Patama 59

379 15 0
                                    

Ilang ulit kong tinanong kung bakit ikaw
kung bakit ikaw ang gusto ko.
Ilang sigaw,ilang suntok,ilang iyak ang ginawa ko para maibsan ang sakit na aking nararamdaman
Apat na kaibigan ko ang nagsabing tumigil na ako
Tatlong miyembro ng pamilya ko ang nagsabing pakawalan ko na
Isang guro ko ang nagsabing move on na.
Mag-umpisa muli at ibaling sa iba ang pagmamahal ko
Ilang beses kong ipinaintindi sa kanila na hindi ko kailangan ng iba dahil ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba.
Sakit,galit,pagkamuhi, at pagmamahal. Apat na emosyon na aking nararamdaman sa ngayon.
Nang mawala ka,nang mawala ang tayo,wala akong naging kakampi sa mundo.
Walang nag-alok ng panyo o nagtanong kung ayos lang ba ako
Wala na ba akong karapatan na masaktan?
oo,wala na ang tayo
Oo tinapos ko ang tayo
Ikaw lang ba talaga ang nagmahal at ang nasaktan?
Kasi kung oo,bakit pakiramdam ko parang nilalamon ng dibdib ko ang puso ko?
Sana nga ikaw nalang ang nagmahal para ikaw lang din ang nasaktan
Para sana hindi na ako umiiyak sa gabi
Pinilit na kalimutan ang sakit at hapdi
Pinilit na kalimutan ang tayo
Ngunit mahirap
Sinasampal sa sarili na tapos na,ang tayo
Na nasa nakaraan na ang ikaw at ako
Sa kabila ng lahat,kumakapit parin ako sa salitang "may pag-asa pa".

Patama Quotes Para Sa Mga Taong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon