Pansamantala (One-Shot)

46 2 0
                                    

Ako nga pala si Nathan. May kaibigan ako, si Ariane. Actually child hood best friends kami. Magkasundo sa lahat ng bagay.

Pero habang patagal ng patagal yung pagsasama namin, lalo ko siyang minamahal. Oo may gusto ako sa kanya matagal na. Pero hindi niya yung alam kasi natotorpe ako. Ayokong sabihin sa kanya kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Natatakot sa kung anong pwedeng mangyari. Baka layuan niya ko at masayang yung pagkakaibigan namin. Ayoko mangyare yun. Ayokong mawala sa aking yung babaeng lihim kong minamahal kahit na may gusto siyang iba.

Si Ariane yung tipo ng tao na mabilis mong makakasundo. May pagkasaltik, kalahating-tao at kalahating-alien, masarap kasama, masarap pikunin , at may pagka moody pero sanay na ako dun. Best friend ko eh.

Pero nasasaktan ako sa tuwing nababanggit ko yung word na BEST FRIEND. 

Hanggang dun na lang ba talaga kaming dalawa? Hindi ba pwedeng kami na lang yung magkatuluyan?

Hindi pwede. May mahal siyang iba. May boyfriend siya at sobra nilang mahal yung isa't isa. Yun nga lang, hindi maiwasan ang pagkakaroon nila ng away at tampuhan.

Minsan nagugulat na lang ako pag pumupunta siya ng bahay at umiiyak. Masakit para sa akin na makitang umiiyak yung babaeng mahal ko. Wala akong ibang magawa kundi i-comfort siya hanggang sa maging okay na siya. Hanggang sa maging okay na silang dalawa ng boy friend niya.

Minsan gusto ko na nga aminin sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Pero inuunahan ako ng kaba at takot. Siguro wag na lang. Siguro dapat tiisin ko na lang tong sakit na nararamdaman ko. Siguro dapat maging masaya na lang ako para sa kanya.

"Best friend!"

at ito, pumunta na naman siya dito sa bahay habang naiyak. Ano na naman kaya problema niya? 

As usual, nakayakap siya sa akin at hinahayaan ko lang siyang umiyak. Pag pagod na siya, tsaka ko lang siya kakausapin.

"Best friend nag-away na naman kami ni Daniel"

"Bakit? Ano na naman pinag-awayan niyo?"

"Nagseselos kasi ako sa isang babaeng palagi niyang kasama. Pero sabi niya best friend niya lang daw yun eh"

"Ikaw talaga oh. Napakaselosa mo talaga. Alam mo namang ikaw lang yung mahal niya e"

"Ehhhh hindi ko naman kasi mapigilan na magselos no! Parang sila nga yung madalas na magkasama kesa samin ni Daniel e"

"Haynako. Wag ka mag alala, ikaw lang naman yung mahal nun"

Napakasakit bitawan ng mga salitang yan. Pinipilit ko na lang na magmukang okay lang ako. Para sa mahal ko, titiisin ko yung sakit.

Sana kasi ako na lang eh. Sana nung una pa lang, sinabi ko na sa kanya yung totoo. Na mahal ko siya. E di sana hindi siya palaging umiiyak. Hindi siya nasasaktan.

Bakit ba kasi ang torpe mo Nathan? Ayan tuloy, naunahan ka na ng iba. Haayy

"O sige na best friend hatid na kita sa inyo. Anong oras na oh"

Hinatid ko na siya sa bahay nila. Nagpaalam na ako sa kanya at umalis.

Hanggang kailan ko ba titiisin to? Sobrang sakit na kasi eh. Hindi ko na kaya. Habang buhay na lang ba ako magpapakatanga?

Habang buhay na lang ba ako magiging comfort zone niya?

*new text message*

From: Best Friend

"Best Friend! Sama ka pala next week ha? Birthday ni Daniel. Dun tayo sa bar nila. Goodnyt! I love u best"

Kung sana, hindi lang pang friendship yang "I love you" niya, e di masaya na ako. Pero alam ko, sinasabi niya yun bilang best friend. Imposible na atang mangyare na more than friends ang tingin niya sa akin.

Pero mas okay na siguro yung ganto na lang. At least alam kong hindi siya mawawala sakin. Palagi ko siyang makakasama.

--------------------------------------------- after 1 week --------------------------------------------------------------

Birthday ni Daniel.

"Best dali na kasi. Sumama ka na ang KJ mo naman eh"

"Ayoko nga nahihiya ako kasi tignan mo tong suot ko oh. hindi formal"

"Ano ba yan. Hindi naman kailangang bongga eh"

"Kahit na"

"Sasama ka ba o hindi? Sige ka magtatampo na ako sayo"

Pinuntahan ako ni Ariane dito sa bahay. Ayoko kasi siya samahan dun sa birthday celebration ng boy friend niya dun sa bar na pag-mamay-ari nila. Nakakahiya kasi wala akong magandang damit. Mamaya magmukang basahan ako pag katabi ko na sila.

"Ayoko nga kasi"

"Best naman, pleaseeeeeeeee"

Ayan na siya sa please niya. Wag kang ganyan Ariane. Hindi ako makakatanggi sa please mo eh.

"Oo sige na nga Hay"

"Yes! I love you talaga best!"

Sabay yakap niya sa akin. Palagi na lang ba may kadugtong na "best" yung I love you niya? Pwedeng wala na lang?

*Beep* *Beep*

"Oh best andyan na pala si Daniel. Sabi ko kasi daanan na lang tayo dito eh. Tara na"

Kung kaya ko lang talaga sanang ibigay lahat ng gusto mo. Kung meron lang sana akong kotse. Kaso wala. Mayaman si Daniel, ganun din sa Ariane. Pero ako? hindi naman ganun kayaman, di rin mahirap. May kaya lang. Naibibigay naman lahat ng pangangailangan pero hindi lahat nabibili yung mga gusto ko.

Siguro nga hindi talaga kami ni Ariane para sa isa't isa. Hindi ko kayang ibigay lahat ng gusto niya. Pero may mga bagay na kahit di niya hilingin, naibibigay ko. At yun ay yung pagmamahal ko sa kanya. Korny no? Pero yan yung totoo.

(Please play the music on the right side)

Andito na kami ngayon sa bar na pagmamay-ari nila Daniel.

Ang laki ng bar na to at sobrang ganda. Ang dami ring bisita ni Daniel.

"Best wait ka lang dyan ha? pupuntahan ko lang sila saglit"

tinuro niya kung saan at agad na siyang pumunta dun. Iniwan niya ako sa upuan sa gilid.

Tinatamad ako uminom. Kaya lang naman ako nandito kasi napilitan kong sumama . Ang hirap tanggihan ni Ariane eh. Lalo na kapag nagpe-please siya sakin.

Wala akong magawa dito . Nakatunganga, nakatingin lang kay Ariane habang kausap niya yung mga kaibigan niya at pati na rin yung boyfriend niya.

Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko siyang nakangiti. Nakakawala ng pagod at problema.

Kailan kaya magiging ako yung dahilan ng mga ngiting yan?

Hanggang kelan ko titiisin maging best friend lang niya?

Para akong tanga na umaasang balang araw, mamahalin niya rin ako. Kasi alam ko sa sarili kong kahit kailan, hindi niya ako magugustuhan. Hindi niya ko mamahalin more than friends.

Kasi alam ko, hanggang kaibigan lang talaga turing niya sakin.

Dapat maging masaya na lang ako. Kung san siya masaya, masaya na rin ako.

Tatanggapin ko na lang na, ako yung takbuhan niya kapag nasasaktan siya.

Ako yung magsisilbing pansamantalang panyo niya sa tuwing iiyak siya.

Pansamantalang unan na yayakapin niya hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.

Itatago ko na lang tong nararamdaman ko alang-alang sa friendship namin.

Mahal na mahal ko siya. Kaya kahit gano pa kasakit na kaibigan lang ang turing niya sakin, titiisin ko. Para sa kanya. Lahat gagawin ko, para sa kanya.

Pansamantala (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon