Ang Tanong "Kung Bakit"?

7 2 0
                                    


Ang Tanong "Kung Bakit"?

Walang hudyat, ni walang signs,

Ni hindi man lang tinext ni tadhana na ika'y makikilala

Biglang isang araw,

nagulat ako nandyan kana

Maraming tao, Maraming nakatayo

Ngunit bakit paglingon ko sa'yo

tumibok biglang ang natutulog na puso.

Parang ang oras bigla nalang huminto

Kasabay ng hininga at pintig ng puso.

Napalingon ako..

Teka, bakit ako nagkakaganito?

Kung pwede lang pigilan..

Kung pwede lang takasan..

Ngunit hindi..

Tela ito'y nakatakda na, ginuhit na ng tadhana sa aking mga palad

Nakakaba..

Nakakatakot..

Heto na si Kupido, naka-duty na naman,

At sa lahat ng tao dito,

Ako pa talaga ang napagtripan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad,

ngunit ang tingin ko'y nasayo pa rin

Ang masama nito,

maging ikaw ay ganoon din.

Bakit ikaw pa? Bakit ako nagkakaganito?

Mga tanong na gustong maliwanagan

Naisulat na sa aking papel gamit ang mga salita at titik

Upang mas maramdaman at maintindihan..

Ang tanong "kung bakit"?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon