Chapter 6 - SECRET .

677 18 0
                                    

WALANG IMIK na kumakain sila cheska  habang pinapakiggan ang pangaral sa kanila ng mommy niya, Kaharap niya si courtney habang katabi naman nito si yaya bellen, Sa tabi niya ay si luis na walang imik ding kumakain na nakikinig,"You two are already teens, But you act like you aren't, Malalaki na kayo mga anak, Jusko.." Litanya ng mommy nila bago tumayo.

"I'm going na nay bellen, Kayo na munang bahala sa dalawang yan..." Tinapunan sila ni courtney ng tingin.
"And both of you, Dalian niyo na dyan, baka ma late kayo..."

"Ingat po tita.." Sabi ni luis na nginitian naman ng mommy niya, Nag paalam na ito at lumabas ng bahay.

Kasunod nito ang kapatid na si courtney.

Napabuntong hininga si cheska, Akmang liligpitin na niya ang pinagkainan ng pigilan siya ni yaya bellen. "Ako na hija." Tumango siya bago nagtungo sa sala at naupo, Tinabihan naman siya ni luis, "Hay nako, Your sister is acting childish..." sabi ni luis .


"Hayaan mo na, Baka mas lumala pa e." sabi na niya lang.

"But wait, I wonder kung bakit andito pa yung box kung na deliver naman na pala yun kay tita josephine, Its something weird.." Napabaling siya kay luis. "Ha? what do you mean?" tanong ni cheska.

"Nah, Just dont mind me, May pasok ka pa ah.." Tumayo siya at nag paalam kay luis pagtapos maligo ay inabangan niya si ela sa labas ng bahay nito. " best! megaaad! Me kwento ako sayo hihi, Me sasabihin ako sa'yo dali!" Excited na tumitili pa si ela bago sila naglakad papunta sa walden.

"Ano yun?" Curious niyang tanong.

"Eihh, Kasi me nakita akong--". 

"T-teka nga, anong me me me? tsk! wag ka mag alien language dyan, nako ah!"

"Hehe sorry, Eto na nga kasi kahapon diba? Nag deliver ka sa tita mo? Then nag mall ako mag isa! hahaha tapos may nakita akong airmax! maygad alam mo ba kung magkano, 12,500 tapos may discount pag sumali hihi...." Tumaas ang kilay niya, Wala namang interested sa sinabi ng kaibigan.

"Oh, Tapos?" Nameywang ang kaibigan niya."Grabe! sa dami ng sinabi ko yun lang? Ito na nga gusto ko talaga yung airmax eh, Gusto ko yung makuha." Sabi ni ela, Lalong tumaas ang kilay ni cheska. "Mayaman ka uyy! Barya lang sayo yun..." Sabi niya at ng makarating sila sa gate ng walden pinigilan siya ni ela na pumasok.

"Wait lang kasi... Eih nagamit ko na allowance ko e, Hehe meron akong 6k kulang ng 6,500, may discount naman siya, Ayun ay kung sasali tayo sa...." pabitin pa nito.

"Sa Cosplay!" Humagikhik pa si ela pagtapos, Nag isang linya ang kilay niya

Seriously cosplay?

"Ayaw ko nga! haha halika na nga ma l-late na tayo!" Nakita niya ang pag nguso ng kaibigan at kahit papalapit na sila sa classroom ay kinukulit pa din siya nito.









BORING, ayan lang ang masasabi ni dean dahil wala pa ang lecturer nila, Rinig na rinig niya ang kwentuhan ng dalawang babae sa harap, Si ela at ang bestfriend nitong si cheska.

"Sige na chess! arte neto! its just a cosplay!"

"ayokooooo!"

"Ang arte naman e, Sige na promis--" Tumayo na siya dahil naiingayan na din siya sa daldalan nito at lumabas siya ng classroom at nakasalubong si rina, Ang flavor of the month niya nung nakaraang buwan, Nanatiling walang emosyon ang mukha niya ng lumapit ito sa kanya.

"Babe, bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Didn't you miss me?"

"Get away from me.." sabi niya at tinanggal ang braso nito sa beywang niya, Hinabol pa siya nito pero mas binilisan niya ang lakad, Nang makarating siya sa mga bench ay madami ding studyante, Siguro ay wala din ang mga lecturer nito.

"--Sasali ka ba? me! i want a sexy costume!"

"Yuck di bagay sayo! hahaha!"

"Parang sayo ah? bagay ba? Tek, Im excited na talaga!.." Napakunot ang noo niya, Cosplay? Parang ito din ang narinig niyang pinag uusapan ng maingay na mag kaibigan kanina? Tsk .

Akmang tatayo na siya sa bench ng marinig niya ang kwentuhan sa tabi.

"Dean will fit if he cosplay Usui! yieee, Bagay na bagay yun sa kaniya kasi he have the eyes you know? Napakasungit ng mata niya uwWuuuuu!"

"Oo ang gwapo gwapo niya.." the girl says dreamily.

Umalis na siya, Wala bang tahimik na lugar kahit sandali? but the cosplay thing? why i became interested anyway?  i dont care!

Nang makabalik siya sa classroom ay wala pa din ang lecturer nila, Halos karamihan ay nadidinig niya ay tungkol dun sa cosplay, Its irritating him.

"--San ba gaganapin?"

"Sa fishermall nga! Its gonna be fun!"

"What's the price by the way?"

"Just an...Airmax yeah... i can afford but i want to win, You know you can be famous if you won...."

Maaarteng sabi ng iba sa classmates niyang babae, He dont know if its a blessing in disguise nang dumating ang lecturer nila o hindi, It's boring, Damn it.











HANGGANG sa makasakay sila sa kotse ni luis ay kinukulit pa din siya ni ela, Pero nang bumaba sila sa kotse ay wala na itong imik, Baka napagod na din siguro, Nang maihatid na nila si ela, Inihinto naman ni luis ang kotse sa tapat ng bahay, Nagtaka siya.

"Di mo ipapasok tong kotse?" Cheska asked.

Napabuntong hininga si luis bago tumingin sa kaniya, "Sorry for saying this, Wala lang talaga akong mapagsabihang iba...." umurong siya unti at tumingin dito. "Problem? " Cheska asked again.

"Yes, Remember kung bakit ako umuwi dito sa pinas?" Napakunot ang noo niya.

"Hm,Yes, that arrangement thing? ano bang sabi nila tita?"

Parang may gustong sabihin si luis pero di nito masabi, Parang may tinatago ito at  bakas sa mukha nito ang pagod, Naawa siya sa kalagayan ng binata, Pinipilit itong ipakasal sa iba.

At alam niyang nahihirapan ito, Even tho di niya alam ang pakiramdam nun pero being luis's childhood friend ay alam niyang nahihirapan ito.

"Nakita mo na ba yung future bride mo?" Tanong ni cheska nakita niya kung paano nataranta si luis bago nagsalita.

"Y-yes, Nakita ko na.'' Luis said as if parang may iniiwasan itong sabihin.

"Lika na baka andyan na si tita.." Pinausad ni luis ang kotse , at ng makababa sila sinalubong sila ni yaya bellen.

Bakit kaya ganun nalang ang inasal ni luis di kalaunan? Naaawa siya sa kalagayan ng childhood best friend niya dahil kahit naman sino ay mahihirapan sa kalagayan nito.


BOOK 1:Secretly Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon