Relasyong ating iningatan
Tila ba wala ng makakapigil pa sa'ting dalawa
Pagmamahal na aking hinangad na ngyon ko lang naramdaman
Pero bakit ang lupit ng tadhana?
Ngayong naramdaman ko na ang tunay na pagmamahal saka kapa nawala?
Nakakapagod. Nakakapagod lumaban mag-isa sa taong alam mong wala na talagang pag-asa.
Oras na para lumimot
Mahirap pero kailangan
Ngayon,gising na ako sa katotohanang wala na dapat akong babalikan pa.
Nakaraan na kaysarap balikan
Ngunit ang nakaraan na 'yon ay kailangan ng ibaon sa lupa
Salamat aking sinta,
Sa pagmamahal na ibinigay mo sa panahong tayo pa
Salamat dahil minsan ka ng naging parte sa buhay ko kahit panandalian lamang
Oras na para magising tayo sa katotohanang pinagtagpo lang tayo at hindi tayo ang itinadhana
Pinaglaban kita pero ikaw na ang sumuko
Kaya tama na,
Ginagawa ko 'to hindi dahil para sa'kin,
kundi dahil ginagawa ko 'to para maging maayos na ang lahat at wala ng masasaktan pa
Mahal kita,ngunit hanggang dito nalang...

BINABASA MO ANG
Patama Quotes Para Sa Mga Taong Sawi
RandomPatama Quotes Para Sa Mga Sawi! Mataamaan sapul! Umilag ulol!