Masmadali sabihin sa isipan
Parating na siya, paano kaya?
Bawat segundo, bumibilis
Mga salitang di pumupuslit
Hindi niya man alam
Gusto mong makita ka
Bumibilis, daloy ng oras
Pero nakahinto aking landas
Wala namang pumipigil
Maliban sa sariling walang nakikinig
Hindi masamang hindi sabihin
Ngunit matagal na, di pa din umiimik
Nandito na siya...
Hi! (ang sabi ng isipan mo)
Walang masabi, di nagsasalita
Puros isip, walang magawa
Simpleng bati, takot masabi
Tumitig man lang,
di naman yun masama
Paalis na siya, paano na?
Lilipas nanaman, bukas kaya?
Bakit di ko masabi, kahit walang nakataya
Usap nga di magawa,
Maging kami pa kaya?
YOU ARE READING
Sayang
PoetryMga Salitang di mo nasabi sa crush mo dahil duwag ka. Sayang di mo nasabi, ikaw kasi ang duwag mo.