Tasha AISAWAN
"Nak,Bilisan Mo Magbihis dyan malalate kana sa first day"
"Actually ma second day nato eh..Kinakabahan ako ma"
Humarap ako kay mama matapos ayusin ang butones ng blouse ko.
Kinakabahan naman talaga ako Baka kasi Awayin ako doon katulad ng dating school na pinapasukan ko."Pumasok ka para mag-aral hindi para makipag away.Lumayo ka nalang o kaya ipa-office mo"
Pagkatapos ay sinuot ko na ang bag ko at humalik sa pisngi ni mama.
"Hindi naman kasi ganun kadali yun ma,Sige na ma alis na po ako"
Paalam ko sakanya at sinara na ang pinto.Malapit lang Ang bagong school na papasukan Ko ngayong taon, walking distance lang yun iwas pamasahe pa.Hindi naman kasi kami mayaman.Pinapaaral lang ako ng boss ni mama kasi katulong lang ang nanay ko at ang tatay Ko..?
Ayun hindi ko sya nakilala medyo nobela pero buntis palang daw si mama iniwan na kami ni papa.Sabi Nag ibang bansa daw at may iba ng pamilya.Medyo mahirap Nga to eh naaawa ako kay mama halos 24 hours syang nagtatrabaho.Kaya subsob ako sa pag aaral ko ngayon para matulungan ko sya sakaling makatapos ako kahit hanggang grade 10 lang.
SCHOOL
Eto nanaman...
Mahigpit na Hawak sa Scarf...
Nakatungo..
Mabilis at parang May hinahabol na aso....Kung maglakad.
Kinakabahan nanaman ako..At nagmumukang weirdo...
"Andito din pala si bookworm hahaha!!"
"Book frog kamo'gurl"
"Hoy!"
Wag kang lilingon...
Gulo lang yan Tasha...
Gulo lang-----
"Ano?Kaylangan pang hilahin yung braso mo para lang humarap ka?ayos ah.Mayaman kana?"
Kung mayaman nga lang ako eh..Pinatulan na kita..eh ano bang laban ko sayo?!
"Hoy!wag mo'kong talikuran!bastos ka!"
"Ganyan talaga mahihirap Megs,Walang modo"
Mapapapikit na sana ako nang akma akong sasampalin ni Megan,Pero walang dumapong malakas na sampal sa mukha ko.Huh?
O___________O
Laking gulat ko nalang ng may humawak na sa kamay nya,Kaya Napatingin ako sa Pumigil sakanyan.
"Mga transferee palang kayo,Gusto nyo bang makick out agad dito?"
Isang babaeng matangkad..siguro Hanggang Balikat nya lang ako.Sexy at Maganda.May kasama syang Isang babae Na nakapony tail at sa ngayon matalim ang titig nito sakin.

YOU ARE READING
When Cinderella Meets Bell (On Going)
Teen FictionNakaramdam kana ba Ng kakaibang feeling?Yung feeling na hindi mo alam kung madi-disappoint ka sa sarili mo?Yung feeling na ayaw mo talagang maramdaman iyon pero hindi eh.Hindi mo kayang pigilin kasi yun ang totoo..Ang magmahal sa kapwa mo.. Kapwa mo...