Chapter 3

90 3 0
                                    

by: CerseiPixie

~NARATION~

   "PIAPE, handa na po ang lahat para sa gagawin pagsasanay.."(king)

   Isang fiande(knight)ang nakaluhod sa harapan ng Piape ng fire kingdom upang magbigay ng impormasyon. Ang pagsasanay na kanilang pinaghahandaan ay para sa mga batang lalaki.

   "Mabuti kung ganoon.. Bantayan niyo ang herra, at siguraduhin pinagbubuti niya ang kanyang pag-aaral.." (princess)

   Mabilis na nagsi-sunod ang kalahati ng mga fiande para puntahan ang herra at mabantayan.

   Sinisiguro ng piape ang kaligtaasan ng herra ng kanilang mundo sapagkat ito na lamang ang natitira upang magmana at magpatuloy ng mga tungkulin. Ang herra ay hindi anak ng kanilang piape, ito ay kanya lamang pamangkin.

   Hinahangaan ng lahat ang kahusayan ng piape sa pamumuno kaya ganun na lamang ang pagka-dismaya nila na hindi galing sa magiging pamilya ng piape ang susunod na mamumuno. Sapagkat hindi nagawa ng piape na magka-anak at asawa.

   Maraming sabi-sabi na ang pagkabigo sa unang pag-ibig ng piape ang dahilan kaya hindi na niya binalak na mag-asawang muli. Ngunit wala ni isa ang makapag-patunay kung sino ba talaga ang kanyang unang pag-ibig.

   Ang lahat ng tungkulin sa hinaharap ay mapupunta kay Herra Sierra Hamien. Isang Herra na may malalim na pag-iisip, na siyang hinahanggan ng lahat ngunit wala ni-isa ang nagbabalak na makisalamuha sa kanya. Ang kanyang ugali ay hindi katulad ng inaasahan para sa isang herra. Maraming nagsa-sabi na hindi siya ang nararapat para sa trono. Sapagkata bata pa lamang ay hindi na kanais-nais ang ugali.

   "Herra, halika na po dito. Mamaya lamang ay darating na ang ating tando.." (Teacher)

   Pag-anyaya ng kanyang yuzie. (classmate)

   Matalim lamang siyang tiningnan ng herra. Padabog itong umalis sa kanyang pagkaka-upo tsaka nakihalo sa mga pangkat ng kanyang yuzie.

   "Herra, gusto ko po sanang makipagkaibigan sayo."

   Nilapitan ulit ng batang babae pero sa pagkaka-taong ito ay nagsalita na ang Herra.

   "Marde! Hindi ako nakikipag-kaibigan sa isang mababang uri tulad mo." (stupid)

  Hindi ginusto ng herra ang sinabi niya pero 'yon lamang ang alam niyang paraan para layuan siya ng bata.

   "Fiande!" ( knights )

   Ang lahat ng atensyon ay napunta sa kanilang direksyon kaya agad silang dinaluhan ng mga fiande.

   "Aming herra, anong kaguluhan ito? Sinaktan ka ba ng iyong yuzie?"

   "Alisin niyo siya sa paningin ko," utos ng herra sa mga fiande na siyang sinunod agad ng mga ito. Halos makaladkad ang batang babae sa klase ng kanilang paghawak.

   Kahit ang mga taong nakapaligid sa kanila ay gustong salungatin ang utos at ginagawa ng kawal sa bata pero wala silang magawa. Dahil buhay nila ang magiging kapalit kapag ginawa nila ito.

   Hindi bingi ang herra para hindi niya marinig ang mga bulong-bulungan tungkol sa kanya.

……

   "Masama ka! Ang gusto lang naman ni Dian ay ang maging preta ka! Ayoko na sayo! Hindi na kita iniidolo.." (friend)

   Isang batang babae muli ang lumitaw sa harapan ng herra. Sa tansya ng herra ay mas bata ang kanyang kaharap kaisa kanina. Gusto niyang lapitan ang batang kaharap niya upang tumahan ito sa pag-iyak. Pero nanatili ang kanyang mataray na mata na nakatingin lamang sa bata.

   Hindi niya maaring suwayin ang utos ng kanyang ina.. Ang huwag na huwag magpapakita ng kahinaan at lalong lalo na ng awa sa mga tao.

  "Tumahan ka dyan. Wala akong pakialam kung hindi mo na ako iniidolo. At ano kamo? Iniidolo? Isa kang tora! Nasisiguro kong walang nagmamahal sa akin, iniidolo pa kaya? Layuan mo ako." (crazy)

   Matatag ang bata, hindi siya lumayo sa herra imbis ay humakbang pa ito papalapit sa herra.

   "Anong itinitingin-tingin niyo dyan?! Mga merda! Ilayo niya sa akin ang tora na ito!"

   Tinatagan ng herra ang kanyang loob upang hindi pang hinaan ng loob at mapahiya sa mga taong may matatalim ng tingin sa kanya.

   Walang sumubok sundin ang utos niya. Tanging pang-iinsulto lamang ang natanggap niya.

   Hinawakan ng herra ang kamay ng bata. Dinala niya ito sa walang taong lugar para doon kausapin. Sinuguro niyang walang tao ang makakakita sa kanya bago harapin ang bata.

   "Anong pangalan mo?" tanong ng prinsesa.

   "P-Phira," sagot ng bata habang humihikbi.

   "Ito ang tatandaan mo, Phira. Huwag na huwag ka na ulit lalapit sa akin. Lumayo ka na, kung ayaw mo ng gulo. Iwasan mo ako!" pagbabanta niya. Halos nakahinga na siya 'nong nasabi ang tunay na nararamdaman niya. Ngunit masakit parin para sa kanya na kailangan dumating sa punto na magbanta siya ng bata.

   "B-Bakit ka umiiyak?" naguguluhang tanong ng bata..

   Hindi namalayan ng herra ang mga luhang tumutulo sa kanya mismong mga mata. Tumalikod muna siya upang punasan ang mga luha niya.

   "M-May sakit lang siguro ako. Hindi mabuti ang pakiramdam ko.."

   Hindi tinanggap ni Phira ang dahilan ng herra. "Mabait ka, hindi ba?"

   Hindi alam ng dalawang bata na may pa-sikreto ng nagmamasid at nakikinig sa pag-uusap nila.

   "Anong ginagawa mo sa aking fhanget? Phira, layuan mo ang walang pusong herra." (kapatid)

   Isang batang lalaki ang lumitaw sa harapan nila. Bakas ang tapang sa mga salitang sinabi niya pero ang totoo ay natatakot siya. Ni-lait niya ang herra, tiyak na hindi niya ito magugustuhan

   Nilapitan niya ang herra tsaka marahas itong hinawakan sa balikat. Nasasaktan ang herra sa higpit ng hawak nito pero hindi niya ito ipinahalata sa kanyang reaksyon. Bumwelo ang herra tsaka malakas na itinulak ang batang lalaki.

   "Vu! Isa akong herra, hindi ko palalampasin ang kalapastanganan mo. Ilayo mo sa akin ang kapatid mo, baka sa kanya ko ibuhos ang galit ko sayo." (you)

   Bumalik ang matatalim na titig ng herra upang masindak ang batang lalaki na naglakas loob laitin siya, sa mismong harapan niya.

   Nilapitan ng herra ang batang nakasalampak sa batohan. Hinaplos nito ang pisngi ng bata sabay pisil kaya bahagyang napa-aray ang bata.

   "Phira! Uvena ire!" (Come here)

   Hindi sinunod ni Phira ang utos ng kanyang fhanget. Nang mapansin ni Herra Seirra Hamien na walang balak kumilos ni Phira ay tinitigan niya ito na para bang nag babanta. Dahil sa titig ng herra ay lumapit na si Phira sa kanyang fhanget.

   "Umalis na kayo, at huwag mo na muling babalakin na magpakita sa akin."

   Wala siyang tugon na narinig kaya mas pinili niyang maglakad na papunta sa kanilang palasyo. Sa tingin niya ay umalis na nga ang magkapatid.

   Ramdam niya na ang panghihina ng katawan niya pero pinilit niya ang katawan hanggang sa makarating sa palasyo. Gusto niya ng magpahinga, masyado na niyang pinaka-husayan ang pagpapanggap sa kanilang mga nasasakupan.

CerseiPixie
ChixHunter05

Facebook Account:
Zhara Grace
Trisha

Facebook Page:
CerseiPixie
Artemis
I'm Inlove with a Monster

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Inlove with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon