Yung mga sana...
Sana di ako naging tanga...
Edi sana naayos pa.
Para sana hanggang ngayon tayo pa.Hindi sana...
Hindi sana ako nagloko..
Para hindi sana tayo umabot sa ganito...Kung sana...
Kung sana umayos lang ako,
At kung sana natuto akong makuntento...
Edi sana hanggang ngayon masaya parin tayo.Ikaw sana....
Ikaw sana ang aking nais makasama hanggang sa aking huling hininga,
Kaso sa isang iglap ay masasayang ko lang din pala.
Sa ngayon puro hanggang "sana" nalang ako...
Kase kahit anong pakiusap ko, desisyon mo'y di na magbabago.Sabe mo pa nga'y dapat ng limutin ang nakaraan....
Para hindi na maulet ang sakit dulot ng ating nuo'y pag iibigan.
At yun ay gagawin ko at sana ako'y magabayan sa isang paglalakbay na ako lang ang mag-isang lilisan...Lalayo ako at sa pagkakataong ito'y hahayaan na kita.
Ngunit magkaganun pamay sa aking puso't isipan isa lang ang nais isambit sayo at yun ay ang....
Sana mapatawad mo ako,
At siguro kung di kita niloko,
ay sana mahal mo pa ako...
Kase mahal parin kita hanggang ngayon mahal ko.A/N:
Puro sana eh noh? :D
#keeponHOPING💙
BINABASA MO ANG
Poems ❤
Poetry-A collection of Poems- #English&Tagalog 695 In Poetry as of (9/25/17)