Pansamantala (One-Shot)

44 2 0
                                    

Naranasan mo na bang maging takbuhan kapag nasasaktan yung taong lihim mong minamahal?

Yung tipong pag nagkakaproblema sila ng karelasyon niya, ikaw agad yung pinupuntahan niya para humingi ng tulong or advice.

Pero wala kang magawa kasi nga kaibigan mo siya.

Ayaw mo rin kasing sabihin sa kanya yung totoo mong nararamdaman kasi iniisip mong baka lumayo siya sayo at masira yung friendship niyo.

Pag nakikita mo siyang umiiyak dahil sa taong mahal niya, hindi mo maiwasang masaktan kasi nga mahal mo siya pero hindi mo lang pinapakita.

Nasasaktan ka din kapag nakikita mong masaya siya sa piling ng iba at hinihiling mo na sana ikaw na lang yung taong yun.

Ang saklap diba? Pero wala e. Wala tayong magagawa kung natotorpe tayo.

Kasi pag sinabi natin yung totoo nating nararamdaman, may pwedeng magbago. It's either positive or negative.

Pero di mo maiwasang mag-isip ng negative na halos ma-paranoid ka na.

Sobrang sakit. Kasi tinatago mo yung nararamdaman mo sa kanya. Pero wala kang ibang magawa kundi palaging nasa tabi ka niya, nagsisilbing tagapayo, comfort zone at kung ano pa na nakakabawas ng sakit ng nararamadaman niya.

Pansamantala (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon