“Kelen kaya darating ang prince charming ko?" nakaupo sa taas ng puno ng mangga si Anya habang hawak ang isang notebook at ballpen.
Kasalukuyan siyang nagsusulat ng kwento. Eto kasi ang hilig niya, ang magsulat ng mga kwento na talaga namang inaabangan ng kanyang mga kaklase at kaibigan.
Muli nyang binasa ang kanyang ginawa na kwento na kani-kanina lang nya ginawa. napangiti siya dahil sa kwento niya siya ay mayaman, sikat, at may prince charming na gwapo, simpatiko at mayaman.
pero sa pagsusulat lang niya siya nagkakaron ng isang 'perpektong buhay.'
“ANYAAAAA!!!!!” sigaw ni aling Nena
“Po? ano ba 'tong si nanay istorbo naman oh.”nakapout na bulong ni Anya sabay baba ng puno.
"Hanap ka ni Lyka, nasa may sala siya." Sabi ng nanay ni Anya
“Anya"pabulong na sabi ni Lyka ng makalapit na si anya sa kanya
"Oh bakit?" matawatawang sabi ni Anya ng makita niya si Lyka na abot langit ang ngiti
"Kaseeeeeee, ihhhhhhhhh :"> kyaaaaaaaaah (>////<)" sabay hampas at hambalos ni Lyka kay Anya
"Lechugas naman Lyka!!! bat kailangan mo pang mang hambalos! masakit ha!!!" sabi ni Anya habang tinatapik tapik yung parteng pinalo ni Lyka
"EHHHHHH KASI NAMAAAAAAN. MAY BAGO KAYONG KAPIT BAHAY! AND TAKE NOTE! GWAPO TE! AS IN G-W-A-"
*PLONK*
"A-aray Anya! ano ba! bat ka nang babatok!" nagrereklamong sabi ni Lyka habang hinihimas ang batok niya na namumula sa pagkakahampas ni Anya
"Gaga ka! alam kong mag spell! anong akala mo sakin? bata -____- atsaka jan ka naman magaling, sa mga gwapo. lakas ng sagap ng radar mo e. -_____-" ako nga di ko alam na may bagong lipat jan." natatawang sabi ni Anya
"eh wala e. friendsters tayo so deal with it tska it's your time to shine te! masyado ka ng matagal na nagtatago sa baul mo malay mo rin friend siya na yung prince charming mo sa bawat kwentong ginagawa mo kaya dalian mo na at wag ka nang maginarte baka mapektusan kita. babalikan kita mamaya at gusto ko pagbalik ko naka ayos ka! intiendes? wag ka bobita impakta ka" nakataas pa ng isang kilay si Lyka habang parang batang paslit naman si Anya na pinangangaralan ng nanay
"oo na po mudrabells" sabay 360 ng mata ni Anya habang tinutulak palabas si Lyka sa bahay nila
Yoyo guys, ako nga pala si Anya dela torre, 19 years old from far away land at naniniwala po ako sa kasabihan na "kahit di ka maganda, basta sexy ka, artista kana" thank you so much very very much so so much! and for that, i consider myself as the champion thank you. i would like to thank my following sponsors, olay para sa gandang di ko inakala, aling puring para sa pinautang niyang load kanina para lang maitext ko ang mga circle of friends ko, at napaka rami pa pong iba. thank you again! :* mwa.
“Nay, may bago pala tayong kapitbahay no?” sabi ni Anya habang magkaharap silang magina sa lamesa
”Ay, oo. Jan sa dating tirahan nila Don Casiraghi, mabuti nga yun anak at papasok akong katulong para may magamit ako para sa pagaaral mo isang taong shembot nlang at matatapos ka narin sa accounting” nakangiting sagot ng kanyang ina.
Nginitian din naman ni Anya ang kanyang ina, minsan gusto na nga niyang tumigil sa pagaaral kase naaawa na sya sa kanyang ina na kung saan saan nakikilabada
Working student naman siya at isang waitress sa restaurant di kalayuan. kaso kulang yun para masuportahan ang kanyang pagaaral.
Namatay kase ang dating amo ng kanyang ina na si Don Casiraghi. Wala na ang kanyang ama, matagal ng namayapa, may kapatid sya kaso namatay ito noong 8yrs old palamang dahil sa sakit, at siya lang at ang kanyang ina ang magkasama.