Ang Baho Mo!

758 27 18
                                    

→ Hindi lahat ng biro na nasasabi ng isang tao ay totoo, kaya nga may ilan na tinatawag na sarkastiko. ←



Her POV

     Hi! I am a senior highschool student, 15 years old, and a certified NBSB, dahil takot ako sa parents ko kapag nalaman nila na may boyfriend ako. But of course, may crush ako. Normal naman yon sa mga teenager di ba?! Oh, I almost forgot, ako nga pala si Kara Mae Fidel. At ang crush ko naman ay si Kent Lloyd Domingo, a varsity player, handsome, friendly at mabait. Kaya nga marami akong karibal sa kanya, pero short-tempered siya minsan. Ewan ko ba, sa dami ng mga lalaki sa mundo, bakit siya pa ang minahal ko. Minahal agad?! Di ba pwedeng crush lang?!...

     Kaklase at bestfriend ko siya and its been 4 years since I had a crush on him at all this time, hindi pa rin niya alam na crush ko siya. Its because I don't have the guts to tell him what I feel at isa pa, dapat ang mga boys ang gumagawa ng first move, right?!

"Ay tipaklong ka!" nasabi ko na lang habang naglalakad ako sa hallway. Nagulat kasi ako sa kamay sa humawak sa braso ko.

"Tss...hindi ako tipaklong, tao ako! Ang OA mo naman," ngumiti siya ng nakakaasar sa akin.

"Tao ka pala...baka naman isa kang kabute na pasulpot-sulpot kung saan-saan?!" tinignan ko siya ng masama at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Hoy, wait lang Kara!" hinabol niya ako at pinigil sa paglalakad.

"Ano na naman ba yon?!" hindi porke crush kita eh hindi na ako maiinis sayo.( Nakalimutan ko bang sabihin na masungit ako? )


Kent's POV

     Ang sungit naman ng babaeng 'to. ( =_= )

"Pinapatawag ka ni Ma'am. May ipapagawa yata sayo," kaya sumagot ako sa tanong niya.

"Yun lang naman pala... and for the record di ako OA," pahabol pa niya at nagpunta na sa classroom namin.

     Dumeretso na ako sa comfort room para maghilamos at ayusin ang sarili ko. Nagpabango na rin ako. Mmmm...ang bango talaga ng pabango ko. ( Malamang pabango nga eh!!!) Magustuhan kaya niya 'to?!

     Pumunta na ako sa classroom at nadatnan ang mga classmates ko na nagkakagulo. Tahimik lang siyang nagsusulat sa upuan niya. Linapitan ko naman siya.


Kara's POV

     Huh?! Bakit naharangan yata ang sinag ng araw. Pagtingin ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko, nakakita lang naman ako ng isang matangkad na kabute.

"Umalis ka nga jan Kent, nahaharangan mo yung liwanag!" saway ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman.. ( ─‿‿─ )" sagot niya sakin.

"Glad you know!"

"Ha?! Anong sabi mo?" tanong niya.

"...ang bait ko kaya. Sinabi ko kaya na, 'Tumabi ka jan Kent, please' di ba?!" sarkastiko kong sagot at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. "Kung ayaw mong umalis, umupo ka na lang jan sa bakanteng upuan. Ayaw kong magkaroon ng stiff-neck habang nakikipag-usap ng nakatingala sayo," at umupo na siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Inggit ka lang sa height ko...ang liit mo kasi," pabulong niyang sinabi yung last part pero narinig ko pa rin.

"Anong sabi mo?!!" this guy's really pissing me off.

"Wala! Ipagpatuloy mo na lang yang ginagawa mo," sagot ni Kent. Babawiin din pala niya eh. Maya-maya, I smelled something funny.

"Kent, is that your perfume?" malumanay kong tanong.

Ang Baho Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon