HS.3

77 6 7
                                    

Jeoff's POV

Nandito ko ngayon sa park. Mamaya pa naman yung practice namin e. Kelangan ko lang makipagkita sa babaeng mahal ko. Para hindi naman nya sabihin na nawawalan ako ng oras sakanya. Hinihintay ko sya ngayon. 30 mins. na syang late ah. Nasan na kaya un? 

"Jeoff!" and there she is.. Lumapit sya sakin and then she kiss my lips.. pero smack lang. Masyadong maraming tao e.

"Tara, kumain muna tayo." At binigyan nya ko ng matamis nyang mga ngiti. Kumain lang kami tapos nag-usap usap ng mga bagay bagay.

"So.. Kamusta naman si Renz?" Muntikan ko nang mabuga yung iniinom kong juice nung mabanggit nya yung pangalan na yun.

"Ynna, makakamove-on din yun sayo." Oo. Si Ynna nga yung girlfriend ko. Mahal na mahal ko yung babae na yan.

Alam ko.. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko kay Renz. Alam ko din na pag nalaman nya yung tungkol samin ay magagalit sya. Hindi alam ng buong banda na meron kaming relasyon ni Ynna. Hindi pa ko handa para sabihin yun sakanila. Alam kong mali tong ginawa ko. Pero hindi ko to pinagsisisihan dahil mahal namin ni Ynna ang isa't-isa. Dati pa kami may relasyon ni Ynna.. Kami na nung sila na ni Renz. Alam kong mas grabe pa sa naiisip ko ang mangyayari kapag nalaman nila ang tungkol samin ni Ynna.

"Sorry Jeoff ah. Sorry kung ganto yung nangyayari. Alam kong nahihirapan ka kase kabanda mo si Renz. Malaking gulo pag nalaman nila yung tungkol satin." 

"Hintayin lang natin na makapagmove-on si Renz sayo. Yung tipong walang wala na talaga syang gusto sayo.. Kapag nakahanap na ulit sya ng iba, sasabihin na natin sakanila yung tungkol satin." Alam kong kahit na makahanap man si Renz o kahit man wala na syang gusto kay Ynna, magagalit parin yun sakin kapag sinabi ko na. Ginago ko sya e. Sarili nyang kabanda na tinurin nyang kapatid ay ginago sya. Pinagmukhang tanga. Sana mapatawad pa ko ni Renz sa ginawa kong to.

Matagal na kong may gusto kay Ynna non kahit nung hindi pa sila ni Renz. Nakilala ko sya kase sinasama ni Renz si Ynna kapag nagpapractice kami. Nililigawan nya palang nun si Ynna. Naging kaclose ko si Ynna dahil araw-araw na namin syang nakakasama. Habang tumatagal, nahulog ako kay Ynna mas naging close kami sa isa't-isa. Sila na nun si Renz. Pero umamin din sakin si Ynna na ako ang gusto nya. Kaya pinanindigan na namin yun. Nagdesisyon kame na maging kami kahit sila ni Renz. Hihiwalayan naman daw nya si Renz sa mas lalung madaling panahon. Ako daw talaga ang mahal nya at hindi si Renz. 

Marami kaming napagkwentuhan ni Ynna. Pagtapos non, hinatid ko na sya sa bahay nila.

"Jeoff, salamat sa paghatid. Iloveyou.."

"Ano ka ba. Obligasyon kong ihatid ka. Girlfriend kita e. Iloveyoumore." At hinalikan ko sya sa labi.

_______

Tania's POV

Shemaaaaay! Nagtext sakin si Renz. Susunduin nya daw ako dito sa bahay mamaya. Sabay na daw kami papuntang practice. WAAAAAAAAH! Kinikilig ako >//< 

Teka! Anung irereply ko? Gosh! Nagpapanic na ko dito.

To: Renz my Love =">

- Uhmm. Sige ikaw bahala. Iloveyou <3

Message sent!

Hahaha. Dejk. Hindi ko nilagay yung Iloveyou atska yung heart. Ang ganda ng pangalan nya sa cellphone ko noh? Ganyan ako kainlab sa kanya. Haha. Nagpagulong gulong ako dito sa kama habang kinikilig ^_^

*ANG MAHIWAGANG MENSAHE! TENGTENGTENG..* (Message tone ng cellphone)

Eto na. Nagreply na sya. ^_^

HeartstringsWhere stories live. Discover now