Eto na po ang 4th Chapter ng HOLDING BACK... PLEASE VOTE & RECOMMEND!!! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[4]
ONE WEEK na yung nakalipas mula nung nagkita kami ni PIPO. Sa totoo lang gusto ko siyang Makita ulit pero mukang ayaw pa ng tadhana na magkita kami ulit...
Nandito lang ako sa may Batibot, naghihintay na mag 10:30 para sa next class ko. Yung mga kaibigan ko? Lumabas ng campus, magpapaprint pa daw sila.
"LEXIE?"
Ano kaya ang kailangan ni zyren?
"Why?"
"Ilang araw ka ng tahimik... may problema ka ba?"
"Ha? Ganito naman talaga ako! Ano ka ba!"
"Sus! Wag mo na akong lokohin."
Mukang ilang araw na nga talaga akong wala sa sarili ko..
"Sorry na zyren. Oo na, may problema lang ako."
"Baka may maitulong ako?"
"No need. I can manage it. By the way, Thanks!"
Nginitian ko na lang siya.... Ayoko nadin muna sabihin sa ibang tao.
"Okay. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko ha? Don't hesitate, lapitan mo lang ako."
"Opo Tatay Zyren."
Zyren is a good friend talaga... sayang nga lang hindi ko siya kaparehas ng course. Mas muka kasing magiging kaclose ko siya.
Onga pala, si zyren ang madalas kasabay kong pumasok, madalas kasi same lang kami ng oras ng first class maliban sa Wednesday Class. Siya din yung madalas na naghahatid sakin pauwi sa bahay. Wala akong aasahan kay zairo.
[BIOLOGICAL SCIENCE CLASS]
"Oyyy! Malapit na yung magkakaroon ng seminar kasama yung ibang school. "
Alam ko na yung tungkol doon. Ako kasi president ng org sa course namin kaya na-inform nadin ako nung adviser namin sa class
"15 lang ba talaga sa year natin?"
Hmm, ang alam ko nga 15 lang.
"Ang alam ko guys 15 lang yung second year na kukunin."
Yung sinabi ko sakanila ay yung sinabi lang din sa akin.
"Paano mapipili?"
"Wait girls!"
"Ano yun zaree?"
Ano kaya yung sasabihin ni zaree?
"Si Ma'am Cruz daw yung mamimili kasi siya yung adviser natin at dahil sa block natin kukuha ng 10 tapos 5 sa other block"
WOW 10 sa block namin yung makukuha? Sana lahat kaming magkakaibigan ay mapili. Hehe
Maya-maya dumating na yung Adviser / Prof naming sa Bio Sci na si Ma'am Cruz!
"Good Morning BPS"
"Good Morning din po ma'am cruz."
Ang cutie talaga pumorma ni ma'am! Bagets ang pormahan. Ewan ko nga lang kung bakit hindi pa siya nagaasawa eh medyo oldie na siya. Sayangers si ma'am!
"Siguro class, narinig niyo na yung about sa seminar na kayo ang representatives. Naka pili na ako. Actually hindi lang ako, katulong ko ang inyong president at iba niyo pang mga profs. Sila ang nagbigay ng mga names ng mga students dito sa block niyo na mga karapat dapat na mapili para doon sa seminar."
BINABASA MO ANG
Holding Back
Teen FictionAno nga ba ang pakiramdam ng magmahal ng totoo tapos iniwan ka... Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana.. Paano ko nasabi? Dahil minsan ng pinaglaruan ng tadhana ang buhay ko. Larong hindi ko inasahan, Kaya ko ba talaga malagpasan ito?