chapter 2

22 0 0
                                    

RACHEL’s POV

Thursday 3 pm, July 6

Last subject na! Film viewing lang kami ngayon kaya sobrang boring and nakaka antok talaga. Buti nalang katabi ko si Carlo as always. He is drawing something sa likod ng notebook nya while my head is on his shoulder. Sobrang inaantok na kasi ko eh.

“San tayo later?” tanong nya.

“Hmmmm.. ikaw? Where do you want to go ba? Kahit saan ako oks lang.” sagot ko naman. Di ko kasi talaga sure kung san ko gusto pumunta eh. And as of the moment blank yun utak ko sa sobrang antok. Hehe

“Wala naman kaming rehearsal ngayon eh. Punta nalang tayong mall! Kailangan ko pala ng damit para sa birthday dinner ni mommy mo.”

“Ay! Oo nga pala! I almost forgot! Buti pinaalala mo.” nagising ako kasi nakalimutan kong birthday na pala ni mommy. Wala pa kong dress at gift.  Every year kasi we celebrate it together. Nagdidinner lang kami sa labas ng kaming 2 lang. But this time my mom invited my bestfriend.  Ewan ko what got into her. Matagal naman na kaming bestfriend ni Carlo pero ngayon nya lang ininvite yun. Pero ok lang naman sakin! Gusto ko nga yun. I’ll be with 2 of the most important person sa buhay ko.

*bell ringing*

“Hay salamat! Uwian na din!”  sabi nya with matching stretching pa.

CARLO’s POV

Thursday 3 pm , July 6

After dismissal dumirecho na kami ni Rach dito sa mall. Hahanap kasi ko ng damit and gift na din para sa birthday dinner ni tita. First time nya kasi ko inimbitahan eh. Pag birthday nya kasi nagdidinner lang sila ni Rach.

“So ano ba dapat kong isuot?” tanong ko habang naglalakad kami sa mall. Aligaga talaga ko kasi hindi naman ako sanay magsuot ng pormal. Pero kailangan ko kasi naman syempre sa  isang 5 star hotel daw kami magdidinner. Nakakahiya naman kung naka shorts and shirt lang ako diba?

“Hmmm… magtux ka!hehe” pang asar nyang sagot.

“SERYOSO! Wala talaga kong idea kung ano susuotin ko. Ayoko namang magmukang bodyguard nyo.hehe”  sagot ko naman.

“Kain muna kaya tayo. Im hungry na talaga! PLEASE” sabi ni Rachel kasama pa ang paawang muka nya.

Makakahindi ka ba naman sa ganyang itsura. And cute cute nya pag naggaganun sya.

“OKAY FINE!” sabi ko. “Pag nakakain ka na tulungan mo ko ah!”

“OPO! YEHEY!” sabi naman ni Rachel.

Habang naglalakad kami at naghahanap ng kainan parang may natatanaw akong pamilyar na muka. Si ROOOOOB!!!!!  At kasama nya pa ang pinsan kong si Crissy. Di ko alam mararamdaman ko lalo na ang mararamdaman ni Rachel. Nagaalala ko para sakanya. Ayokong makita nyang magkasama yun dalawa. Alam ko na nakamove on na sya pero alam kong may konting sakit pa din.

Huminto ako at hinawakan ko yun braso nya.

“Rach, si Rob kasama si Crissy.” Binulong ko sakanya.

inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon