Chapter 15 - THE TRUTH .

500 6 0
                                    

HINANG-HINA si cheska habang inaalalayan siya ni ela papasok ng bahay, Hanggang sa makaupo, Nag alala din sakanya ang kaibigan kaya sinamahan muna siya nito, Inabutan sila ng tubig ni manang bellen at bakas din sa mukha nito ang pag aalala.

"Anong nangyari hija?"

"M-mahabang kwento po e--"

"Manang andyan po ba si courtney?" Putol ni cheska sa sinasabi ni ela.

Nagtataka namang tumango si manang.

"Nasa taas hija.." Sakto namang pababa ng hagdan ang kapatid at para bang nagulat pa ito ng makita siya, Nagpalipat lipat pa ng tingin sa kanilang dalawa ni ela, Akmang didiretso na ito sa kusina ng tumayo siya at hinawakan sa braso ang kapatid at paharapin, Yinakap niya ito ng sobrang higpit.

Cheska hugged her sister...Again for how many years...

"W-what the--" Hindi makapaniwalang usal ni courtney, Nakamasid naman si ela at manang sa kanila, Si manang ay naguguluhan samantalang si ela ay hindi maintindihan ang ekspresiyon na nasa mukha nito ngayon.

"S-sorry, Hindi ko a-alam ang pinagdaanan mo! Im useless, Im so useless!" Umiiyak na sabi ni cheska habang nakayakap sa kapatid, Bahagya naman siyang inilayo ng kapatid.

Naguguluhan ito.

"A-ano bang sinasabi mo?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap at nagpunas ng luha, "A-alam ko na lahat, Sinabi s-sakin ni luis, Lahat lahat...." Umiiyak ngunit nakayuko nitong sabi, Naghahalo halo ang emosyon niya, Pakiramdam niya ay napaka wala niyang kwentang anak at kapatid...

"That guy..." Dinig pa niyang sabi ni courtney, "This is the reason why i don't want you to know! Damn it!" Nagpupuyos sa galit ito na pinagtaka niya .

'bakit ayaw ba niyang malaman ko?! And what reason is she saying?!' Nahihirapan nako!!

"Ayoko munang pag usapan 'to.." Sabi ni courtney at nagmamadaling lumabas ng bahay, Saglit pa ay nakarinig sila ng papalayong sasakyan.

Nasapo nalang ni cheska ang ulo dahil sa sakit nito, Sobrang dami niyang nalaman na gusto niyang maintindihan pero ayaw maintindihan ng utak niya, Sobrang sakit na parang sasabog ito anumang oras.

'Ano bang dahilan mo courtney?! Masyado kang nagpapakabayani! 'wag mong sarilinin lahat dahil hindi ka bayani! Pakiramdam ko ay napaka walang kwenta kong tao dahil habang naghihirap kayo ni mommy habang ko wala man lang nagawa!'













KASALUKUYANG nag d-drive si luis pauwi ng mag ring ang phone niya.

'its courtney....'

Sinagot niya ang tawag, "Hello?..."

[M-magkita tayo sa resto sa harap ng village..]

Nanginginig ang boses nito sa kabilang linya.

Hindi alam ni luis pero pakiramdam niya ay napaka importante ng pag uusapan nila ni courtney.

"Sige.."

Saglit pa ay ipinark niya ang kotse sa harap ng Sunny Dun's Eatery at bumaba ng kotse, Pagpasok sa loob ay hinanap agad ng mata niya ang dalaga na nakita niyang nakaupo sa dulong parte ng kainan, Walang emosyon siyang umupo sa harap nito, Kinakabahan din siya.

Frustrated ang mukha ng dalaga at halatang stress ito, "I've told you already  wag na wag 'mong sasabihin kay cheska, Ngayon alam na niya, Lahat! At sino ang pwedeng magsabi sa kaniya? Wala ng iba kung hindi ikaw luis! Ikaw! Tanginang buhay yan!.." Umiiyak na sabi ni courtney... Luis is shocked for the moment , Gone the strong and savage courtney, All he could see right now is a girl who looks.. so vulnerable...


BOOK 1:Secretly Loving You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon