Denden's POV
Lumabas muna ako ng kwarto pagkatapos naming mag-usap ni Alyssa. Kakausapin ko siya mamaya pag nagising na siya mamaya. Sasabihin ko sa kanya ang totoong dahil kung bakit ko siya hiniwalayan. Hindi ko sana sa gustong hiwalayan pero kailangan eh. Mahal na mahal ko ang babaeng yun na kahit buhay ko handa kong ipagpalit para sa kanya. Pumunta muna ako sa kusina para kumain. Gutom na gutom na ako. Naabutan ko sina Amy at Marge na kumakain sa kusina.
"Oh, Den, okay ka na ba?" Tanong ni Marge.
"Oo, okay na ako, penge naman niyang kinakain niyo, gutom na ako eh." Sabi ko.
"Ah, heto, sa'yo na tong share ni Alyssa. Sabi niya busog daw siya eh kaya sa'yo na lang 'to." Sabi ni Amy at ibigay niya sa akin ang share na para sana kay Alyssa. Wow, Mang Inasal, ang sarap nito. Kumuha ako ng plato at nagsimula ng kumain.
"Hoy, hinay-hinay naman sa pagkain baka mabilaukan ka diyan." Natatawang sani ni Marge.
"Pasensiya naman, gutom lang talaga eh, hehe." Sabi ko.
Umiiling lang silang dalawa habang pinapanood akong kumain.
"Oh, hindi niyo ba uubusin yang pagkain ninyo. Kung ayaw na ninyo sa akin na lang." Sabi ko.
"Hoy, kakain pa kami noh, ngayon ka lang kasi kami nakakita na malaki ang kain mo." Sani ni Amy at nagpatuloy na sila sa pagkain.
"Btw Den, okay na ba kayo ni Alyssa? Kinwento niya kasi sa amin ang nangyari sa inyong dalwa nung nakaraang araw." Tanong ni Amy. Nabigla ako sa sinabi ni Amy. So, nakwento na pala ni Alyssa.
"Hindi ko alam, pero kakausapin ko siya mamaya pagkagising niya." Sagot ko. Hindi na sila nagtanong pa at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nanood muna ako ng tv sa sala, habang hinihintay na magising si Alyssa. Paano ko kaya ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Bakit ba kasi umabot pa sa ganitong punto eh? Nakakainis. Bumalik na lang ako sa aking kwarto dahil boring naman ang ma palabas sa tv. Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko na gising na si Alyssa. Kakausapin ko na siya.
"Uhm, Ly, pwede ba kitang maka-usap?" Tanong ko.
Nakita ko na nabigla siya. Tumango lang siya bilang sagot.
"A-ano kasi, yung sinabi ko nung nakaraang araw, hindi ko talaga kagustuhan 'yun." Panimula ko. Hindi siya nagsasalit, nakikinig lang siya sa akin. "Nalaman kasi ng parents ko ang tungkol sa ating relasyon at hindi nila ito nagustuhan. Sabi nila sa akin na hiwalayan daw kita dahil kung hindi ay guguluhin daw nila ang buhay mo. Gagawin nilang miserable ang buhay mo, papahirapan ka daw nila. Kaya ko nasabi yung nasabi ko nakaraang araw ay para rin sa kaligtasan mo. Kilala ko ang parents ko, pag may sinabi sila ay talagang gagawin nila. Hindi ko gustong mapahamak ka kaya mas pinili ko na lang na hiwalayan ka. Pero mahal na mahal pa rin kita Aly. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay." Paliwanag ko.
Hindi siya nagsalita, nakatinginlang siya sa akin. "Wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako kayang ipaglaban Den? Bakit ako, nung tumutol ang parents ko sa relasyon nayin ay ipinaglaban kita? Bakit hindi mo kayang gawin yun para sa akin? Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao ay kaya mo itong ipaglaban." Sabi niya na umiiyak.
"Ipinaglaban kita Aly, pero kahit anung gawin ko, mangugulo at mangugulo pa rin ang parents." Sabi ko sa kanya. Umiiyak na rin ako. Ang sakit na makita si Alyssa na umiiyak dahil sa akin. Ipinangako ko pa naman sa kanya na hindi ko siya papaiyakin pero ano ting ginagawa ko ngayon.
"Sabihin mo nga sa akin Den kung bakit mo ako minahal?" Sabi ni Aly.
"Huwag mo akong tanungin tungkol diyan Aly, dahil mismo ako ay hindi ko alam kung bakit, basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. HIndi ko mabilang ang mga rason kung bakit, hindi ko rin masabi kung bakit kita mahal. Ang alam ko lang ay simula nung makilala kita, nagsimulang pumintig ang puso ko and my moments become special." Sabi ko habang lumalapit sa kanya.
Mas lalo pa siyang umiyak ng marinig ang sinabi ko. Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
"Mahal na mahal kita Aly. Pero dahil din sa pagmamahal na ito kung bakit ka umiiyak ka ngayon. Hindi ko man gusto na saktan kita pero kailangan kong gawin yun para sa kaligtsan mo." Niyakap ko siya. Tinulak niya ako palayo sa kanya.
"Lintek na pagmamahal 'yan. Kung mahal mo talaga ako ay kaya mo akong ipaglaban sa magulang mo. Mahal rin naman kita Den, pero kung hindi mo ako kayang ipaglaban ay mabuti pang kalimutan na lang natin na nagkakilala tayo." Sabi ni Alyssa. Umiiyak parin siya. Anong gagawin ko, mahal ko pa talaga siya. Hindi ko na alam ang aking gagawin.
"Hindi ko kayang gawin ang gusto mo Alyssa." Sabi ko.
"Hindi mo kayang gawin, pero pag kagustuhan ng parents mo, kaya mong gawin? Ano ka ba naman Den, ang tanda mo na, hindi ka pa rin makapag-desisyun ng ikaw lang." Sabi niya.
Natamaan ako sa sinabi niya. Totoo naman talaga ang sinabi niya na hindi pa rin ako makapag-desisyun para sa aking sarili.
"Sige kung yan ang gusto mo, pero wag mong kalimutan Alyssa na mahal na mahal kita at ipaglalaban na kita sa aking mga magulang. Kung kailangan na manligaw ulit ako sa'yo ay gagawin ko para maging tayo ulit." Sabi ko. Nakapag-desisyun na ako na paninindigan si Alyssa sa aking mga magulang kahit na magalit pa sila sa akin. Mahal na mahal ko si Alyssa, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Bahala na kung anong mangyayari sa darating na panahon, ang importante ay ang ngayon. Kailangan kong i-prove kay Alyssa na mahal ko siya, na kaya ko siyang ipaglaban sa parents ko.
Lumabas muna ako ng kwarto para hayaan muna si Alyssa. Pumunta ako sa kwarto nina Ella at Aerieal. Naabutan ko si Ella dun na nagbabasa ng libro.
"Oh, bakit namamaga yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Ella.
Tumango ang ako.
"Bakit anong nangyari?" Tanong niya.
"Pinaliwanag ko na kasi kay Alyssa ang dahilan kung bakit ko siya hiwalayan. Gusto niya na magkalimutan na lang kami. Pero hindi ko magagawa yun. Ang hirap gawin nun. Sinabi ko sa kanya na ipaglalaban ko na siya sa aking parents, pero hindi na siya nagsalita pa at iniwan ko muna siya para makapag-isip-isip." Sagot ko kay Ella.
"Huwag kang mag-alala, magiging okay din kayo ulit." Sabi ni Ella na nakangiti.
Sana nga maging okay na kami ulit. Pag nangyari iyon, hindi ko na siya papaiyakin pa. Kapag umiyak man siya ay dahil yun sa kaligayahan.