Chapter 5

94 1 0
                                    

Halos magdadalawang oras na akong naglilinis pero hindi pa ako nangangalahati.Eh paano naman yung kasama kong unggoy paupo-upo at pakain-kain lang, hindi man lang ako tinulungan.Mas mabuti na rin siguro yun kaysa manggulo pa siya sa akin.Kailangan ko 'tong matapos ng maaga para makakain na ako.Kanina pa nagrereklamo ang bituka ko eh.

"Psst!Dora!may basura pa oh!" walang hya!Imbes na tulungan niya ako maglinis nagkakalat pa siya.Kung saan-saan niya itinatapon ang balat ng pinagkainan niyang orange.Hindi lang pala saging ang gusto ng mga unggoy pati orange rin.

"Hoy!walisin mo nga toh" walisin kita jan ee!

Sakto may nakita akong patay na ipis.Haha!bright idea!dinaspan ko ang ipis.Paniguradong matatakot siya eh ako rin naman matatakot din ako kung gumagalaw pa ito,mabuti na lang patay nato.Nagtungo ako sa pinag uupuan niya, syempre hindi ako nagpahalata sa maitim kong binabalak.Iniinggit pa niya ako sa orange niya.Haha!tapunan kaya kita ng ipis?!

"WHAAAAAAH!YAYA!" napatalon siya at tumakbo palayo.Haha!tagumpay ako.At akalain mo yun nagtawag pa siya ng yaya!hindi ko tuluyan mapigilan ang humalakhak.

Wala na rin ang magulong unggoy, at sana rin!sana lang talaga hindi na siya bumalik.

12:00 ako natapos saktong tatlong oras.Nakakapagod!kung ginusto ko lang pwede naman na hindi ako sumunod sa utos ni madame kasi wala namang nakabantay sa akin diba?so with no discussion I can say na mabait lang talaga ako!at dahil sa pagiging mabait ko ito ako ngayon pagod,wala ng lakas.Gutom na rin ako at uhaw na uhaw..

"Hey" pag angat ko ng ulo ko nakita ko na naman ang oh-so-cute na smile niya.

"Okay ka lang?you look exhausted.Water?" inabot niya ang mineral water niya sa akin.Kinuha ko yun super uhaw na ko eh.Hindi broken yung seal niya kaya safe inumin.Hehe mas mabuti na yung naninigurado ka lalo pa na kaibigan siya ng enemy mo.Naubos ko yung tubig niya medyo nakakahiya diba kasi hindi ko man lang siya tinirhan.

"Um thank you C-Clavin.Papalitan ko na lang yan"

"Okay lang hindi naman sa akin yun eh" nanlaki ang mata ko.Wag niyang sabihin na marumi yun at galing yun kay..

"kay Crayne yun.Inutusan niya ako bumili ng tubig.Bibili lang ako ulit kaya samahan mo ko" inakbayan niya ako.Infairness ang bango niya kahit na galing siya sa paglalaro.Naka sport attire kasi siya at medyo pinapawisan pero bakit ang bango pa rin ng pawis niya?

"Masyado mo naman akong inaamoy Babe" tanga!inaamoy ko na pala siya.Nakakahiya!umalis ako sa pag-akbay niya sa akin.

"Ah..eh?s-sge" lumakad ako palayo sa kanya pero he stopped me,hinawakan niya ang kamay ko.

My Official ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon