Reconciliation huh?

25 2 0
                                    

                “Ang bagal mo namang maglakad.”

                Aden looked to her witch friends. “Bakit ba kayo nagmamadali?” naiinis na tanong niya sa dalawa. Kakaiba ang aura na ipinapakita ng dalawa ngayong araw na ito. Pati si Meshell na hindi naman kakulitan ay mukhang nahawa na kay Casey.

                “Hindi naman namin kasalanan kung ang iksi ng binti mo at hindi ka makahabol sa amin.” Ani naman ni Casey.

                Aba’t nagsalita!  “Hoy!”

                Natawa naman si Meshell at tinapik ang kasabay na si Casey. “Friend, tumingin ka ba sa salamin ngayong araw?”

                “Sinasabi niyo bang bansot ako?” nakapameywang na huminto ito.

                “Hindi ah!” sabay na ani nilang dalawa ni Meshell.

                Umirap si Casey sa kanila. “Bahala nga kayo diyan!” napipikang naglakad ito at iniwanan silang dalawa.

                She rolled her eyes. Talaga naman.

                Nang makarating sila sa coffee shop ay kaagad na dumiretso sila sa usual spot na inuupuan nilang magkakaibigan.

                Lumapit sa kanila si Jack na siyang nagmamay-ari  ng shop. “Good morning Ladies.” Nakangiting bati nito.

                “At anong maganda sa umaga?!” mataray na pambabara ni Casey na bad mood parin.

                Napailing sila.

                Ngumiti naman ang binata na sanay na sa mood swing nito. “Anong order natin?” baling nito sa kanya.

                Matamis na ngumiti siya. “The usual one, Jack.”

                “Okay.”

                Bumulong naman si Meshell sa binata. “Tsaka pakidagdagan mo narin ng marshmallow nang mawala ang topak nitong si Casey.”

                Natawa ang binata. “Sure.”

                Sumingit si Casey. “Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong nito kay Jack. “Tsaka, bakit ikaw ang kumukuha ng order namin? Nag iba kana ba ng trabaho at naisipang mag apply sa sarili mong shop?”              

                “Bakit ka ba nag rereklamo diyan? Eh, ang guwapo na nga nitong waiter natin inaayawan mo pa.” ani niya rito.

                “Guwapo? 'Yan?” nakakalokong tumawa si Casey. “Pinaglololoko niyo ba ako?”

                Napailing naman si Jack. “Sakit 'nun ah!” sinapo sapo pa nito ang sariling dibdib.

                “Wag ka ngang OA. Kunin mo na nga yung order namin.” Pagtataboy nito sa binata.

                Naiiling naman na tumalikod si Jack.

                Bumaling sa kanya si Casey. “ Tsaka ikaw Aden.”

                Itinuro niya ang sarili. “Ako?”

                “Oo ikaw, bakit ka ba tumitingin sa lalaking 'yan? Nakalimutan mo na ba yung one great love mo?” tanong nito.

Her ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon