10:08 pm Nakarating kami ng Paseo, naglakad papunta sa may fountain at doon umupo.
Sinimulan ulit ang bagong chapter ng naputol na yugto ng pagkakakilanlan.Habang nakaupo at masayang nagkekwentuhan sa napakalamig na simoy nang hangin, na yumayakap sa aking katawan tanging kamay lamang nya ang nagbibigay init sa aking mga kamay, ewan ko ba parang napaka hirap isipin na nangyayari yun pero eto na eh eto na talaga sya.
Sinimulan nyang bigkasin ang mga salitang sobrang sarap pakinggan, na feeling ko eh inuuto lang ako pero bakit ganun di ko man lang napansin yun haha.
Sa mga oras na 'yon alam kong mahal ko na sya, alam kong sya yung taong gusto kong kasama. Kahit may suot akong relo, kahit may pasok pa ko sa work ,hindi ko na pinansin yun basta sa mga oras na yun masaya ako, yung tipong lutang ka sa langit..
Parang mala Aladin na Movie na nasa flying carpet at kumakanta ng A Whole New World..
" Sana hindi na matapos to noh,
Ngayon ko lang naramdaman ulit kung pano kiligin at maramdaman na may tao pa palang magpapatibok sa puso ko.. " ang sabi ko sa kanya.."Alam mo ba akala ko hindi to magwowork eh, kasi hindi pa tayo nagkita, ewan ko din ba sobrang gaan ng loob ko sayo, pwede bang wag na muna tayong umuwi,, gusto kong sulitin tong mga oras na to" aniya..
Teka lang, may bukas pa na naman eh habang abot hanggang pisngi ang ngiti ko habang nakatingin ako sa kanya..
Kahit ako may konting fear nung narinig ko na yun,
Baka kasi parang si Cinderella until midnight lang ang kilig moment..
Pero hinayaan ko nalang umandar ang orasan at hinayaan lumipas ang oras ng kasama sya,,Nung umabot na kami ng 1:05am akala ko wala nang bukas hahaha
Eh kinabukasan na pala.
Niyaya ko na syang umuwi, kasi naman diba masyado tayong kinikilig,
Pwede din naman umuwi ehh..Sa pagtayo hawak nya padin ang kamay ko,
Sa paglalakad, parang okay lang wala naman nang nakakakita,,
Nang biglang may yumakap na mga braso sa aking katawan, at may bumulong sa aking tenga,
"Masaya ako at nakilala kita, masaya ako na minahal kita, masaya akong mahalin ka, at masaya akong makasama ka. "Bumilis ang tibok ng dibdib ko hindi ko alam kung anong gagawin at kung anong sasabihin matapos kong marinig ang mga salitang magpapahina sa akin, ang tanging nagawa ko lang ang humarap at titigan sya, tignan ang kanyang mga mata kung totoo ba ung mga sinabi nya,,
Gusto kong malaman kung totoo o hindi ang balak nyang pahulugin ako sa kanyang mabulaklak na salita.
Pero nahuli na naman ako, nahulog na talaga ako, nabulag na ako sa pagmamahal na nararamdaman ko..Sa pagkakatitig ko unti unting lumalapit na yung kanyang mukha dahan dahan pumipikit ang kanya mga mata, at unti unting dumampi ang kanyang mga labi sa labi kong nauutal..
Pero parang isang ilog na hinayaan kong umagos ang aking damdamin..
Isang bagong ako, isang bagong ikaw
Isang bagong Tayo, isang bagong yugto sa buhay ko ang dumating at yun ay Ikaw.Iba talaga ang nagagawa pag inlove ka noh..
Well ayun na nga naging makata ako sa pagkakataon na yun.Hindi naman matatapos ung araw na yun, kasi alam kong bukas may dahilan na ulit ako para maging masaya.
Habang pauwi, magkatabi kami sa tricycle habang mahigpit ang hawak sa aming mga kamay.
Feeling ko nga nagpapawis na kamay ko eh sa sobrang init ng palad namin,.
Ikaw ba naman pagsakay hanggang pagbaba hanggang pag sakay ulit ng jeep walang bitawan..Sana lang talaga Walang Bitawan😢😢.
Nang malapit na kong bumaba parang ayaw kong tumuloy umabot ung jip sa kanto namin ayaw kong iwan ang kamay nya ng walang kakapitan.
Pero nung sinabi nya na "Sobrang Saya ko nang makasama kita, at sisiguraduhin kong magiging masaya tayo".Nakampante ako sa mga salita mo, sa mga salitang binibigkas mo, sa mga paramdam mo.
Kaya heto ako umasa at nagmahal habang hulog na hulog sayo.
BINABASA MO ANG
Take A Break
Roman d'amourKung sa pag dilat ng iyong mga mata, bigla mong maiisip na " Teka Single parin pala ako"!! Sabay tawa ng malakas.. PAno kung dumating yung araw na "unexpected daw kuno" pero para sayo antagal tagal mo nang iniintay. Papakawalan mo pa ba yung p...