Chapter 1

22 2 0
                                    

Jennah's Pov

Eto ako ngayon. Nakatulala na naman. Iniisip na naman ang mga nangyari...

Flashback

"Jennah, ayaw ko na." Sabi sakin ni Bernard.

"Ayaw saan?" Tanong ko.

"Tapusin na natin tong relasyon na to." Sabi ni Bernard.

"Bakit? May nagawa ba akong mali?" Tanong ko at sunod sunod na tumulo ang luha ko kahit hindi ko pa alam ang dahilan.

"Wala. Ayoko na, pagod nako." Sagot ni Bernard.

"Bernard, wag naman ganito, oh." Sabi ko.

"Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Tapos na tayo." Sabi niya at tuluyan nang umalis.

End of Flashback

"Ang lalim na naman ng iniisip mo kapatid." Nagitla ako ng magsalita si Kuya.

"Wala to Kuya, may naisip lang ako." Sabi ko sakanya.

"Oh come on! Tell me." Sabi niya. Pagkulit talaga ng Kuya ko. Kaya ayaw kong nakikitang malalim ang iniisip eh.

"Wala nga sabi, Kuya! Pagkakulit mo naman eh." Pagmamaktol ko.

"Hay nako, kapatid. Bahala ka na nga dyan, tutulog muna ulit ako." Sabi ni Kuya at umalis na nang veranda.

Galing din ng kapatid ko eh, kakagising lang tas tutulog ulit. Matinde ang sapak ni kuya, charrr.

"Nak, maligo kana at pupunta tayo ng mall." Sabi ni Mama.

"Sige po, Ma." Sagot ko at nagpunta na ng kwarto para maligo. May banyo ang kwarto ko kaya walang problema.

***

"Nak, mauna kana sa grocery, nag text kase ang tita mo abangan ko daw siya sa entrance." Sabi ni Mama.

"Sige Ma. Text nalang po kita kung nasan akong section hah?" Sagot ko at tumango naman siya. Binigay nya ang listahan at pera at umalis na.

Pagkapasok ko ng grocery ay kumuha na ako ng push cart.

Nagpunta muna ako sa section nang tinapay.

Nang tingnan ko ang listahan, ay nakita kong nasa kabilang dulo pa ang tinapay na bibilhin ko kaya nagpunta ako doon.

Nang naglalakad na ako, ay nay nahagip ang mata ko.

Napatingin ako sa isang lalake na may kasamang babae.

"Pili ka pa ng gusto mo." Sabi nung lalake.

"Sige, Bernard." Sabi nung babae. Oo, si Bernard nga.

Sa dinami dami ba naman ng tao siya pa ang makikita ko?!

Lalong sumakit ang puso ko sa nakikita kong ito.

"Anak. Kanina pa ako tumatawag sayo." Nagitla ako ng makita ko si mama, kasama na niya si tita.

"Pasensya na po, diko narinig." Sabi ko.

"Umiyak ka ba anak?" Nagitla ako sa tanong ni mama. Umiyak ako?

"Hi-hindi po Ma." Sabi ko.

"Pe-" Napatingin siya kung saan ako nakatingin. "Halika kana, Nak. Sa isang araw nalang tayo mag grocery." Sabi ni Mama at umalis na kami ng grocery.

Galit si Mama kay Bernard dahil nga sa nangyari.

Kaya nung nakita ni Mama si Bernard kanina? Sisiguraduhin nya, hinding hindi ko makikita si Bernard kahit kailan.

Mukha ngang, naka-move on na siya sa nangyari samin eh...

Eh, Ako kaya?

Kelan ako makakapag move on sa kanya?

.................

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon