At the Ball

20 0 0
  • Dedicated kay Jonalden Reyes
                                    

            “Meshell! Tingnan mo dali.” Tawag ni Jonalden sa kaibigan na kasalukuyang nakatitig sa isang asul na damit.

            Tahimik naman na lumapit ito sa kanya. “Isn’t this dress perfect?” masiglang tanong niya rito at itinapad sa mukha nito ang isang pulang damit.

            “It’s good.” Pagsang-ayon nito sa kanya. Her friend seems to like the dress. Bakas sa mukha nito ang paghanga sa damit na hawak niya. “Why don’t you try it?” suhesyon niya rito.

            “What?!” gulat naman na reaksiyon nito. “No way!” tanggi nito sa kanya.

            “Oh c’mon! You should try it.”

            Mariing umiling naman ito at tila ba napakaimposible ng sinasabi niya. “You know I can’t.”

            She pout, “Wala namang masama, and are really sure na hindi ka sasali sa graduation ball natin?”

            “Ano naman ang gagawin ko 'dun?” patanong na sagot nito.

            Itinirik niya ang mga mata. Kahit kailan talaga napa timid nito kabaliktaran naman sa ugali niya na napaka-indiscreet. Next week na ang nasabing ball at hindi parin siya nakakabili ng isusuot na damit kaya nagpasya siyang magpasama kay Meshell upang mapayuhan siya nito pero mukhang siya dapat ang magpayo rito sa tigas ng ulo nito. “Sana pala isinama ko narin si Casey nang mapupok niya 'yang kukote mo.” Tukoy niya sa isa pa nilang kaibigan.

            “She’s not going to attend the ball also.” Sagot naman nito.

            Her friends really trying to vexed her. “Oh, please. Do you really despise me guys?” naiiyak na ani niya.

            Tila naalarma naman ito. “Hindi naman sa ganun Ad, It’s just we don’t really belong there.” Sagot naman nito na tila tinatablan na sa drama niya.

            “Pag kayo di pumunta sasagutin ko na talaga si Jadale.” Banta niya.

            Nanlaki naman ang mga mata nito. “You’ve got to be kidding me.” Nanghihilakbot na ani nito. Ang Jandale na tinutukoy kasi niya ay ang manliligaw niyang may tuliling sa ulo.

            “I’m not.” Matigas na ani niya.

            “Okay, okay—”

            “Gotcha!” tumatawang ani niya. Kahit kailan talaga ay hindi siya matitiis ng kaibigan.

            Naiiling na ngumiti naman ito. “You really stubborn, aren’t you?” anito.

            Malapad na ngumiti siya. “Let’s go find your dress.” Aniya at hinila na ito sa katabing Juicy Couture boutique.

            “Huwag nalang kaya tayong tumuloy?” kinakabahang ani ni Casey sa kanya. Nasa loob sila ng sasakyan ng Daddy nito.

            Napailing naman si Meshell. “This is insane.” Anito na kinakabahan ring sumulyap sa labas ng bintana.

            “You both promise.” She scolded.

            Napabuntong hininga naman si Casey. Tulad ni Meshell ay wala rin sana itong planong sumali pa sa ball. Kung hindi lang niya ito nagamitan ng blackmail ay tiyak na solo flight sana siya ngayon.

            “Are you two ready?” tanong niya.

            “As I’ll ever be.” Sagot naman ni Meshell.

Her ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon