Ikaw
Sa pagdilat ng aking mga mata,
Ikaw ang naiisip sinta.
Isa lang ang hindi ko kayang gawin
At 'yon ay ang kalimutan ka.
Kung kailangan mong lumisan,
Bakit hindi mo ako sinama?
Kaya heto ako ngayon nagsusumamo
At nag-iisa.
Paano ako lalaban, kung ikaw mismo ay sumuko at
Ako'y nakalimutan na.
Paano mo nagagawang ngumiti at tumawa?
Habang heto ako, tahimik na nagdurusa.
Sa tuwing ikaw ay nakakasalubong
pilit kong iniiwas ang aking mga mata,
Natatakot akong mabasa ka at makita sa iyong mga mata,
Na hindi na ako ang iyong sinisinta.
Kaya ako nalang ay yumuyuko at binibilisan ang paglalakad.
Gusto kong lumingon
Gusto kong Makita
Gusto ko..
Gusto kong alamin kung ako parin ba.
Akala ko kasi naghilom na mga sugat na iniwan mo,
Ngunit ba't iniiyakan ang isang taong baka ako ngayo'y nakalimutan na.
BINABASA MO ANG
Whisper
PoetryI get things stuck in my head and I write them down. It is the thing I am passionate about, "POETRY".