Isang malagim na gabi. Dalawang taong walang patutunguhan...
Saan sila pupunta?
Panganib sa kanilang nakaambang ay hindi nila alam. Paano na?
Bubuhayin kaya sila ng pagkakataon o lalamunin ng isang masalimuot na pangyayari sa kamay ng isang TAONG...
[CAINTA, RIZAL]
Helen's POV
"Ang dilim na, alam mo ba talaga yung daan, babes? Naliligaw na yata tayo." sabi ko sa boyfriend kong si JV.
Nandito kami ngayon sa isang lubak-lubak na highway na halos walang ibang sasakyang dumadaan. Idagdag pa ang kasalukuyang oras ngayon...
11:05 PM
Hindi na nakapagtataka na parang kami lang dalawa ang bumabagtas sa kahabaan ng highway na ito. Nakakatakot ang lugar at madilim dahil walang mga poste ng ilaw. Nasaan na ba kami? Kilala ang Cainta sa buong bansa bilang lugar na pinamumugaran ng mga aswang at kung anu-ano pang mythical creatures pero walang makapipigil sa aming puntahan ito.
Kailangan kong makita ang tunay kong mga magulang...
"Saglit lang, babes ko." tugon sa akin ni JV. Itinigil niya muna ang sasakyan sa tabi ng daan tapos may kinuha siyang envelope sa ibabaw ng dashboard. Tingin ko nandun ang mga papeles na nag-lalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga magulang ko.
Kumuha si JV ng Private Investigator para mahanap sila. Limang taon na kaming magkasintahan at isang buwan mula ngayon ay ikakasal na kami kaya kailangang makita ko na ang tunay kong mga magulang. Kailan ko lang nalaman na ampon lang pala ako. Masakit pero iyon ang katotohanan.
"Hmmm. We're still on track. Medyo secluded na kasi itong part ng Rizal kaya walang ibang sasakyang dumadaan dito. Everything will be alright, babes. Trust me." pag-aalalo niya sa akin matapos basahin ang nakasulat sa papel.
Nabawasan naman ang kaba ko kahit papaano pero talagang nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi ko alam pero masama ang nararamdaman ko. Paano kung may biglang magsamantala sa amin? Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko. Matapos namin kasing matanggap ang report ng P.I. ay inaya ko agad si JV na puntahan ang mga magulang ko. Kung maibabalik ko lang...
Sana ipinagpabukas na lang namin ang pag-biyahe...
Sana wala kami ngayon sa sitwasyong ito kung hindi dahil sa akin...
SANA...SANA...SANA...
BINABASA MO ANG
Death Road (Short Story)
Mystery / ThrillerIsang malagim na gabi. Dalawang taong walang patutunguhan. Ano ang kahahantungan? Panganib sa kanilang nakaambang ay hindi nila alam. Paano na? Bubuhayin kaya sila ng pagkakataon o lalamunin ng isang masalimuot na pangyayari sa kamay ng TAONG...