"Krrrnnnnnnngggggggg gegkfnkldff fdkfldjfklfjfslfsdf sfjfsf sflsdfksdflds flsdfksdfs " (di ko alam ang tunog)
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na gustong-gusto ko na ihampas dahil naudlot na naman ang aking panaginip (papunta na sa dun ehh <3). Kung hindi ko lang pinaghirapan ang binili nito, naku, matagal na 'tong basag. *inabot ang phone sabay tingin sa orasan*
"Halaaaaaaaaaa, alas nuwebe i-medya na pala. Nakuuuuuuuu..... late na naman ako nito."
Dali-dali akong bumangon at kinuha ang toothbrush ko. Oo, hindi na ako maliligo kasi lalo lang ako mali-late, sanay na naman ako dun *evil laugh* . Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko agad ang bag ko para makaalis.
*Ba't walang jeep? Ano ba naman 'to? Kung kailan pa nagmamadali, ngayon pa wala.* Ito na lang ang nasabi ko habang nag-aantay ng jeep. Sa wakas may paparating na, tuwang-tuwa ako kasi parang maluwag pa. Itinaas ko ang kamay ko para magpara. "Hala siya, hindi nagpapasakay. Pag dumaan ka dito ulit, lalagyan ko ng thumb tacks yang gulong mo." Ewan ko nga ba ba't may mga jeepney driver na hindi humihinto kahit may space pa naman, yung iba naman kahit wala ng space, sasabihin pa ng dalawa. Ayan, nadala tuloy ako sa galit. Balik na tayo sa istorya AHAHAHAHAH.
Kaya ayun na nga nagpara na lang ako ng taxi, kesa naman aabutin ako ng gabi kakahintay ng jeep. At tsarannnnnnn!
"Late ka na naman Dave." Ang pagbati ng aming HR sa akin.
Ahhh, nakalimutan ko palang magpakilala. Ako nga pala si Dave Tuazon, isang matipuno na lalaki, may mapupungay na mga mata, matangos na ilong, kissable na mga labi at mala-modelong katawan. Yang mga sinabi ko, hindi ako yan HAHAHAHAHA. Isa akong Social Media Manager sa isang IT company. Tahimik lang ako, sinasabi nga nila minsan snob daw ako kaya maliit lang mga kaibigan ko. Hindi rin ako mahilig maglaktwatsa. Bahay, mall at office lang ang tangi kong pinupuntahan. Mas masaya ako pag sa bahay lang, higa, kain at ang pinakamahalaga ay manunuod ng paborito kong series, BOYS LOVE THAI SERIES hahahaha. At yan lang naman ANG dahilan kung bakit palaging late ang gising ko every morning dahil inaabot ako ng 3AM kakanuod ng mga episodes (ba't pa kasi na-imbento ang pagtulog eh)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Kahit Imposible
RomanceKwento ng isang lalaki na fan na fan sa mga Thai Series kung saan nya nakilala ang isang lalaki na nagpapatibok ng kanyang puso. Isang kwento na magbibigay ng kakaibang anyo ng pag-ibig sa mundo ng LGBT. Masusuklian kaya ang kanyang pag-ibig? Kung...