Caina's POV
Wahhhhh ang pogi ng bagong pasyente !! Bigla akong napasigaw ng makita ko ang patient chart ng bagong pasyente. Ang pogi kasi niya dito sa 2x2 picture niya !! Wahhh the feels I have right now is OMG !! xD Mabasa nga ang buong profile ng lalaking ito ..... BLAG !!!
Bigla kong nabagsak ang folder dahil nagulat ako sa pagdating ni Mommy. Ano ba yan si Mommy bigla nalang lumilitaw at wala man lang signal para di naman ako magulat ng ganito.
"Caina bakit mo pinapakealaman yan! Pano kong mawala mo yan? Pano kung mapunit mo yan?" tanong ni Mommy
"OA mo naman Mommy binabasa ko lang naman !" agad kong sagot
"Kahit na! Importanteng Files yan dito! Dahil kung mawala mo yan, napakalaking problema niyan!" galit niyang sabi
Di nalang ako sumagot. Sino naman kasi yang lalaking yan at importante siya. Sayang naman at di ko nabasa yung patient chart niya ang pogi pa naman niya ! Wahahahahaha !!
Nakakapagtaka. Ano kaya ang sakit niya?
Nang makauwi na kami. Pumasok agad ako sa kwarto ko at diretso sa kama !! Namiss ko kasi yung kama ko ! Ang sarap talaga humiga ! Hayyy Nakakapagod din kaya kahit wala kang ginagawa !
...............
"Caina gising na! May pasok ka pa!" panggising sa akin ni Manang Loring
"Uhhh... Wahhh... Ayoko pa.... Mamaya na... antok na antok pa ako......" sagot ko habang umiinat
"Caina Malelate kana 7:00 na 8:00 pa pasok mo. Tayo na." sabi ulit ni Manang Loring at umalis na sa kwarto
Ano ?? Nakatulog pala ako bigla kagabi. Di man lang ako nakapagtoothbrush at nakapagbihis ng pantulog. Ano ba yan !! Hmmppppp.. Medyo Bad Breath si ate -__-
Grabe naman yung panaginip ko. Nakakapagtaka at nasa panaginip ko yung bagong pasyente nila Mommy.
Hmmmm nacucurious tuloy ako sa lalaki yun.
Nandito na ako sa school ko ngayon. Guess what hindi ako makapagconcentrate ngayon dahil hindi matanggal sa isipan ko ang poging bagong pasyente >o< Umaatake na naman si kaharutan.
Maka-upo na nga. Nang biglang dumating ang isa kong maharot na bestfriend.
"Hoy Caina !! Ano na namang kaharutan ang iniisip mo dyan?" sabi ni Catalyna
Kakakita lang namin ngayong araw na ito at yan ang tanong naiibungad niya sakin. Magaling !! -__-
Si Catalyna Ronquillo ay friend ko since birth. KAya siya ang bestfriend ko. Kapitbahay ko din kasi siya at halos sabay kaming pinanganak isang araw lang ang pagitan. Tsaka magkakaibigan ang pamilya namin kaya close na close kami lalo na at parehas kami ng taste.
"Kaharutan agad?! di ba pwedeng nagmuni-muni lang?" pang-inis kong sagot
"Eh ano ba ang dahilan ng pagkatulala mo diyan?" tanong ni Catalyna
"Wala !!" agad kong sagot
"Oyy !! Inlove si Caina. Magkwento ka naman." pangungulit ni Catalyna
"Inlove ka diyan!! Di kaya!! Magcocomeback na kasi yung isang Kpop Group at wala akong pera!" sagot ko para maiba ang topic kasi hindi yan titigil sa pangungulit.
"Aysus! Ikaw mawawalan ng pera eh kayo nga ata ang pinakamayaman sa lugar natin!" pagtataka ni Catalyna
"Ay sige una na ako Catalyna may pupuntahan pa ako eh." sabi ko para makaiwas sa kakulitan niya pero wala naman talaga.
"Yiee !! Inlove na ang bestfriend ko !! Hart Hart !!" pahabol niyang sigaw
Tsk. Ang ingay talaga nang bestfriend ko na yun. >___<
Kailangan ko sumama kay Mommy sa Saturday! Gusto ko talaga kumain este malaman yung pangalan ng poging pasyente nang ma-add ko na siya sa Facebook #KalandianStrikes. Sorry gutom na kasi ako di pa kasi ako kumakain eh nakalimutan ko kakaisip sa lalaking yun.
Bakit kaya di siya matanggal sa isipan ko kahit hindi ko pa siya kilala?? Ito na kaya yung sinasabing LOVE or baka GUTOM lang talaga to ?? Makakain na nga !!
BINABASA MO ANG
Loving a Comatose Man
JugendliteraturThe story is about a girl who fall in love to comatose boy without knowing anything about him. She will face different challenges that will test his love for the boy. Will she surpass it? Will it be a happy ending for both of them? Author's Note: ...