HS.4

47 3 4
                                    

JD's POV

Nakakabwiseeeet! Bakit ang sweet ni Renz kay Tania? Ano? Sila na ba? Nanliligaw ba sya? Pinopormahan? Kakabreak lang nila ni Ynna ah! Ano? Gagawin nyang rebound si Tania?  Punyemas! Di ako makakapayag!

Kanina sa practice, sila lang yung nag-uusap. Tawa pa sila ng tawa. Tapos napapansin ko habang tumutugtog, ngitian sila ng ngitian sa isa't isa. Nakakasura! Tinapos ko na lang agad yung practice baka kasi kapag nagpatuloy pa yung practice, masapak ko na si Renz. Maaga kaming umuwi kahit late ng dumating silang dalawa ni Tania. 5:00 pm ang practice. Pero dumating sila 6:00 pm. Nakakainis.

Nandito ko ngayon sa park. Nagpapalamig ng ulo. 9:00 pm na kaya medyo konti na lang yung tao.

Umupo ako sa bench.

Teka..

Parang may naupuan ako..

Tumayo ako para tignan kung anu un.

Wallet.

Kinuha ko at binuksan para malaman kung kanino. May picture ng isang babae.

Maganda at kahawig nya si..

Tania.

"HOY! BAKIT HAWAK MO YUNG WALLET KO? BAKIT NASAYO YAN? MAGNANAKAW KA NO?! MAGNANAKAAAAW! TULONG!" Nagulat ako sa babaeng sumigaw.

"Hoy miss! Hindi ako magnanakaw! Kumalma ka nga muna! Sa gwapo kong to sasabihan mo ko ng magnanakaw?!" 

"TULOOOOOONG! MAGNANAKAAAAAAAA----" Tinakpan ko yung bibig nung babae. Takte! Buti na lang konti na lang yung mga tao. Baka isipin na magnanakaw talaga ko.

"Miss, kumalma ka nga. Nakita ko lang jan sa bench yung wallet mo. Wala kong interes jan!" Sabi ko dun sa babae habang nakatakip yung kamay ko dun sa bibig nya.

"Awsbwbahswgdb" Tinanggal ko na yung kamay ko. Kadiri. Puro laway.

"Oh ayan na yung wallet mo! Buti nga ako yung nakakita e!" Maka alis na nga dito!

Nakakailang hakbang palang ako, bigla nya kong tinawag.

"T-teka! S-sandali!" 

"Ano nanamang problema mo?!"

"Teka lang! Wag ka munang umalis! Baka may kinuha ka dito sa wallet ko. Iche-check ko lang." sabi nung babae habang chinecheck yung wallet nya. Nakakairita tong babae na to a! 

"Tang@ ka ba miss? Kung may kinuha ako jan, edi sana kumaripas na ko ng takbo kanina pa. Paki ko jan sa pitaka mo!"

"Uhmm.. Oo nga kumpleto pa lahat ng laman nung wallet ko ^_^"

"Oh ano? Pwede na ba kong makaalis?"

"Salamat! Sorry kung pinagkamalan kitang magnanakaw. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Nakangiti nyang sabi. Nakakadistract yung ngiti nya. Lalo nyang nagiging kahawig si Tania..

"Hindi pwede!"

"Ang sungit mo naman! Dahil ikaw ang nakapulot ng wallet ko, ililibre kita bilang pasasalamat ^_^"

"Di na kaylangan -_-"

"Uhmm. Ayaw mo? May kasama ka ba? Wala akong kasama e. Pwede bang samahan mo muna ako?"

"Ayoko. Aalis na ko."

"Sandali lang! Sige kung ayaw mo. Uhmm ano na lang.. Sabihin mo na lang pangalan mo saken."

"Tsk! JD. Aalis na ko."

Naglakad na ko. Iniwan ko na yug babae dun. Magkahawig nga sila ni Tania pero magkaibang magkaiba sila ng ugali. Nakakairita yung babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HeartstringsWhere stories live. Discover now