Jiro's POV
Sobrang saya ko dahil kasama ko na ulit ang babaeng mahal na mahal ko.
Kahit matagal kaming nagkawalay sa isa't-isa ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang pagmamahal na nagsimula sa simpleng pagkakaibigan namin.
Ang masaklap doon ay ang tingin lang niya sa akin ay isang matalik na kaibigan.
Ang pagbabalik ko dito ay may dahilan. Isang malaking dahilan.
Noong nasa Japan pa ako ay sobrang napakalungkot ko dahil gustong-gusto ko na makita si Caina.
Sa sobrang gusto ko siyang makita at makasama habang buhay ay ang dami kong ginawang paraan.
Gumawa ako ng paraan upang mapabagsak ang kompanyang kung saan nagtatrabaho ang Daddy ni Caina.
Ginawa ko yun dahil alam ko sa amin siya tatakbo upang manghingi ng tulong dahil sobrang bait ng pamilya ko sa kanya.
At yun nga sa amin siya nanghingi ng tulong. Nagwowork ang mga plano ko.
Tinulungan namin siyang makabangon pero sa isang condition.
IKAKASAL KAMI NI CAINA !!
Nung una ayaw pumayag pero dahil sa kahirapan na dinaranas niya ay pumayag din siya.
Alam na din ni Tita Lexie na ikakasal na kami ni Caina.
May isa pa atang balakid para hindi matuloy ang kasal namin.
Yung Chadrick na yun. Ito namang si Caina kung sino-sino nagkakagusto at sa taong Comatose pa.
Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi siya ang maging dahilan ng hindi pagtuloy ng kasal namin ni Caina.
Nandito pala kami ngayon sa park kung saan kami dati naglalaro ni Caina nung mga bata pa kami.
Dito ako magpopropose sa kanya at ngayon yun.
"Caina diba mahal mo ako ?" tanong ko sa kanya
"Syempre naman kaibigan kita eh." sagot niya sabay yakap sakin.
Sobrang higpit ng mga yakap at di ko napigilan ang sarili ko kaya hinalikan ko ang noo niya.
Nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti lang siya.
"Caina may sasabihin ako sayo." sabi ko
"Ano ?" tanong ni Caina
"Will you marry me ?"
"Pero Jiro bata pa tayo. Tsaka .."
"Kaibigan lang ang tingin mo sakin ? Sabihin mo nga sakin Caina mahal mo na ba yung Comatose na lalaking yun ?"
"Jiro ... Pasensiya na. Di ko matatanggap yan."
"Ako ang unang nagmahal sayo Caina halos buong buhay ko minahal kita tapos mas pipiliin mo pa yung taong Comatose na yun edi mo pa nga alam kung magigising yun."
"Jiro hindi dun nasusukat ang pagmamahal. Dahil ang pagmamahal isa itong sakripisyo at paniniwala na kahit di ko na alam kung magigising pa siya wala akong pakialam basta mahal ko siya."
"Caina wala ka ding choice sa ayaw mo o sa hindi ikakasal ka sakin."
"At bakit naman ?"
"Nabankrupt ang Daddy mo sa Japan at tinulungan siya ng family ko bilang kapalit ikakasal ka sakin. Kaya namin bawiin ang tulong na yun kung aayaw ka sa kasal natin at pagbinawi namin yung tulong na yun mamamatay sa hirap ang Daddy mo."
"Wala kang awa. Napakasama mo !!/Bakit mo pa ako tinanong kung wala din naman akong choice. Pasensiya na Jiro pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo."
Aalis na dapat siya kaso hinawakan ko ang kamay niya.
"Caina dun tayo magpapakasal sa Japan aalis tayo after two weeks. Tandaan mo pamilya mo nakasalalay dito."
"Akala ko mabuti kang kaibigan Jiro !! Nagkamali ako. Yang sinasabi mong pagmamahal para sakin ? Di yan pagmamahal ang tawag diyan kasakiman !!"
Tumakbo siya papaalis sakin.
"Pasensiya na Caina pero kailangan ko itong gawin dahil mahal kita."
A/N: Sorry kung natagalan sa pag-update !! Nagdadalawang isip po kasi ako kung itutuloy ko pa kasi di niyo naman po ata gusto yung story.
I really need your FEEDBACKS !! ^^
So ayun comment po kayo !! :D Kung nagustuhan niyo naman po VOTE !!
Salamat !! ^O^
BINABASA MO ANG
Loving a Comatose Man
Teen FictionThe story is about a girl who fall in love to comatose boy without knowing anything about him. She will face different challenges that will test his love for the boy. Will she surpass it? Will it be a happy ending for both of them? Author's Note: ...