Kuskus ako ng kuskus di parin matanggal yung mantsa na natapunan ko kahapon ang tanga tanga ko kasi
"Huyyy yaya bilisan mo dyan linisin mo kwarto ko at may kailangan lang akong puntahan"sabi ni gorgina habang nagcecellphone
Tumango na lang ako at umalis na sya
Nung tapos na ako maglaba nilagay kona yung mga damit sa dryer para agad matuyo
Tinignan ko phone ko ang daming message galing kay unknown yung sabi nya na sya daw ang secret admirer ko
Tse.Di ko kaylangan ng secret admirer
Tinignan ko yung mga message nya
Be safe
Take care im always watching you
Pagaling ka sa mga pasa mo ok
Wag masyaadong kuskusin ang damit lalo ng masasaktan yang maganda mong kamay
Sige bye na
I love you ♥♥
Sus dami nyang alam di nya iniisip yung pagaaral ehh ako nga ehh di na nakapagtapos tska wala naman akong pasa ha
Tinignan ko yung braso ko at binti ko at hinawakan ko ito
"Oo nga meron nga"sabi ko sa aking sarili
Tapos na ako sa pagdradryer kaya sinampay ko na ito pagkatapos ko magsampay pumasok ako sa loob para maghanda sa paglilinis ng kwarto ni gorgina
"Ohh gising kana pala anak"sabi ni manang belen
"Opo kanina pa po"ngiti kong sabi
"Nakakain ka na ba anak?"tanong ni manang belen
"Di pa po sige kayo na lang po mauna may kailangan pa po along gawin"sabi ko at nagsimulang maglakad papuntang kwarto ni gorgina
Nakapasok na ako sa kwarto ni gorgina ang ganda puro pink at teddy bear ang nasa gilid kaso ang gulo naman yung mga unan,nasa baba na yung Kurtina nakahandusay na wala na sa bintana tapos yung mga damit't sapatos nya nasa kama nya
Ang gulo grabe di ako makakatulog pag ganito ang kwarto ko
Nagstart ako sa mga damit ni maam at mga sapatos nya
Infareness ang gaganda ng mga damit nya bagay siguro kasya sakin toh hihi
Pumasok ako sa closet room ni gorgina at sinuot yung parang jacket na kulay red at short
Nung nasuot kona tumingin ako sa salamin im proud kasi ang ganda ganda ko kinikilig ako sa sarili ko
Agad kong inalis yung damit para walang makahuli sakin at lumabas na ako sa closet room ni gorgina tinupi ko ito at nilagay na sa cabinet yung iba naman nyang damit hinanger ko na lang
Susunod nilagay ko yung mga sapatos nya sa katabi ng cabinet inarrange ko ito isa isa
Inayos ko naman yung kama ang laki naman kasi nung kama parang tatlong tao kasya dito
Inayos ko na din yung kurtina nya Inayos ko na din yung mga teddy bear
Di ko maiwasan tignan yung picture nila ni gerald nung mga bata pa sila ang cute nila
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.