♫♪ Chapter 5 ♫♪

25.1K 369 46
                                    

WINTER

"Mommy, labas lang po ako, ah," paalam ko.

"Saan sa labas?" tanong ni mommy habang nagpupunas ng pinggan.

"Sa harap lang po ng gate, magpapahangin."

"Okay," agad naman niyang pagpayag. "Huwag kang lumayo. Gabi na," habol-paalala niya nang makaisang hakbang na ako.

"Okay po." Lumabas na 'ko at naupo sa kubo, kasabay nito ang biglaang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. "Ang lamig," nanginginig kong sabi, yakap-yakap ang sarili. Itinaas ko ang aking binti. Naka-pink pajamas ako kung saan naka-print ang iba't-ibang klaseng facial expression ni Patrick Star.

Gusto ko talagang matulog ng maaga ngunit hindi ako madala-dalaw ng antok. Maga-alas nuebe pa lang din naman kasi ng gabi at madalas na oras ko sa tulog ay alas-onse ng gabi. Kaya heto, napagdesisyunan ko na lamang magpahangin, na mukhang maling ideya dahil ang lamig ng hangin ngayon ay isang babala na mamaya ay bubuhos ang malakas na ulan.

Nag-unat ako't di nakatiis na maglakad, tuluyan ng lumabas ng bahay ngunit katulad ng pangako ko kay mommy ay hindi ako lalayo ng bahay. Sa tahimik ay hindi maiwasan ng isip ko lumipad papunta sa mga nangyari kanina sa school. Tinangka kong habulin si Shohei upang tanungin kung ano ang ibig sabihin niya, na totoo siya't pwede ko nang ihinto ang pagda-daydream, ngunit mabilis siyang nakatakas sa paningin ko. Nag-isip pa ako kung babalik ako sa classroom para hanapin siya ngunit pinili na lamang na hindi. Wala pa akong planong harapin ang mga taong kinutya-kutya ako kanina. Isa pa, alam ko namang pangangaralan ang mga 'yon ng mga seniors and professors namin.

Mapayapa na sana ang paglalakad ko nang may malakas na kahol na gumambala sa akin.

"Arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf!" nagtagpo na naman kami ng landas ng aso na hindi ko pa rin alam kung ano ang breed.

"Shut up, doggie!" pagpapatigil ko sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa pagkabilang tuhod ko at nag-bend ng konti para matignan siya nang mataman.

Ngunit hindi siya nakinig bagkus ay mas lamang niyang nialakasan ang pagkahol niya. "Arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf!"

"Nakakabingi na, ah!" nakapamewang kong singhal sa kanya.

"Arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf!"

"Anak ka talaga ng aso!" nagtitimpi kong ani ngunit ang animal ay mukhang natuwa pa!

"Arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf, arf!"

"Unli ka, p're? Unli ka?!" sigaw ko, naaalibadbaran na sa kanya.

"Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, Arf, !"

"Ay, nice talking, o!" Ginulo ko na ang aking buhok, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa–"Arf, arf, tigil na doggie, arf, arf!"–ginaya ko na lang ang aso. Baka sakaling magkaintindihan kami, hindi ba? I mean, it's worth a try kahit magmukha akong baliw, wala namang makakakita sa akin. Ngunit mas lalo lang 'ata sumidhi ang kung anumang emosyon ang namamayani sa asong 'to dahil bigla siyang lumapit sa'kin. Pakiramdam ko'y nag-walk out ang dugo ko sa katawan! Nag-panic ako, tumili't napapikit na lamang, pilit na tinatanggap na ito na ang katapusan ko, na hanggang dito na lang talaga ang edad ko, sayang dahil hindi kami nakapag-bonding ni Alexis, nagsisisi ako dahil ko nasabihan ng 'I love you' sina mama't papa kanina, kung alam ko lang na ito na ang–

"MOMMYYY!" hindi ko maiwasang itili, natumba ako sa kalsada at nang lumapat na ang dila niya sa pisngi ko ay tuluyan na talaga 'kong na-estatwa, nilalasahan na niya ang kanyang tagumpay. O, hindi. Hindi maari! "'WAG! MARAMI PA 'KONG PANGARAP SA BUHAY! WAHHH! SOMEBODY HELP!"

Claiming my RewardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon