TASHA AISAWAN"Ate isang beer pa nga oh!"
"Hey!ikuha mo nga kami ng yelo!!"
"Penge pa nga ng Lasagna dito!"
Ngayon alam ko na kung gano kahirap ang maging utos-utusan lang.
Naalala ko nanaman si mama...
Kamusta na kaya siya?Sigurado akong nag-aalala na yun!Atsaka 11:30 na ng gabi..
Gusto ko nang umuwi!*BOOOOGSHHH!!*
"Psh!ayusin mo naman kilos mo!Stupida!!"
"S-sorry..po..sorry po!"
Pasensya na aba!pagod na kasi ako!kayo kaya ang gawin kong utusan.
"Uhm..Kyla,itigil mo yan dito sa party ni Pat!"
Nanlaki nalang bigla ang mata ko ng makita ko si Renz.At mukhang ganoon narin siya sakin dahil nakita at nakilala niya ako gayong naka Pangkatulong akong damit!
Lagot!!!
"Wait---teka!" Bigla niyang hinawakan niya ang wrist ko'Tasha?' Dagdag niya at hinarap ang katawan ko sakanya.
"Tasha....bakit nandito kapa?at---atsaka--pano?!Bakit naka pang katulong ka?!"
Tumungo lang ako at Unti unting namula hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng Luha ko sa pisngi ko.
"Shhh...Okay kung ayaw mong iexplain maiintindihan ko,but for now*inhale,exhale*Sumama ka sakin"
Mahigpit ang hawak niya sa wrist ko at halos baliin niya na ang buto ko kaya sumunod nalang ako sakanya.
ROOFTOP
*BOOOOGSSHH!!*
"Gusto ko siyang makita ngayon!!....Bakit nya ginagawa sayo to Tasha?!"
Halos mag-sugat ang kamay ni Renz Kakasuntok sa pader dahil sa galit ng malaman niya ang tungkol sa deal namin ni Patricia.
"Wag,..okay naman ako dito isa pa may kapalit din to.Alam mo naman siguro na nahihirapan na si Mama? kaya ginagawa ko'to Renz"
Hinawakan ko siya sa kaliwang braso at pinigil ang pagpunta kay Patricia.
"Hindi ko maintindihan Tasha..bakit kilala mo ba siya?Hindi ka dapat magtiwala sa taong hindi mo kilala! so please....Stop this shitty Deal!!"
"Renz,Kilala din ba kita?diba last week lang naman kita nakilala?Pero nagtiwala na'ko sayo.Renz sana maintindihan mo at sana din walang makaalam nito!"
Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa at ramdam ko den na naaawa siya saken.Please Renz sana maintindihan mo
"Pero sabihin mo lang kapag may ginawa sayong di maganda yan.O kaya saktan ka,Hindi ko alam ang magagawa ko Kay Pat"
Nakasara parin ang kama-o niya at Namumula parin ito.
"Salamat Renz"
Nginitian niya ako pabalik at pagkatapos ay tumakbo na paalis sa rooftop.
Ngayong mag isa nalang ako ay Biglang nanikip ang dibdib ko,
Naaalala ko kase ang mga pang-aalipusta samin noon at pakiramdam ko nauulit ulit yun ngayon.

YOU ARE READING
When Cinderella Meets Bell (On Going)
Teen FictionNakaramdam kana ba Ng kakaibang feeling?Yung feeling na hindi mo alam kung madi-disappoint ka sa sarili mo?Yung feeling na ayaw mo talagang maramdaman iyon pero hindi eh.Hindi mo kayang pigilin kasi yun ang totoo..Ang magmahal sa kapwa mo.. Kapwa mo...