4 Meters

12 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa labas ng school gate. Hindi pa ako pumapasok kahit na late na ako. Ang usapan kasi namin ng Bestfriend ko,ay magpalate ng limang minuto at mag-antayan sa labas ng school gate.. kung sino man sa aming dalawa ang maunang dumating..siya ang maghihintay..

Ayon at ako nga ang unang dumating.:-B.

saktong 7:35 am ako nandito at ilang minuto na din ang nakakalipas ang aking pag-aantay. Tumingin ulit ako sa aking wrist watch..7.41am na.

"Adriannaaa!, asan ka na ba?..grabe!..wala ka na bang balak pumasok?! sabi mo 5 minutes lang tayo magpapalate.."    pabulong na sabi ko..pero di pa naman ako sasabog sa inis..hehehe

Pinansin tuloy ako ni Kuyang Guard na kanina pa pala siya nakatingin at tila may gustong sabihin. O gusto na niya akong sitain.

"Ah..Ma'am? may balak po ba kayong pumasok sa loob? Hindi po ba late na kayo sa klase niyo? O baka gusto mong malaman to ng head?"  paniniguradong tanong niya. at Aba!..may balak ata akong isumbong sa Head ng School!

Syempre.napaghandaan ko na kung ano ang aking sasabihin sa mga ganitong situwasyon. Alam ko na ganito ang mangyayari.Mabilis akong mag-isip.

Medyo relax lang ako. Para huwag niya din tawagin ung Head. (hehehe..^_^)

"Ah.Pasensya na po, may naiwan po kasi ako sa bahay kaya hinihintay ko po ung maghahatid.(that's not true!..hehehe..bestfriend kong late ang hinihintay ko..^=^), tsaka transferee student po ako  eh(ythat's not even true!!..hihihihih.)"

"Ah..ganoon po ba?"..   Pinagpatuloy na lang ulit niya ang kanyang ginagawa

Shungang guard di marunong kumilala ng mga pumapasok na estudyante!.>_<..(pasensya na po sa term Kuya.:P)

Lumingon na lang ulit ako sa ibang direksiyon.

Yana's POV

"FIx!!..Patay ako sa bestfriend ko!.."  binilisan ko ang pagtakbo..

"Ano na naman kaya sasabihin nun?..Ah! bahala na..bibilhan ko na lang siya ng kanyang favorite cold strawberry milk..just in case,pantagal na din ng inis at tampo niya".

Dumaan muna ako sa Mini Stop at bumili ng different flavors na fruit milk,except orange milk flavor.Nakakasawa eh..Bumili na din ako ng para sa akin.Nagbayad na din ako sa counter at nagmamadaling umalis.

"Konti na lang.!.malapit na ako"

Crystelle's POV

Natatanaw ko na ang isang pigura na di naman medyo kalayuan. Tumayo ako at napa-EVIL GRIN..may naiisip na naman akong kapilyahan..harharhar!!

"Steeellllee..s...so..sorry!!"   tumugil siya sa aking harapan na hingal na hingal sa pagmamadali..

"At anong oras na? 7:45am na oh!.. nasan ang 5 minutes mo?" sarkastiko kong pagtatanong..nameywang din ako.

"Sorry na best.wag ka nang mainis at magtampo." pinunasan niya ang kanyang pawis at hinawakan ang kanyang lalamunan at lumunok..

"The back of my mind tells me, where's your Peace Offering??" pagtataray ko..pero joke lang yun..hindi naman talaga ako inis o nagtampo sa kanya..Sanay naman akong maghintay tsaka 10 minutes? okay lang yun. Gusto ko lang siya i-bully ngayon

"Eto oh.." dumukot siya ng isang bagay mula dala niyang plastik bag: Doon ko lang napansin na may hawak pala siyang plastik including her sling bag. Iniabot niya sa akin ang Strawberry milk.!!

Hindi ko naman inaasahang may Peace Offering talaga siya.At talagang yung paborito ko pang milk drink, kinuha ko iyon.

"Salamaaatt!!..Best Joke ko lang yun!. kaw naman!..hahaaha!" umakbay ako sa kanya

Meters Away To Serenade[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon