Physical trait:
Matangkad √
Maputi/Moreno √
Payat(hindi naman yung Malnurish sa sobrang payat xD) √
Gwapo/cute √
Magaling pumorma x
Presentable x
Character traits:
Mabait √
Masipag √
Sweet √ (sabi nya, oo daw. Hindi naman halata xD)
Responsable √ (hindi ako makapaniwala na um-oo sya xD)
Makulit √
Magaling magbasketball √
Hindi pabaya sa pag-aaral √
Walang bisyo x
Walang tatoo √
"ok! may dalawa ka LANG naman na dapat baguhin. . . Yang kung paano ka pumorma at yang bisyo mo, ano nga pala ang bisyo mo?"
"Umiinom, kapag kasama ang barkada o kaya may okasyon"
"Medyo bawasan mo nalang yung pag-inom ok? . . . kapag may okasyon ok lang pero yung kapag kasama mo yung barkada mo? Medyo iwasan mo nalang"
"Sige, pero anong mali sa porma ko?"
"Mukha ka kasing bad boy na wala sa hulog! no offense ha! Pero kailangan natin baguhin yang style mo at yang haircut mo! Mukha kang rakista na emo eh!"
"Pati ba naman yun?"
"Edi kung ayaw mo, edi wag!. Hindi ka lang naman magugustuhan ng bff ko"
"Hindi! sabi ko nga payag na ako eh. . ."
"Ayun naman pala. . . sa saturday pumunta ka sa amin ha? doon nalang tayo magkita tapos sasamahan kita magpagupit at bumili ng bago mong mga damit"
"Madami ba akong dadalhin na pera?"
"Malamang! ano ka siniswerte?! ako ang manlilibre sa lahat ng magagastos sayo?!"
"Sabi ko nga eh! sige po Ma'am"
"Is there anything that you want to share with the class Ms.Santos and Mr.Mendez"
hay nako! napagalitan pa tuloy kami... kaasar kasi 'tong lalaking to eh!! :3
"None Ma'am"
bumalik na sa pagdidiscuss ung teacher namin
habag ako, iniisip ko kung paanong haircut ang babagay dito sa taong 'to T.T
bakit ko pa kasi naisipan na tulungan to eh!!! :3
BINABASA MO ANG
Heaven by your Side
Teen FictionMay nakalaan sa atin na isang tao na magmamahal at mag-aalaga pero minsan, nagkikita tayo ng mali sa oras o panahon kaya nagkakataon na madalas tayong nasasaktan Pero kapag dumating na anng tamang oras, dun mo palang malalaman kung para talaga kayo...