Ash's POV
Nakatayo ako ngayon sa balkunahe ng kwarto ko. Tinatanaw ang mga nasasakupan ko.Naging maayos naman ang lahat ng pumanaw ang aking ina pagkatapos ng gera na naidulot ng ibang kaharian.
Ngunit isang malaking pagkawala ang Reyna sa lahat. Parang nawalan ng depensa ang buong kaharian.
Pero sabi ko nga sa aking nasasakupan hindi kami dapat sumuko. Dapat ipagpatuloy namin ang sinimulan ng mahal na Reyna hindi namin siya dapat biguin.
Magtatayo muli ng bagong depensa ang kaharian, mas matibay na depensa. At ito'y magsisimula saakin.
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Naka upo ako sa silid-aklatan ng kaharian at nagsusulat nang kung ano ano sa aking jornal.
Nang biglang... "Mahal na Prinsesa!" Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng silid. Kumunot ang aking noo.
"Ano ang iyong nais?" Tanong ko "May isang istranghero na nanghihingi ng tulong! Ito'y sugatan at sinabi nito na isa itong Prinsepe na galing pa sa malayong lugar!" Wika nito.
Nagulat ako sa sinabi nito at agad agad akong lumabas para tignan.
Dinala ako ng tagasunod ko sa isang silid at pumasok kami rito. Nagulat ako sa mukha ng lalakeng puno ng sugat sa katawan nito.
Napaka gwapo nito ngunit halata ang sakit na nararamdaman. Pawis na pawis at nangangatog ang katawan na tila ba'y nilalamig.
Agad akong lumapit rito at nilagay ang palad ko sa noo nito. "Sabi ko na nga ba.. Tawagin niyo ang doktor!" Utos ko
"Pasensya na Mahal na Prinsesa ngunit ang ating doktor ay naglalakbay sa ngayon para humanap pa ng mga halamang gamot!" Sabi ng babaeng tagasunod ko.
Napatahimik ako. Tinitignan ako ng mga tagasunod ko na nasa loob ng silid.
"T-tulong.." Nagulat ang lahat sa biglang pagsasalita ng istranghero. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa kamalasan.
May nangangailangan na (gwapong) istranghero ngunit wala ang doktor na dapat ay gagamot rito.
"Kumuha ka ng maligamgan na tubig at isang malambot na pamunas! Ikaw! Kunin mo ang mga natitirang halamang gamot! Ako na ang gagamot rito"
~ Makalipas ang ilang araw ~
"May balak bang magpakamatay ang lalakeng yun?" Tanong ko na halata ang inis sa aking mukha.
Nasa silid ako kung saan kumakain. Ilang araw ng gising ang lalakeng istranghero ngunit hindi man lang to lumalabas sa kwarto kung saan ito nagising.
Kahit kailan hindi ko pa nasilip ang lalake simula nung nagamot ko ito. Masyado akong abala sa mga mas importanteng gawain sa loob at labas ng kaharian.
Ngunit ngayon ay punong puno na ko sakanya.. Ginamot ko ito tapos papatayin naman niya ang sarili sa gutom.
Hindi pa ito kumakain simula ng ito'y nagising. Tumayo ako sabay hampas ng mga kamay sa hapag-kainan
"Pwes! Ako magpapakain sa lalakeng iyon!" Nagulat ang mga tagasunod ko. Pumunta ako roon, nagulat ang mga tagabantay ng silid na iyon ng ako'y makita kasama ang isang tagapagsilbi na may dalang pagkain.
Pinagbuksan nila ako ng pinto, tumambad saakin ang lalaki na aking tinulungan. Wala masyadong nagbago sa itsura nito maliban sa halata ang sobrang panghihina nito.
Dahan dahan ako nitong tinignan "Ikaw. Ang sabi saakin ng aking mga tagasunod na ayaw mo raw kumain." Sambit ko rito
"Ano naman ngayon?" Tinaasan ako nito ng kilay. Nagulat ang tagasunod ko na nasa aking likuran. "A-ano naman ngayon?" Tanong ko pabalik
"Hindi maari na patayin mo ang iyong sarili pagkatapos kitang tulungan" Sabi ko "Sino bang nagsabi sayo na tulungan mo ako? Mahal na Prinsesa?" Sarkastikong tawag nito saakin.
"Sa pagkakaalam ko.. Ikaw ang lumapit at humingi ng tulong sa aking kaharian. Narinig ko pa nga sa mismong mga bibig mo ang salitang 'Tulong'. Sana pala ipinaalam mo saamin na papatayin mo lang din ang iyong sarili sa gutom para naman hindi na namin sinayang sayo ang aming oras." Nagkros ang mga braso ko.
Hindi ito sumagot at inalis ang tingin saakin "Maari bang magpasalamat ka na lamang dahil kahit isa kang estrangherong nagpapakilala bilang Prinsepe ay tinanggap kita rito sa aking kaharian kahit walang kasiguraduhan na baka ikaw ay isang espiya?" Sabi ko rito
"Kung ganyan din pala ang iyong iniisip bakit hindi mo na lamang ako pinapatay." Bulong nito ngunit malinaw ko itong narinig
"Handa akong patayin ka kung ika'y isa saaking mga kalaban, ngunit alam ko rin paano maglaro ng patas. Hindi ako pumapatay ng patago. Hindi ako papatay ng taong hindi man lang makalaban saakin." Natahimik ito pagkatapos ko itong pagsabihan
"Kumain ka at magpalakas para balang araw makaganti ka sa saakin. Doon ko pagiisipan kung papatayin ba kita o pagbibigyan pang mabuhay" Humarap ako saaking tagasunod.
"Ilagay mo na lang yang pagkain na yan dito at iwanan siya." Utos ko at lumabas na ng silid na iyon. May iba akong nararamdaman sa lalaking yun. Para bang.. hindi ito tao.
BINABASA MO ANG
The White Rose
VampireIsang napaka gandang wangis na pwede mong ikumpara sa isang Rosas.. Parang napaka inosente katulad ng kulay Puting Rosas. Pero wag papalinlang.. Every rose has it's Torn that can make you shower to your own blood in a snap. Hindi siya natatakot na m...