Chapter 4

1.7K 17 3
                                    

Today is the day to meet my friends Nere and Dara. Pupunta kami ng bar to enjoy kahit naman sobrang busy namin sa aming kanya kanyang trabaho may time parin kami para sa isa't isa. " kumusta lovelife natin?" Tanong ni Dara habang umiinom kami sa bar ng pinsan nya. " ZERO" sagot ko. Kwentuhan, tawanan, asaran at kung ano ano pa ang ginawa namin buhay single ika nga. " ah yong engineer pala na sinasabi ko sayo ipapakilala ko bukas" sabi ni Nere "ah okay, punta ka lang sa office any time my Dear" sagot ko. Gabi na ng nakauwi kami sleepover sa condo ko as usual busy na naman bukas sa mga trabaho. Kunabukasan maagang umalis ang mga kaibigan ko at ako prepare na sa trabaho. Alas 10 ng nag text sakin si Nere na mag lunch sa labas with the engineers na irerekomenda nya sakin. Nalaman ko na ang mga engineers na yon ay magkakasana sa iisang agency. Isang agency ng mga kilalang engineers. Sina Mr. Chui, Mr. Maur at Mr. Arzaga actually they are hot, malakas ang appeal, ano pa bang aasahan mo mga professional yan e. Pinagusapan na namin ang mga plano sa hotel na ipapatayo ko sa Palawan. Habang nag uusap kami may grupo ng mga lalaki ang pumasok. Grabe umuulan ng gwapo, seriously nakita ko ang kaibigan Kong si Nere na halos tumulo na ang laway habang nakatingin sa papasok na mga lalaki. The one with the cap get my attention, he looks familiar habang nakatingin ako sa kanya bumabalik ang mga ala-alang dapat kinalimutan ko na.Pota gusto ko siyang lapitan at sampalin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana, papalapit ang 3 lalaki sa table namin and to make it shortly magkakilala ang mga engineers na kausap namin ni Nere at ang mga lalaking paparating. "Bro, eating lunch here, sabay na kayo samin" sabi ni Mr. Chui sa mga lalaking dumating "sure, if it's okay with this gorgeous ladies?" Sabat ng isa. "Okay lang, sit down" sagot ni Nere. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi niya ako kilala kasi hindi niya ako pinapansin. " ah Ms. Ivy, meet our meet our friends sina Joe, Vince at Cris!" "Hi girls!". " hello" sagot ni Nere. Actually hindi alam ni Nere na siya si Cris na Ex ko kaya wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko ngayon. "Hi" simpleng sagot ko. "If you'll excuse me, restroom lang ako" paalam ko. "Me too" sabi ni Nere.

My Badass Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon