HS.1

199 8 6
                                    

"Guys! Ayusin nyo naman! Paulit-ulit na tayo ah! Ano bang nangyayari sa inyo?!" Nayayamot na sabi ni JD ang leader at bahista ng banda namen."Ikaw naman Renz, ambilis ng palo mo. Hindi tuloy makasunod si Tania!" Si Renz, ang drummer ng banda. Ako, si Tania. Gitarista ng banda.

"JD, pagpasensyahan mo na. Medyo may problema lang." Sabi ni Jeoff. Ang vocalist ng banda.

"Renz, okay ka lang ba? May problema ka ba? Hindi ka naman ganyan kanina ah." Nagtataka talaga ko kung bakit biglang nagbago ng kilos si Renz. Kanina naman ang ayos-ayos nyang tumugtog eh. Ang saya-saya pa nga nya. Nag-aalala ko.

"H-huh? A-ano.. Okay lang ako." Matamlay na sabi nya.

"Nagbreak yata sila ng girlfriend nya." Sabat ni Geoff.

"Break na sila?!" Gulat na sabi ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko, maiinis o magagalit. Dapat magdiwang ako diba? Kase break na sila. Pero nalulungkot din ako pag nakikita kong malungkot si Renz.

"A-ayoko munang pag-usapan.." Sabi ni Renz sabay labas ng room kung saan kami nagpapractice.

"Ayan!Dahil sa girlfriend nyang yan! Nadamay pati pag tugtog naten! Sinabi ko na kasi sa inyong bawa-"

"Susundan ko lang sya." Hindi ko na pinatapos yung pagsesermon ni JD. Naiinis lang ako. Imbis na pag-usapan ng maayos.. nagsisisigaw sya don.

Lumabas na din ako para hanapin si Renz.

Alam ko kung san sya nagpunta..

Umakyat ako sa rooftop.

At ayun, nakita ko syang may hawak na beer. Umiinom.

"Renz.."

"Diba sinabi ko ng ayokong pag-usapan?!" Pasigaw na sabi nya. Nagulat ako. Ngayon nya lang ako nasigawan ng ganyan.

"S-sorry."

"P-pasensya na. Hindi ko sinasadyang sigawan ka."

"Naiintindihan ko.."

"Oh." Inabot nya sakin yung isang bote ng beer.

"H-hindi ako umiinom"

"Kahit ngayon lang.." Malungkot na sabi nya.

Uminom na lang ako. Pero konti lang. Gusto ko syang damayan. Nalulungkot din ako para sakanya.

"Alam mo ba, hindi ko alam kung baKit bigla na lang syang nakipagbreak sakin. Wala naman akong nagawang mali. Mahal na mahal ko si Ynna.."

Napatingin ako sakanya.

Umiiyak sya.

Gusto kong punasan yung luha nya.

Bigla syang humarap sa akin..

At ikinabigla ko ng...

ng...

halikan nya ako sa mga labi...

The next thing I knew, labi na nya ang naramdaman ko sa labi ko.

1 second..

2 seconds..

3 seconds..

Bigla ko syang itinulak palayo sa akin.

"WHAT THE HELL!"

"S-sorry, hindi ko sinasadya. Masyado na kong maraming nainom"

Ughh! Oo gusto ko sya, pero di naman ako ganon ka desprate to kiss him back! MyGod! Naiinis ako. Diba dapat matuwa ko kase hinalikan nya ko? Pero hindi ayun yung naramdaman ko. Nasasaktan ako.

Pagtapos nung nangyare, iniwan ko na sya sa rooftop.Medyo nahihilo ako, naubos ko kase yung isang bote nung beer kanina. Pero kaya ko pa naman.

Bumalik na lang ako sa room kung saan kami nagpapractice.

Maya-maya lang,dumating na din si Renz.

HeartstringsWhere stories live. Discover now