Here Comes Trouble!

138 2 5
                                    

                                                       "GESABEL's POV"

"ANO'!@##", napatayo ako sa kina-uupuan ko at nakahampas ang aking mga kamay sa mesa,

"So ganun lng kadali ang 9 months sa'yo?! hah?!", sabi ko habang tinuturo ang aking daliri sa mukha ang kumag na makapal ang mukha na lalaking ito...

"Sorry lang po....! di lang po tagalaga ako sanay magkaroon ng gf na mas matanda sa'kin..!", arghhh talagang I-emphasize pa?! -_-# ganun?!

"Alam mo? Hindi naman ako galit eh..", the pride Gesabel! I-push mo yan ! kalmadong sabi ko

,"...ang dami-dami kayang mga lalaki sa mundo. Meron nga akong reserba eh...", pagmamayabang ko, eto na eto parang sasabog na ako nako!! patay kang bata ka!

," Pero ang kinaiinisan ko lang hah..... AY BAKIT SA MONTHSARY PA!@##$ ", galit na sinigaw ko sa mukha nya, wala akong pakialam sa mga tao dito kahit alam ko pinagtitinginan na kami..

"Alam mo, sawang-sawa na ako sa'yo! BREAK NA TAYO!", huhu T_T sabay walk-out with all my pride, ~_~# lahat ng paghihirap ko nawala na!

"Talaga po!?", tuwang-tuwa naman nyang tinanong, walang hiya ka! pina-asa mo lng ako! 'pano na lahat ng mga gifts ko!!! mamahalin yun kahit mahirap lng ako..

"... at tsaka po nakalimutan ko,", hmmm? ano kaya yun? 'saka ko naman sya nilingon,

"...eto po oh, mga gifts nyo~! :)", himala! pano nya nabasa utak ko? anyways I don't care! pero talagang napupuno na ako sa mga pa-PO PO nya ha... kaya naman binanatan ko na para tagos sa mga laman nya, kahit di naman. -_-

" Nung tayo pa 'di mo naman ako pino-PO ah.. 'Sus parang 3 years lang agwat natin...", ayan na naman ako talagang mahilig magtago ng nararamdaman, *go with the Pride Gesabel!* sabi ng utak ko,

"... and oh, about da' geft you can tik et. I got so meny at home 'dat I don't nid dat one... many",  tik dat on you pace! haay, boba talaga ako pagdating sa English..  tuluyan naman akong lumabas sa restawran nang iiniwan syang mag-isa don' *bahala ka dyan! ikaw naman ang magbayad ng mga pagkain!* sabi ng mind ko 

~~~~~~~~~~

Isang tahimik na kalye ang nadatnan ko kung saan sinisipa-sipa ko ang isang maingay na lata ng sardinas habang nagmumuni-muni sa mga nangyayari; sa aking mga problema,

"BAKIT BA NAPAKA-UNFAIR NG MUNDO!@~#$%", Haay~! Eto na naman ako, napasigaw tuloy sa sobrang pag-iisip ng mga hinanakit ko sa buhay,

"Argghhhh!", at saka ko sinipa ng malakas ang lata dagdag ng pagkainis ko...

*eennggggg....*

*TUGGSHH!!*, hmmm.... malakas yun ah? ganun siguro ang resulta ng Adrenalin Rush magiging ala-superman ka~!.. Patuloy naman ako sa paglalakad ng malumanay..

*PEEPPP!!!!*,

"AY TUSTADONG PALAKA!", anu ba yan!?

"Hindi po kasi ako bingee!", sarcastic kung sigaw sa nagbusina, kainis panira ng trip!

"Mabuti naman....! kasi kanina ko pa po kita tinatawag miss eh, 'kala ko tuloy bingi ka kaya binusinahan na lang kita, hiya naman po ako sa'yo taas ng pandinig nyo... Ah maiba lng, Sa'yo po ba toh?!", mahinahon na parang nagpipigil ng galit ang sabi ng lalaking duguan ang ilong sa harap ko at sabay halad ng kamay nyang may hinahawakang lata na naka-smile. *parang fake smile -.-" tsk*.. teka..pamiliar toh ah?

"Sabi ko nga eh,ehehe pamiliar kasi ang latang 'yan, ay OO akin nga yan, hehe :), sinisipa-sipa ko kasi kanina yan medyo nalakasan lang dahil sa sobrang pag-iisip sa mga problema ko.. :)", mabuti pa 'tong taong toh kahit duguan na ang ilong nakuha pa'ring magin honest, akalain nyo yun? binigay pa ang lata sa'kin ng personal, *pshh hangang-hanga ako sa'yo, IDOL!* , sabi ng utak ko

"Pwes, TUSTADONG PALAKA KA! kailanagan mong bayaran lahat ng damage na ginawa mo, kabilang narito ang gasolina dahil kaka-karga ko lang!", sabi nya sa mataas na tono

"Ako?", lumingon naman ako habang tinuturo ko ang sarili ko na inosente para maka-panigurado sa mga bwelta nya sa'kin,

"...wala akong dapat pagbayaran noh!", depensa ko habang naka-cross arms

"Sabi mo sa'yo 'tong lata na'to at napaka-obvious naman na hindi magiging sa'yo to DAHIL, huh, IKAW LANG ANG TAO SA KALYE Dito! Alam mo ba na maraming tao ang halos nang mamatay dahil sa PINANGGAGAWA MO?!!@#", galit na bwelta nya, ok parang kinakain ko na lahat ng mga sinabi kong magaganda sa 'kanya katunayan nga eh linulunok ko na....

*PATAY! ANG BOOBA MO TALAGA!*, sabi ng utak ko

"Ahh hehehe (^_^) akin pala 'yan 'di ko kasi namalayan,", nasabi ko na lang habang kinakamot-kamot ang batok ko... haay! mahina talaga akong humanap ng rason

"It's either you'll pay all your damages cause or suffer the consequences..:, sabi nya habang naka-crossed arms..

"I mean just look at my car!,", dagdag nya habang hinihimas-himas ito na parang aso ,"...it got scratches on it!!", OA naman nito.. parang sa gasgas lang...

"Ano bang brand nyan? mahal na mahal mo ata", tanong ko habang humahanap ng lusot

"Well for your information it's Ferrari f430, and you can only buy those outside the country! now if you don't have money, you'll suffer the consequences!", pananakot nya at syempre natakot rin ako... at sa wakas naka-tapos nang mag search ng tamang lusot ang magaling kung utak kaya naman..

"Uy! paru-parong may pakpak!", sabi ko habang tumuturo sa langit sa wala..

*TANGEE!* sabay batok ng utak ko sa'kin *Kahit Kailang talaga ang BOOBA MO..* sabi nito, *Will SOry Naman po!* banat ko naman *Wag ka na ngang mag-English! 'di naman bagay sa'yo* suway nito

"Seriously?! That's your escape plan?! That's so LAME", nabalik ako sa realidad nang sinabi nya ito nang may pagkadismaya.. Sorry hah 'di kasi nakakatulong utak ko sa sitwasyon ngayon!

"Ah hehehe",sabay kamot sa batok ,"HUh? May Pulis na agad?", sabi ko habang nakatingin sa tagiliran nya at tsamba! dahil lumingon naman sya.. I tuk an I-step backwards and one more.. then ay dali-dali run!

"HAHA!", sabi ko habang nilalanhap ang simoy ng kalayaan!

Kailangan ko na ngang tigilan ang pagii-inglis

XXX

So here's the first part guys hope you like it ^_~  *winks*

sorry for some wrong grammars!, tamad kasi akong mag-edit eh XD

X

Bem <3 

12 Days of Agreement [EXO Fandom] Short Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon