A Game Called Hell "One Shot"

49 7 0
                                    

"Adventures! Adventures! Adventures!” masayang sigaw ng limang magkakaibigan habang nakasakay sa isang itim na sasakyan. Balak nilang pumunta sa isang tagong bundok, na nadiskubre nila noong isang linggo.

Napatigil sila sa pag sigaw nang biglang huminto ang kanilang sinasakyan at bahagyang tumagilid sa gilid ng daanan. "Ano ba ‘yan Zac! Ano’ng nangyari?” reklamo ni Deford habang nakahawak sa noo nito na nauntog sa bintana. "Pasensiya na, napadaan tayo sa kung anong malalim, hindi ko mai- alis.” sagot ni Zac habang pinipilit parin paandarin ang sasakyan na ayaw parin umusad. “Saglit lang, lalabas ako at titingnan ko.” sabi ni Zac, dahil kahit anong paandar niya ay hindi sila maka-alis.

Pagkababa ni Zac ay napatingin siya sa paligid at agad niyang napansin na puno ng malalaking puno ang lugar na halos hindi na maramdaman ang init ng araw, ang lupa ay maputik at bako-bako.

Ibinalik nito ang tingin sa sasakyan at napangiwi ito nang mapagtanto nito kung gaano kadumi ang sasakyan lalo na ang gulong. “Hey, babe.” tawag pansin ng kasintahan ni Zac na si Suzanne. “Wag kang masiyadong magulat diyan. Papunta tayo sa bundok, dapat inasahan mo na ganito ang dadaanan natin.” pagpapaalala ni Suzanne sa kasintahan. “Tingnan mo na lang kung bakit ‘di tayo makaalis.” dagdag pa niya. Doon lang naalala ni Zac ang dahilan ng pagbaba niya. Napailing ito nang makita na nakabaon ang gulong ng kanilang sasakyan sa malaking bitak at maputik na lupa.

Bumalik siya  sa loob ng sasakyan at ipinaliwanag ang nangyari sa kaniyang mga kasamahan. “Nabaon ang gulong sa bitak na lupa at nakalubog ngayon ang sasakyan natin sa putik. Sa tingin ko ay mahihirapan tayong iangat ito dahil malalim ang pagkakalubog na halos lamunin na ang gulong natin.” dismayadong paliwanag ni Zac. “Ano ba ‘yan.” inis na sambit ni Max. “Dios Mio! Ayoko pa naman sa mga bitak ng lupa at putik.” inis na bulong ni Suzzane. “Tsk. Ano ba naman yan.” Inis na reklamo din ni Ella. “’Di bale, susubukan nating gawan ng solusyon.” mungkahi ni Deford dahil nakita niyang inis na ang mga kasama niya.

Bumaba ang apat na magkakaibigan habang naiwan naman si Max sa loob ng sasakyan at dumungaw lang sa bintana. Pagkababa ni Suzanne sa sasakyan ay lumapit siya kay Zac na mukhang dismayado sa nangyari dahil hiniram lamang niya ang sasakyan sa kaniyang tiyuhin. Binigyan naman siya ni Suzanne ng isang halik sa pisngi at tsaka ito ngumiti ng matamis upang gumaan ang pakiramdam niya. Ngumiti naman siya pabalik at hinawakan sa bewang ang kasintahan niya. Nakamasid lamang sa dalawang magkasintahan ang dalawang pares ng mga mata. "Akin ka lang, humanda ka." palihim na bulong nito habang nakatingin kay Suzanne.

Sumipol si Deford, at naagaw naman nito ang atensyon nilang lahat. “Guys, mukhang imposible. Kailangan na nating tumawag ng tulong.” sabi niya habang nakatingin sa gulong ng sasakyan at nagkibit balikat sa iba.

“Subukan nating tumawag kay Manong Lambert para makahingi ng tulong” sabi ni Max at kinuha ang kaniyang telepono at lumabas na rin ng sasakyan. “Pero, walang signal.” dugtong niya habang nakatingin sa kaniyang telepono at itinataas ito upang makasagap ng signal.

“Ano?” tanong ni Suzanne at sinimulan din tingnan ang cellphone niya, tinaas din niya ang cellphone para subukan na sumagap ng signal, ngunit kagaya ng sinabi ni Max ay wala nga siyang nasagap kahit isang liniya man lang.

“Anong plano natin? Tutuloy pa ba tayo o maglalakad na tayo pabalik?” tanong ni Ella sa lahat at nagkaron ng saglit na katahimikan. “Siguro mas maganda kung sa loob muna tayo ng sasakyan hanggang sa makasagap tayo ng signal.” mungkahi ni Zac. “Maghihintay tayo? Kung walang signal sa lugar na ito, kahit anong gawin natin ay hindi tayo makakasagap. Mabuti pa tumuloy na lang tayo kahit wala tayong sasakyan. Balikan na lang natin ang sasakyan natin pagkatapos. Hindi naman yan mawawala dito.” suhestyon ni Ella na halatang sabik na sabik nang pasukin ang liblib na kagubatan. Tumango naman ang lahat sa suhestyon ni Ella. “Gusto natin ng adventure diba? At tsaka yun lang naman ang ipinunta natin dito. Ituloy na natin, kung saan tayo dalhin o mapunta.” kumbinsi niya pa sa mga kasama.

A Game Called Hell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon